Kabanata 28

6 0 0
                                    

Kiss.

Mabilis akong umalis ng venue. Luckily, I was able to find a taxi on my way out. May iilan pa ngang reporter na sinubukan akong lapitan pero mabilis akong tumakbo palayo.

Sinabi ko sa driver ang address ni Xander. Hindi ko talaga maiwasang magalit sa bwisit na Harold na 'yon. Well, alam ko naman na walang pakialam si Daddy kahit sinagot-sagot ko siya. Sasawayin naman ako no'n kung hindi tama ang ginawa ko e.

Hindi na ako nagpaalam sa kanila ulit ni Mommy. Basta nagsabi ako na uuwi na ako. Baka inisip ni Daddy na excuse ko lang 'yon para makaalis doon sa crowd nila.

"What are you doing here?" Tanong ni Xander nang pagbuksan ako ng pinto.

Hinawakan niya ang kamay ko saka ako marahang sinuyod ng tingin. This man in front of me is not rich like us but that doesn't means that he doesn't deserve me. He deserves me because he care for me. He deserves me because he's always there for me. That's all that matters to me. As long as I love him, I don't care about the others.

"Are you okay? What happened?" Tanong niya nang hindi ako sumagot.

Tiningnan niya pa ang kabuoan ko para tingnan kung may sugat ba ako o ano. Natawa tuloy ako nang mahina. I love him so much.

"I'm fine. I just got bored," sabi ko sabay hubad ng stiletto ko.

"Tapos na ang party?" Kunot-noong tanong niya habang nakalahad ang kamay niya sa akin.

Inilagay ko roon ang sinuot na sandals. I shook my head. "Hindi pa. I just got bored. Dito ako dumiretso kasi nandoon pa ang mga kaibigan ko," sabi ko habang pinanood siya na ilagay sa shoe rack ang sandals ko.

"Kumain ka na?"

Umiling ako. "It's fine. I can just have a take out food."

Ayaw ko namang maabala siya. Masyadong gabi na para magluto pa. Kaya ko rin namang mag-order.

"Kumain na tayo. Hindi pa ako kumakain," aniya.

Sinundan ko siya nang pumunta siya sa kusina. Ang gown na suot ko ay sumasayad pa sa floor ng kaniya bahay.

"Nasa taas ang ilang damit mo. Magbihis ka muna," sabi niya sa akin.

Tumango ako at sinunod ang sinabi niya. Swerte na rin na may mga iniiwan akong gamit dito. Hinubad ko lang ang gown ko saka nagsuot ng pambahay na bestida. Pababa na ako ng hagdan nang magring ang hawak kong cellphone.

"Rei..."

I cleared my throat to fake that I'm not feeling well. Mahirap magsinungaling kay Rei pero kailangan kong subukan.

"Where are you? Your mother is looking for you," kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nakakunot ang kaniyang noo.

"Umuwi na ako. I'm sleepy na, e. Can you tell her na lang?"

Nagpaalam naman ako kay Mommy. Siguro inisip nga nila ni Daddy na biro lang 'yong sinabi ko.

"What? Iniwan mo ako rito?" Tanong niya.

"I'm sorry. Sumakit din tiyan ko kanina e. Hindi na ako nakapag-paalam kina Mommy kasi busy sa mga bisita," sagot ko na lang.

I can feel that Rei is now rolling her eyes.

"I don't buy your reasons but okay. I'll go home after eating."

Ngumisi ako. One thing about Rei, she respects privacy so much. Kahit alam niyang hindi totoo ang rason ko, hindi niya ako pinilit na magsalita.

Mahina akong tumawa. "Thank you. Love you."

"'kay. Love you, too. Lock the doors," aniya.

Binaba ko ang cellphone ko at inilapag iyon sa sofa. Naka-ayos na ang lamesa at nakaupo na roon si Xander nang maabutan ko. Pinasadahan niya ako ng tingin bago naglagay ng kanin sa plato ko.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Kde žijí příběhy. Začni objevovat