Chapter 9: Disguise

59 4 0
                                    

Chapter 9:

Disguise

Kyla's.

Dumiretso agad ako sa kwarto after I took the courage to speak up for my feelings. That's the first time I did that. Kahit kailan, hindi ako sumagot kay daddy. But my anger just boiled up, I need to release it.

What he did is just too much. This is also his first time laying his palm in my cheek. Napahawak na lang tuloy ako sa pisngi kong namumula ngayon. Hindi ko na rin napigilan ang kumawalang hikbi sa bibig ko.

I'm so frustrated and annoyed! I want to kick every single thing in this house!

Ginulo ko na lang tuloy ang kama ko at pinaghahampas ang mga unan. I screamed angrily. One single mistake and he judged me so quickly.

I'm his daughter pero hindi niya pa rin ako kilala. I don't back down without a fight. Gusto niya ba na hayaan ko lang sarili ko na maapi? Masabunutan? Mapahiya?

Of course, I'll do something!

But he'll never understand that because he always thinks that I'm the bad girl here. I spent the next minutes by burying my face on the pillow and crying my eyes out.

Someone knocked on my door at hindi ko iyon pinansin. Baka si Daddy pala 'yon, hinding-hindi ko talaga siya papansinin. Bahala na magutom ako dito sa kwarto. May mini ref naman ako kaya lang puro chocolates ang laman but that will do!

Mabubuhay na ko sa tsokolate. Patigasan na lang ng bungo.

Bumukas ang pinto kung sinuman ang kumatok. Agad niya rin itong sinara at naglakad palapit sa'kin. Laking pasalamat ko na si Mommy pala 'yon. Siyempre at hindi naman talaga ako pupuntahan ni Daddy dito. Mamamatay muna siya bago gawin 'yon. His pride over his daughter.

Umupo si Mommy sa tabi ko at hindi ko na naman napigilan ang mapaiyak. Hindi ako ganito kahina pero pagdating kay Mommy, nailalabas ko ang totoong emosyon ko. To her, I can always show my vulnerable side.

Because she's the only person who truly understands me. Kilala na ni Mommy ang pagkatao ko. She's the only one who cares for me in this house. Without her, I can think of my life as hell living in the demon's lair.

Inayos niya ang buhok ko at hinayaan lang niya kong yakapin ang bewang niya habang umiiyak pa din ako.

"I'm sorry about that, Kyla," palaging gawain ito ni Mommy.

Always saying sorry for my father's mistake. Kahit nung mga panahon na napag-alaman kong kapatid ko si Kylie sa ibang babae, my Mom apologized for it. And Daddy never did. Parang proud pa nga siya sa ginawa niya kaya dito nakatira si Kylie sa'min.

I clutched Mom's clothes to release my remaining anger inside me. I despise my Dad. I loathe him.

Inangat ni Mommy ang tingin ko at pinunasan ang mga luhang nagkalat sa pisngi ko.

"I talked to your Dad. Pagpasensyahan mo na siya, nadala lang rin 'yun ng emosyon niya katulad mo."

"Why are you always doing this, Mom? Mali na 'yung nagawa niya, pinagtatanggol mo pa rin siya sa'kin. Did you just see what he did? He slapped me, Mom. He never did that my entire life, ngayon lang."

"I know, Kylalaine. But what do you want me to do? Wala akong kinakampihan dito. Ayoko lang ng nagkakagulo tayo. Gusto mo bang iwan tayo ng Daddy mo? Paano kung dumating na ang Nanay ni Kylie at sumama siya do'n?" she tucked my hair behind my ear.

Pati ang buhok ko ay nabasa na rin dahil sa luha.

"And, why are you afraid, Mom?"

"I love your Dad, Kylalaine. Masakit sa'kin na nagkaroon siya ng anak sa ibang babae pero anong magagawa ko? I need to keep him by our side. Kaya tulungan mo na lang si Mommy, okay? Don't let him choose Kylie over you."

My Ideal Guy (Cambridge Academy Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon