Kabanata 10

11 0 0
                                    

Pontevedra.

Hinawi ko ang buhok ko nang hanginin iyon. The clear water of Pontevedra feels home. It's been years since I last saw this. Nakahalukipkip ako habang pinapanood ang iilang ibon na lumilipad sa paligid.

"Sabi na, nandito ka e."

Tumingala ako at tiningnan ang nagsalita. Ngumiti ako kay Gabriella na nakatingin na rin sa magandang dagat ng Pontevedra.

"Gosh! I wanna take a dip tuloy," sabi ni Rei nang makalapit sa amin.

She's already wearing a black one piece swimsuit. May cover up lang siya pero mukhang handa talaga siyang lumangoy dahil sa suot.

"Aren't you going to swim? We'll be busy tomorrow," ani Rei.

"Busy na nga tayo ngayon, Rei," ani Gab.

Umirap si Rei at humalikipkip sa tapat namin. Hinubad niya ang suot na cover up saka iyon hinayaan sa buhangin.

"Just a few minutes, Gab. Maayos naman na ang lahat para bukas e," she answered.

Wala kaming nagawa kundi pagbigyan si Rei. I'm already wearing my two piece swimsuit. Kanina ko pa talaga gustong lumangoy pero nauna ang pagmumuni-muni ko.

Tomorrow is Gabriella and Kuya Cartier's intimate wedding. Yes! They're getting married! Umiyak pa ako sa sobrang saya nang sabihin iyon sa akin ni Gabriella. Alam ko naman na sila talaga ni Kuya ang end game pero hindi ko pa ring maiwasang maging emosyonal.

They both want to have their wedding here in Pontevedra because this is where they met. This is where they started their love story. Their wedding is beach themed. Simple at kami-kami lang ang tao. May darating bukas na mga kaibigan nina Kuya Cartier and Kuya Carlo at iilang kamag-anak ni Gabriella.

"Hays! I fucking missed Pontevedra!" Tili ni Reisha nang umahon.

Tumawa siya pero agad iyong nawala nang makita na nakatayo si Kuya Carlo sa dalampasigan. Katabi niya si Kuya Cartier at parehas silang may hawak na tig-dalawang bathrobe.

"We'll have our early dinner. Sabi ni Mama ay kailangang maaga tayong mag-asikaso bukas," si Kuya Carlo.

Iniabot niya ang isang roba kay Rei. Si Kuya Cartier ay inabutan din ng roba si Gabriella. Sabay nila akong inabutan ng roba.

"I told you, I am her favorite," mayabang na sabi ni Kuya Carlo nang kuhanin ko ang binigay niya.

"Babawiin ko ang sasakyan ko, Charlynn!" Madiin na sabi ni Kuya Cartier.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Si Gab ay suminghap at hinampas ang braso ni Kuya.

"Ang oa mo, Kuya! Akin na nga!" Hinablot ko ang roba na nasa kaniyang kamay saka iyon sinuot. Dalawang roba tuloy ang suot ko ngayon.

Nagbihis ako ng simpleng dress bago ako bumaba para sa dinner. Nandoon na silang lahat at mukhang ako na lang ang hinihintay. Nasa kabisera si Daddy. Nasa kabilang side niya sina Kuya Cartier, Gabriella, at Tito Gabriel. Sa kabila naman niya ay sina Mommy, blangkong upuan na para sa akin, Rei, at si Kuya Carlo.

Mommy prayed for our food. After that, we started eating in peace.

"Ang mga kapatid lang ng dati kong asawa ang inimbitahan ko, Anna," sagot ng Daddy ni Gabriella nang tanungin siya ni Mommy kung makakapunta ba ang mga bisita niya.

"I'm glad that they'll come," ani Daddy. "Kumusta na pala ang pamangkin mo na nabaril? Vincent, right?"

Nakita ko kung paanong natigilan si Kuya Cartier kumain. Mahina akong humagikgik sa reaksyon ni Kuya. Si Gab ay ngumuso at hinawakan ang kamay ng fiancee.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Where stories live. Discover now