Kabanata 9

11 0 0
                                    

Dreams.

Inirapan ko sina Rei at Gab nang makaupo kami. Matapos ang photoshoot ay agad nila akong hinatak at kinausap. Hindi sila kuntento sa sinagot ko na wala naman akong tinitingnan.

"Sino ngang tinitingnan mo?" Pangungulit muli ni Gab.

Kanina pa nila ako tinatanong tungkol sa tinitingnan ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila si Rainier. Hindi nila alam na may nakausap ako sa Italy at wala rin naman sigurong rason para i-kwento ko iyon. Wala rin namang kabuluhan iyon dahil hindi rin naman nila kilala si Rainier.

"E-ex mo?" Tanong naman ni Rei.

Napairap ako ulit. I held the wine glass and drink a bit from it. Nilingon ko ulit ang pwesto ni Rainier kanina. He's not there anymore.

Namamalik-mata lang ba ako? Pero imposible e. Kabisado ko pa ang suot niyang formal suit at dark blue na neck tie. Bago pa nga ang gupit niya e! Imposibleng hindi ko siya makilala sa tagal naming magkasama sa Italy!

"Gab, sinong mga nag-invite sa mga tao rito? Si Mommy ba?" Tanong ko sa nakatitig na Gabriella sa akin.

Nagkatinginan silang dalawa ni Rei. Nagkibit-balikat si Gabriella. "Si Cartier ang sa iba. Sina Tita Anna at Tito Carlos naman ang sa iba. Bakit? Nandito ang ex mo?"

Umiling ako saka sumimsim sa wine glass ko. "Nope."

Sino naman kaya ang nag-imbita sa kaniya? Si Kuya? Magkakilala kaya sila ni Kuya? Tumingin ako kay Kuya Cartier na may kausap na halos kaedaran niya. Kinunot ko pa ang noo ko para tingnan kung nandoon si Rainier pero wala talaga.

Nasaan na kaya 'yon?

Imposibleng namamalik-mata ako dahil kabisado ko ang tingin niya. Hindi ko lang maintindihan ang nararamdaman ko kanina no'ng tiningnan niya ako nang seryoso. Para akong kinikilabutan.

"Sino? Potential boyfriend?" Tanong ni Rei.

Inirapan ko siya siya ako ngumiwi. "I don't have any plans to enter a relationship, Rei. Salot sa lipunan ang mga lalaki!" Madiin kong sabi.

"Ang bitter. Soon, you'll meet someone that will open your heart again," ani Rei. "Someone that will make you feel what true love is!" Madiing sabi ni Rei.

Ngumiwi ako. "Ginayuma ako kapag gano'n!"

Nagtawanan kami sa sinabi ko. Ayaw ko na talaga sa relasyon. Masyado na akong takot. Hinding-hindi ko na susubukan ulit 'yon. Kung babalik man si Xander sa akin, siguro okay na kami sa kaibigan pero kung magbabalikan kami? Hindi. Malabo na. Ayaw ko na. I just want us to at least talk about our past relationship. Kung bakit bigla na lang niya akong iniwan? Kung bakit bigla na lang nawala ang pagmamahal niya sa akin? I just want an answer. After all of my questions were answered, I'm done. I'll let myself forget him completely. Hindi ko pa lang magawa ngayon dahil may kulang pa. May hinahanap pa akong sagot.

Naging busy sina Mommy at Daddy sa bisita. Kuya Cartier and Kuya Carlo were entertaining the guests as well. Nagtabi-tabi lang ulit kami nang ihanda ang pagkain namin. Nanonood kami sa mga kumakanta at sumasayaw. Tumili pa nga si Chanelle dahil may kumanta ng 'Let it Go'.

"I hope you're enjoying this party, Hija!" Ani Mommy kay Gab.

"Opo, Tita. Ang ganda po. Maraming salamat po," sagot ni Gabriella saka ngumiti.

Tumingin si Kuya Cartier sa kaniya. Pumungay ang mga mata niya habang nakatingin sa kaibigan. Sumimsim na lang ako sa wine glass ko habang pinapanood sila.

"I'm glad that you liked it. I missed arranging parties like this," ani Mommy saka tumawa. "How about you, Rei?" Baling naman ni Mommy kay Rei. "Are you enjoying?"

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Where stories live. Discover now