Chapter 23: Comfort

35 3 2
                                    

Aleign's.



After exchanging texts with Charlie, I fixed myself right away. Nararamdaman ko pa rin 'yung kilig sa buong katawan ko at hindi mapigil ang ngiti ko. I can't erase my wide smile, damn it! And I'm not complaining about it. 

I'm extremely happy right now. 

Masaya kong nilabas ang make-up kit ko at nag-ayos ng sarili. I combed my hair too and sprayed a perfume around my body. Hanggang sa paglabas ng CR ay nakangiti pa rin ako. I can't contain my happiness, wala akong pakialam kung masabihan pa kong weird ng iba dahil nakangiti ako mag-isa. Kailangan ba may kasama kapag ngumingiti? Edi, hanap rin sila ng magpapasaya sa kanila, aba. 

Honestly, people shouldn't call others weird if they see them smiling while walking. It just means, something brightened up their day and we should be happy for them as well.

Kaya kahit naglalakad na sa corridor, hindi ko pa rin inalis ang ngiti ko. I am greeting everyone with a wide smile and they are smiling at me too although a bit hesitant and confused. Pero dahil nakakahawa ang ngiti ko, napapangiti na rin sila. 

Napadaan ako sa music room kaya pumasok ako sa loob para magpaalam muna kay Coach. When I entered inside, my eyes searched for him immediately but he's not here anymore. 

Ang bilis naman ni Charlie myluvs. Napakagat ako sa labi dahil kinikilig na naman ako knowing how excited he is to meet me.

"Oh, Aleign! Charlie left. Ang aga nga eh. Next time ka niya na raw tuturuan," bungad agad sa'kin ni Coach. Nagtaka siya nang ngumiti ako ng malapad. 

Eh kasi naman, Coach. Magkikita rin naman kami. 

"Okay lang, Coach. Magpapaalam na rin ako para umalis. May biglang emergency po." 

Coach pouted a bit. "Oh, okay. Mag-practice na lang ulit kayo sa ibang araw. I'm sure may progress naman na, diba?" 

"Yes, Coach. Konting linis na lang then we're good!" I said enthusiastically.

"Okay, then. I'll get going as well. Take care, guys!" paalam niya sa'min. 

Nag-paalam din ang iba at umalis na si Coach. Busy sila sa mga sariling ginagawa at tingin ko, wala pa sa kanila ang balak umalis. Tatambay pa muna siguro sila dito. 

Although, I noticed that Cedric and Dan are not here. Hindi pa rin ba sila tapos mag-usap sa pantry?

Due to curiosity, I walked towards the pantry. Nasa gilid iyon ng stage kaya sumilip ako sa hamba ng pinto. I covered my mouth immediately when I witnessed Dan slapped Cedric.

Iyon agad ang nasaksihan ko kaya medyo nagulat ako. Gusto kong pumagitna sa kanila pero is this the right time to butt in? But they're in a serious conversation. Should I interrupt them? How?

Pinanood ko na lang muna sila dito sa pwesto ko.

Napahawak si Cedric sa pisngi niyang agad namula dahil maputi siya. Nakita ko ang pangingilid ng luha ni Dan. 

"I hate you," sabi niya ng madiin, puno ng galit. 

What the heck, should I interrupt them now? Or just let them? Parang intense ata pinag-aawayan nila e.

"Dan, please," agad lumapit si Cedric kay Dan at hinuhuli nito ang mga kamay niya pero umiiwas si Dan habang namamlisbis ang luha sa kaniyang pisngi. 

Okay, but what the heck am I doing here? Why am I watching the argument between two couples? Seriously, Aleign? Baka gusto mo ng popcorn?

"Please. Just… just leave me alone," napapikit ng mariin si Dan kaya nagtuloy-tuloy ang pagtulo ng kaniyang luha. "I thought… I thought you've changed."

My Ideal Guy (Cambridge Academy Series 2)Where stories live. Discover now