Kabanata 3

14 0 0
                                    

Butterfly.

Sinimsim ko ang kape ko habang nakaupo sa tapat ng bintana. Pinanonood ko si Reisha na maglinis sa bahay niya.

"Are you with someone?" Tanong ko nang may marinig na kaluskos.

Nilingon niya ang gilid niya. Nanlaki ang mga mata niya at malakas na tumawa bago tumakbo papunta roon. Napakunot-noo ako.

"Anong mayro'n, Rei?" Kunot-noong tanong ko.

"OMG, Baby! You can walk now!" Tili ni Reisha.

"Huh?" Tanong ko. "Reisha, what's that?"

Sunod kong narinig ang paghagulgol niya habang tumawa. Gusto kong pumasok na lang sa screen para malaman kung anong nangyayari sa kaniya sa kabilang linya.

"Ano 'yan, Rei?"

"Please, stop growing fast, Baby."

Kumalabog ang dibdib ko. Hindi ko siya maintindihan pero may pakiramdam ako sa kung anong tinutukoy niya. Lumapit siya sa cellphone niya. May bitbit na siyang bata. Ngumiti siya sa akin habang kinakaway sa screen ang maliit na kamay ng bata.

Nalaglag ang panga ko. "What the fuck, Reisha?" At tumayo pa sa sobrang pagkakagulat.

What the fuck? She kept a baby?

"I'm sorry that I needed to keep this," tipid siyang ngumiti. "Say hi to your Tita Cha, baby."

Tinagilid ng bata ang kaniyang ulo, pinagmamasdan ako. Napasinghap ako. Napahawak pa sa bibig ko bago unti-unting pumatak ang luha. The baby took after Reisha. Kamukhang-kamukha niya ang bata. Nanginginig ang kamay ko habang hinahaplos ang screen ng laptop ko.

"Rei, you! Why did you keep this!" Umiiyak na sabi ko. "Alam ba ni Kuya 'to?"

Ngumiti siya at umiling. "Please, Cha. Don't say anything. Ako na lang magsasabi sa tamang oras. Just not now, please?" Halos magmakaawa siya.

Tumango ako kasabay ng pagpatak ng luha ko. "Bwisit ka! Sa halos araw-araw natin na magkausap, hindi mo sinabi!"

Tumawa siya. "I don't know how to say. Wala pa rin sana akong balak kaso natuwa ako na naglakad siya, Cha. Naglalakad na ang anak ko, Charlynn!" Humalakhak siya habang umiiyak.

Niyakap niya nang mahigpit ang bata.

"What's his name? Birthday? Are you okay? How's your experience while giving birth? Who helped you?" Sunod-sunod na tanong ko.

"His name is Rouge. Rouge Vincenzo Moran," aniya. "We just celebrated his birthday last last month. May 7," dugtong niya.

Rei told me her stories. Lahat ay tinanong ko sa kaniya. Maski kung ilang beses niyang inire si Rouge. Buong araw naming pinag-usapan ang pagbubuntis niya at ang buhay nila ni Rouge. Hindi ako makapaniwala na nagawa niyang ilihim ito.

"Send me your address, please. I'll give my pamangkin a gift," sabi ko nang halos patapos na kami sa tawag.

Nakita ko ang pag-aalangan niya.

"Don't worry, Rei. I respect your decision. Hindi ko sasabihin kay Kuya besides hindi rin naman kami masyadong nag-uusap. Magpapadala lang talaga ako ng regalo. I'll go there if ever maisip ko na umuwi ng Pilipinas."

Tumango siya. She sent me her address. Matapos ang halos limang oras namin na pag-uusap, binaba niya na ang tawag.

Pinasara ko na rin kay Bella ang coffee shop dahil gabi na. Pinauwi ko na siya dahil aayusin ko pa ang sales ngayon. May iilan din na natirang pastries. Nagpasya na lang akong gumawa ng iilang kape para ibigay sa mga street people.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon