Kabanata 14

6 0 0
                                    

Nice.

I honestly didn't know that I'm building my own grave the moment I fell in love with him. I was blinded by the love that I created by myself. I was blinded by my feelings that everything about him is just right for me.

Hindi agad nasundan ang encounter namin na iyon. He got busy studying while I got busy with my own life. Nasanay rin ako ng panoorin na lang siya sa malayo. I just think that it was better that way dahil sa tingin ko, magtatalo lang kami ulit kapag nagkausap kaming muli.

Isa rin siguro sa rason kung bakit naging ilag ako sa kaniya ay dahil sa pride ko. Nakikita ko naman siyang makipag-usap sa mga tauhan namin ng may ngiti sa mga labi. He even tried to talk to Gabriella one time pero sa akin ay lagi siyang galit. Wala naman akong ginawa sa kaniya. I'm always smiling at him. I'm always nice!

I was in grade eight now while he's in his final year as senior high school student. Hindi naman porket senior high school na siya, hindi na ako makakarinig ng balita tungkol sa kaniya. We're still in the same school, just different  building.

"Where is Gabriella, Tita?" Tanong ko kay Tita Ayla.

It was my daily routine. After doing my business every morning, bababa ako para hanapin ang matalik na kaibigan.

"Baka nasa dalampasigan, Charlynn. Alam mo namang mailap sa tao iyon at takot sa mga kapatid mo," sagot ni Tita Ayla.

I chuckled. I remembered teasing Gabriella to my brothers. Sinabihan ko siyang nakakatakot ang mga kapatid ko lalo na ang panganay namin. Hindi ko naman akalain na magiging dahilan iyon para maging ilap siya kina Kuya.

"Because I always tell her how rude my brothers are. Baka natakot po," natatawang sagot ko.

"Hayaan mo na lang at uuwi rin iyon kapag nagsawa sa dagat," sagot ni Tita Ayla.

"But, Tita, I wanna play with her," nakangusong sabi ko. "Pupuntahan ko na lang po, Tita."

Then I kissed Tita Ayla's cheeks for goodbye. Diretso ang lakad ko papunta sa stone path pababa ng dalampasigan. Nakita kong nakaupo si Gabriella sa buhanginan. She's writing something on the sand.

"What is that?" Mahina akong natawa nang makita ang bahagyang pagtalon niya dahil sa pagkakagulat.

"Akala ko kung sino," natatawang sabi niya.

"Sino? Sina Kuya?" Sagot ko.

Ngumuso siya at muling tumutok sa ginagawa. Nakita kong ginuguhit niya ang dagat sa harap. Gabriella likes to draw and she once told me that she likes to pursue Architecture in college.

I like that, too, pero buo na ang loob kong kumuha ng related sa law na course. I can be our family's lawyer kahit na alam kong maraming lawyer ang pamilya namin.

Kuya Cartier is now in college. He's taking Architecture tapos si Kuya Carlo naman ay Engineering. I heard, kapag natapos nila ang kurso ay mag-aaral ulit sila. Si Kuya Cartier naman sa Engineering tapos si Kuya Carlo naman ay sa Architecture naman.

I sometimes don't understand them. Masyado silang seryoso sa pamamalakad ng kompanya. Though, I know that this is one of our family's source of income pero minsan, naririnig ko si Daddy na sinasabing mas seryoso sila kaysa sa kaniya.

"Kung mag-aasawa ka, anong gusto mong katangian ng asawa mo?" Out of nowhere kong tanong.

Pinagmasdan ko ang unti-unting pagkunot ng noo niya at ang marahan niyang pagbaling sa akin. "Nakakagulat naman ang tanong mo!" Singhal niya sa akin.

Tumawa ako. "Wala lang. Pumasok lang sa isip ko, Gab. I'm curious," sagot ko.

"Bata pa ako para riy—"

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Where stories live. Discover now