Chapter 17: Stay

43 3 1
                                    

Kyla's.



My mind was occupied by Alexis' words the following days. I don't know why they chose me to be the star of Jake's birthday celebration. Pero hindi ko rin naman pwedeng tanggihan. Hindi ko rin alam paano papayag.

Pero wala naman problema kung pumayag ako. Although, naiinis ako kay Jake dahil nag-confess ako sa kaniya at hindi man lang ako nakatanggap ng kahit ano, hindi niya naman kasalanan iyon. Kasalanan ko dahil nag-confess ako.

I should also consider the pain of rejection because I confessed in the first place. The blame is all on me. Matunog akong napa-buntong-hininga kaya napalingon sa'kin si Aleign.

"What's the matter, Kyla? Pansin ko sa'yo na parang kahapon ka pa bothered," itinuon niya na ang buong atensiyon sa'kin at naka-pangalumbaba pa.

Of course, I should tell Aleign. Wala naman akong hindi sinasabi sa kaniya. She's been my human diary ever since.

"I'll tell you later over lunch," sabi ko na lang dahil may pinapagawa pang activity ang professor namin.

We just finished our activity and got outside our room. Luckily, the trio never approached us again. Pero baka mamaya ulit sa lunch, sana naman huwag na. Nakakairita lang talaga ang presensiya nila.

Napatigil kami ni Aleign sa paglalakad sa corridor at napalingon sa malaking bintana. Sinilip namin ang labas dahil maingay at parang may kaganapan sa quadrangle. At tama nga ang hinala namin dahil may club opening pala ngayon ang mga Senior High School kaya ganoon na lang kaingay ang quadrangle.

Janelle also told me that Kylie didn't got the position for SSG President. So, she's an ordinary girl in their department now. Kaya panigurado na hindi rin siya ang nag-organisa ng event na 'to.

"Grabe. Nakakamiss maging high school, no? Medyo stressing na kasi maging College," pahayag ni Aleign habang nagmamasid kami sa labas at pinapanood ang mga estudyanteng magka-siyahan.

"I know right. Lately din, hindi na tayo nakakapag-hang-out ng matagal."

We both put our chins on the back of our hands. Para kaming inggit na nakamasid sa mga estudyante sa labas habang nagkakasiyahan at nandito kami sa taas, nanonood lang.

"Do you wanna hang out, Kyla? Hmm, what about a night out? Your place or mine?" excited niyang tanong.

"Yours, of course. Hmm, when?" balik tanong ko sa kaniya.

"How about on Saturday night?"

Magsstart pa lang ang Saturday class namin for our major subject kaya magandang ideya rin kung Saturday na lang kami mag-hang-out ni Aleign para kinabukasan ay walang pasok.

"Yes. Great idea. On your house on Saturday night," sabi ko at naglakad na kami paalis doon.

Hindi rin kasi magandang mag-night-out sa bahay namin at mas maganda kung kina Aleign na lang talaga. Unlike me, Aleign is very free to move inside their house without her parents judging her every moves. She has freedom, one thing that I lack inside the house.

Dad doesn't know I drink. He'll surely be in rage once he knows it. And here's my Mom, always covering up for my mistakes. Kapag nalaman ni Daddy na nag-iinom ako, iisipin niya na agad na pariwara akong anak at walang future sa buhay. As if, my future depends on the alcohol. Hindi ko talaga alam anong klaseng utak meron siya.

If only I could pursue being a flight attendant, then I'll show him what kind of future I have. The one that I want and not the one he plans for me.

On second thought, I also wonder what my Dad would feel once he knows that I already worked?

I have no idea. I worked without his approval and honestly, pakiramdam ko nakalasap ako ng panandaliang kalayaan. I finally managed to do something without his manipulation. Without him, telling me what to do. That felt freedom for me.

My Ideal Guy (Cambridge Academy Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon