Chapter 33: Box

34 2 1
                                    


Aleign's.







Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Parehas kaming nag-iwas ng tingin ni Charlie at biglang may na-build na awkward barrier sa 'min.

"S-sorry..." we both said in chorus.

I bit my lower lip. Hindi naman siya dapat mag-sorry dahil kasalanan ko naman. Masiyado kasi akong nakatulala sa kaniya, hindi agad ako lumayo nang lumingon siya kaya nag-tama tuloy ang mga labi namin.

Ang awkward naman ng naging first kiss ko. Pero matatawag bang kiss 'yon kung nag-dikit lang naman ang mga labi namin?

Napahawak si Charlie sa batok niya at tinago na ang cellphone sa bulsa niya.

"S-sorry..." ulit niya sa nahihiyang boses at nilingon na 'ko with his awkward expression. "I hope you didn't feel uncomfortable."

Inilapit ko si Charleign sa'kin para itago na naman ang namumula kong pisngi.

He later on chuckled so I peeked at him using my left eye.

"I hope we won't feel embarrass to each other, Aleign. But, tell me if you felt uncomfortable, I'll understand. I just don't want to create an awkward barrier between us."

Unti-unti kong binaba si Charleign kaya unti-unti ring sumibol ang ngiti sa labi ko.

"Don't worry, I'm not. Besides, it's just an accident."

Which I hope was not.

I saw how his face softened by my smile. He used it as his cue to hold my wrist. Kaya nagsimula na kaming maglakad at sumakay na rin ng mga rides. We screamed together and it was really fun being with him, we share the same vibes.

Kung sana pwede kong pahabain ang oras sa araw na 'to para mas lalo ko siyang makasama ng matagal pero ang lahat ay may hangganan. Everything is temporary even sadness and pain.

Hindi man naging maganda ang pakiramdam ko kanina dahil medyo nabadtrip ako kay Kyla pero naging masaya rin naman ako agad nang nakasama ko si Charlie ngayon ng matagal because I allowed myself to be happy.

Nang lumubog na ang araw, doon lamang kami nagkita-kitang apat. Agad napansin ni Kyla si Charleign at pinanlakihan pa 'ko ng mata pero kinindatan ko lang siya. Paimpit siyang tumili sa tabi ko at siniko pa 'ko.

So, she really planned this, huh?

How wrong of me to judge her earlier. Kaya ko naman umarte na nasurpresa at nagulat ako kung sinabi niya lang sa'kin na ganito ang plano niya pero siya nga pala si Kyla at hindi niya gagawin 'yon.





Nang dumating ang Lunes ay balik na ulit sa normal ang mga buhay namin lalo na at simula na ng prelims. Napagplanuhan din namin ni Kyla ang pumunta sa amusement park noong Sabado para selebrasyon na rin sa first competition ko sa musical department at para na rin makaranas muna kami ng saya bago ma-stress sa prelims.

Kahapon sa Linggo ay nag-aral lang ako buong araw. And I bet, Kyla did the same too. She told me about the deal with her father. Kapag nakapasa siya sa prelims, papayagan na ulit siyang magtrabaho sa café.

Kaya ito siya ngayon at pursigido bigla mag-aral. She was too focused with the test paper, nanlilisik ang mga mata niya sa bawat item bago ito sagutan.

And I was just beside her, stifling my laugh. Mind your own paper, Aleign!

I'm just proud of my best friend's improvement. I hope she gets the freedom she wants after this. She will surely pass our exams so she deserves a reward after this.

Nagfocus na lang din ako sa exam at hindi na ulit tiningnan si Kyla.






"Gosh, I think my head is gonna explode!" Kyla exclaimed after our exams for the first day.

My Ideal Guy (Cambridge Academy Series 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora