Chapter 12: Bar

43 3 0
                                    

Aleign's.


Friday came and I feel so excited to finish my classes for today. Ngayon kasi ang unang araw ng training ko. Excited akong matuto. Excited akong makasalamuha pa lalo ang mga members sa musical department. I enjoyed my company with them the first day I met them. And now, I am looking forward to meet them today. 

Nagtext rin sa'kin si Coach kaninang umaga na huwag ko raw kalimutan pumunta sa music room. She'll be there at 4PM pero ngayon ay alas dos pa lang. Kakatapos lang ng class ko pero pupunta na rin agad ako ng music room. 

Pwede naman daw kasing tumambay doon kung member ka na. I will also tour around the room para ma-familiarize ko ang bawat sulok pati ang stage and I'll also take a peek inside the studio if I can.

Dalawang araw na rin kaming hindi nagkikita at nagkakasama ni Kyla. It feels weird without her in school. Hindi ako sanay. Two months naman kaming hindi nagkita noong nasa America ako pero ibang-iba kapag pati sa school hindi kami nagkikita. I miss her presence. Namimiss ko tuloy ang mga pag-irap niya at ang mga maarte niyang gestures. 

I stifled a laugh while I thought of that. Miss ko na nga talaga ang bestfriend ko. Next week pa kami pwede magkita kapag tapos na ng suspension niya. At bilang butihing kaibigan, I took a lot of photos to our discussions everyday. Nanghihingi din ako ng copy ng powerpoints sa mga Professors namin para isend kay Kyla. 

Kahit naman kasi ayaw niya sa course na 'to, I know deep inside her, she's still willing to learn. She won't go to the library the first day if she's not interested to learn. 

We talk through chats but it's still different talking to her in person. Wala tuloy akong nakakasama tuwing lunch. I heaved a deep sigh. 

Tumayo na ko sa pagkakaupo at napatigil agad nang harangin ako nila Fiona at Lyka. Pinag-taasan ko agad sila ng kilay. Maganda mood ko ngayon, ayokong sirain nila.

Pero ganoon na lang ang gulat ko nang ngitian nila ako… at biglang niyakap na parang close pa din kami? 

May split personality ata ang dalawang 'to.

"Congrats for being the new leader of musical department, Aleign!" bati agad ni Fiona na sinegundahan ni Lyka.

"Congrats, Aleign! We're proud of you!" mahigpit ang yakap nila.

Agad ko silang nilayo at binigyan ng pekeng ngiti. "Thanks." 

Gusto ko pa sanang itanong paano nila nalaman na ako na ang new leader pero ayoko din makipag-usap sa kanila kaya lalayo na dapat ulit ako nang hawakan ni Fiona ang kamay ko. 

"Wait. Ahm…" nagpalitan sila ng tingin ni Lyka kaya pinag-kunutan ko lang sila ng noo. "We're… we're sorry, Aleign. Ayaw na namin ng gulo. Kung kailangan naming iwan si Cheska para bumalik 'yung pagkakaibigan natin, gagawin namin!" siguradong sabi niya at tumango-tango naman si Lyka na parang tuta.

Binawi ko ang kamay ko sa kaniya, "First of all, our friendship is already broken even before we all knew it. Hindi na maibabalik pa ang sirang pagkakaibigan. Kung ayaw niyo talaga ng gulo, lubayan niyo na lang kami ni Kyla so we could all have our peace." 

Hindi ko alam pero halata ang lungkot sa mukha nila o ganun lang talaga sila kagaling umarte. 

"We understand, Aleign," malungkot na pahayag ni Lyka.

"We just want to invite you. Sana pumayag ka," sabi ni Fiona nang may ngiti. "There will be a party later in the bar. Invite ka na lang din namin ni Lyka so we could celebrate your leadership in musical department too." 

Napuno ng pag-asa ang mukha nila nang sabihin iyon.

"I'll think about it," iyon lang ang sagot na kaya kong ibigay ngayon. 

My Ideal Guy (Cambridge Academy Series 2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang