Kabanata 39

5 0 0
                                    

Trigger Warning: Miscarriage, Strong words

———
Jar.

The white room is the first thing that I see when I opened my eyes. Masakit ang katawan ko lalo na ang bandang leeg at tiyan ko. Mahapdi rin ang babang parte ko. In short, I feel so sore all over my body.

I felt dizzy when I tried to get up. Kung hindi ko lang nakita ang swero na nakakabit sa akin, hindi ko maiisip na nasa hospital ako.

But, why am I in the hospital? The last memory that I have is I lost my consciousness in the kubo. Did someone bring me here?

May humawak sa balikat ko at inalalayan akong mahiga. Kumalabog agad ang dibdib ko nang makita si Xander. Malungkot ang mga mata niya at mukhang kagagaling lang sa pag-iyak.

"What are you doing here?" Sigaw ko sa kaniya.

Marahan niya akong hinawakan pero iniwas ko iyon. I don't want him to touch me! He's so damn scary. Nakita ko kaagad ang pagdalo sa akin ng mga tao roon. Some nurses went to us. Hinawakan ang braso ko kaya bahagya akong natigilan.

I'm sure that I'm not in Pontevedra. Maybe this is La Castellana? Paano kaming napunta rito?

"Ma'am, huminahon po kayo. Nandito po kayo sa hospital," sabi ng babaeng dumalo sa akin. "Kailangan niyo po munang magpahinga."

Umiling ako at hinawakan ang kamay niya na nakahawak sa akin. "What happened to me? What happened to my baby?" Pumatak ang luha ko habang tinatanong siya. "I am almost eleven weeks pregnant. There was a blood all over me. Is the baby safe?"

Pumatak ang luha ko habang nakatingin sa nurse. Malungkot siyang ngumiti sa akin kaya tuluyan ko siyang hinawi. Napa-atras siya sa ginawa kong iyon. Hindi ko na alam kung ano ba ang masakit sa akin ngayon. Ang katawan ko ba na binugbog ni Xander o ang puso ko na nadudurog sa paraan ng pagtingin nila sa akin.

"What happened!" Malakas na sigaw ko. "I need a fucking answer!"

"Charlynn!" Saway ni Xander sa akin. "Miss, ako na ang bahal—"

"No!" Sigaw ko. "I want my baby! What happened to my baby?"

Dinaluhan ako ng dalawang nurse. May tinurok sila sa swero ko kaya unti-unting nanlabo ang paningin ko hanggang sa nakatulog ako. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog pero pakiramdam ko mas naging kalmado ako dahil nahihilo pa ako sa gamot.

"Charlynn..." Malamig na tawag sa akin ni Xander.

Tumingin ako sa kaniya. Hinaplos niya ang buhok ko kaya pumatak ang luha ko. His actions were making me nervous. Pakiramdam ko kahit hindi na nila ako sagutin, alam ko na agad kung nasaan si Baby.

"We lost our baby," aniya.

Umiling ako bago mariing pumikit. Tinanggal ko ang kamay niya na humahaplos sa akin. Hindi ko kayang maramdaman na malapit siya sa akin. The way he told me that we lost our baby seems like he doesn't want that to happen; it sounds like he's so sad about it. Parang ayaw niyang mawala ang baby namin pero siya ang may kasalanan no'n!

"Maraming dugo ang nawala sa'yo. Mabuti na lang nadala kita agad dito," bulong niya sa akin.

"You should have just let me die," umiiyak kong sabi.

Umiling siya. "I'm sorry."

"Saan?" Tumingin ako sa kaniya. "Sa pagpatay ba sa anak ko?"

Hindi ko napigilan ang pagbaling sa kaniya nang sabihin ko iyon. Wala na akong ibang pangarap noon kundi ang maging isang ina. I'm always imagining myself bearing my own flesh but right now, I feel like I won't be able to do it anymore. I lost my first child and it was so hard to accept.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Onde histórias criam vida. Descubra agora