Kabanata 21

7 0 0
                                    

Bracelet.

I am so happy that our birthday celebration turns out well. After Rei's birthday, we explored the entire Palawan. And on my birthday, we had a photoshoot and do snorkeling. Gab and Rei even surprised me with a tarpaulin underwater.

"Belated happy birthday," bati sa akin ni Alexander nang makita ako sa farm.

Kakauwi lang namin kaninang madaling araw. Hindi ko sinabi kay Xander na uuwi na kami para surpresahin siya kaya umagang-umaga ay nandito ako sa farm para puntahan siya.

I smiled. Nilingon ko ang mga trabahador na busy sa kani-kanilang mga ginagawa. I looked back at him and gestured to follow me.

Mahigpit ko siyang niyakap nang makapasok siya sa kubo. Natawa siya sa naging reaksyon ko. Sa halos dalawang linggo naming pananatili sa Palawan, nakuntento na ako sa tawagan namin.

"I missed you," bulong ko.

Ginulo niya ang buhok ko habang nananatili akong nakayakap sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ba ang mayro'n sa relasyon naming dalawa. Ayaw kong tanungin siya dahil baka masira iyon. Ayaw kong masira ang kung anumang mayro'n kami.

"I have pasalubong for you but I forgot to bring it. Masyado akong na-excite na makita ka e," sabi ko.

Tumawa siyang muli. Damn! How can a single person made me this smitten? Hulog na hulog talaga ako!

Bumitaw ako mula sa pagkakayakap sa kaniya. Tiningala ko siya na nakatitig sa akin. Inayos niya ang takas na buhok ko at inipit iyon sa gilid ng aking kaliwang tainga.

"You can give it to me tomorrow," aniya.

"Pupunta ka?" Tila nabuhayan ako roon.

New Year's eve na bukas. Hindi ko akalain na matatapos nang mabilis ang panahon ngayon. Siguro nga totoo na bumibilis ang oras kapag masaya ka, kapag kuntento ka sa ginagawa mo.

Tumango siya. "Oo naman. Wala naman akong gagawin," sabi niya.

Noon ay hindi siya sumasama kay Tita Loisa tuwing may pagtitipon. Kung pupunta man siya ay iisnobin niya lang ako.

Tuwang-tuwa tuloy ako nang makauwi. Naabutan ko pa sina Mommy, Daddy, at Kuya Carlo na nag-uusap sa living room.

"Are you sure that you're taking care of her, Carlo? Nag-aalala na sina Via sa kaniya," ani Mommy.

Nakita ko ang paghilot ni Kuya sa kaniyang sentido. "She's fine, Ma. Kung nag-aalala pala sila, bakit hindi sila gumawa ng paraan para umuwi ang anak nila?" Tanong ni Kuya.

"Gusto raw nila matut—"

"And they think that the right way to teach her a lesson is to let her live alone?" Inis na tanong ni Kuya.

Kumunot ang noo ko. Mukhang seryoso sila sa pinag-uusapan nila kaya hindi nila ako napansin.

"Kaya nga ikaw ang inaasahan nila e," ani Mommy.

"Kahit hindi nila ako asahan, alam ko ang gagawin ko, Ma."

"Nasaan ba siya, Carlo?" Tanong ni Daddy.

Tumingin sa kaniya si Kuya. Bumuntong-hininga si Kuya at hinilot muli ang kaniyang sentido na parang sobrang sakit ng ulo niya sa mga nangyayari.

"She's here?" Tanong ni Daddy.

"Who?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na makisali sa usapan nila. Wala akong ideya sa kung sino ang nawawala at kung sino ang lumayas. Para silang may sikretong tatlo na bawal kong malaman dahil matapos kong magsalita ay umayos sila ng pagkakaupo.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu