Kabanata 12

8 0 0
                                    

Trigger Warning: Strong words

———
Love.

Nakahanda na ang isang mat nang makababa ako. May dalawang baso at iilang finger food sa gitna namin. Tahimik si Rainier nang makita akong palapit.

"Sorry natagalan. Naghilamos pa ako," sabi ko sabay upo sa tapat niya.

"It's okay," ngumiti siya.

Ibang-iba siya sa nakikita ko ngayon. Sinalinan niya ako ng alak kaya naman mabilis ko iyong ininuman. Ngumiwi siya sa akin.

"What?" Kunot-noong tanong ko.

"Ang lakas mo talagang mag-inom," sabi niya.

Inirapan ko siya. "As if you didn't see me vomit in my room and in your car," sabi ko.

There was a time that I am so drunk and I accidentally vomit on his car. Gusto ko sanang ako ang magpa-car wash no'n pero hindi siya pumayag.

Tumawa siya sa sinabi ko. Sinalinan niya ako ng panibagong alak kaya mabilis ko iyong nilagok.

"What?" Tanong ko nang muli siyang ngumiwi.

"Hindi porket sinasalinan kita ng alak ay iinumin mo na iyon agad. Kumalma ka naman muna," sabi niya.

"I won't be able to sleep tonight if I didn't drink," sabi ko. "I'm glad that you brought Tequila."

Hindi siya nagsalita kaya ngumiti ako at tumingin sa payapang dagat na nasa tapat. How I wish I was as peaceful as the sea. How I wish I was calm and just enjoying the little waves from wind.

Tahimik ako na iniinom ang bawat alak na binibigay ni Rainier. I couldn't stop myself from drinking and drinking. Back then, this is my way to move on and up until now, this is still my scape. Duwag mang pakinggan pero sa alak ako kumukuha ng lakas ng loob.

I never expected that he can do something like that. I have always been adoring him. Everyone from Pontevedra knew him as a model student but everything is wrong.

How could he do that to my best friend? Kung sanang gusto niyang bumawi sa amin, ako na lang sana ang sinaktan niya. Ako na lang sana ang pinarusahan niya. Hindi niya na dapat pang dinamay ang kaibigan ko. I was always been in front of him. I was always been with him. How could he do that? Hinding-hindi ko matanggap na nagawa kong magmahal ng isang demonyo.

Pumatak ang luha ko kaya mabilis ko iyong pinalis. Ako na ang nagkusang magsalin ng alak sa baso ko saka iyon tinungga.

"Hey!" Saway ni Rainier sa akin nang makita na sunod-sunod ang pag-inom ko.

Tumingin ako sa kaniya. My vision was already blurry because of my tears but I know that he looks sad right now.

"Don't push yourself too hard. It's okay to cry if you want to. You don't always need to be strong, Charlynn. Just cry," aniya.

Ngumiti ako sa kaniya kasunod ng sunod-sunod na pagpatak ng luha ko. Nabitawan ko ang basong hawak saka ko niyakap ang tuhod ko. Yumuko ako roon at humagulgol.

Ang sakit. Tangina! Hindi ko kayang tanggapin. Mahal na mahal ko si Xander. Mahal na mahal ko siya na ang hirap tanggapin na masama siyang tao. Why am I always naive about things like this? Ang tanga-tanga ko naman.

"I'm s-sorry for R-Rei," umiiyak na sabi ko.

"It's not your fault," he said that like a whisper.

I shook my head. I don't know what to say. I will always and forever will blame myself for this happenings. Kung hindi namatay ang tatay ni Xander habang ako ang sakay ay hindi siya magagalit sa pamilya o sa mga kaibigan ko.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Where stories live. Discover now