Chapter 15: Breakdown

41 3 0
                                    

Jake's.

Natulala ako sa tabi ni Kyla ilang saglit pagkatapos niyang makatulugan ang pag-inom. Naisandal ko na lang ang aking likod sa center table habang naka-angat ang ulo sa kisame at pinag-iisipan ng mabuti ang mga sinabi niya ngayon lang.

But I wasn't able to respond. I don't know what to react. I don't know what to say. I don't know what to feel. 

Hearing her confession and how painful it is also makes me in pain. 

Honestly, I never really thought she fell for me. I thought… I'm the only one. But I stopped it… because she is way out of my league. 

She's Kylalaine Gomez. She's almost close to perfection. A girl that will never fit for someone like me. She deserves someone who will never fail her. Who will give her the whole world. And sadly… that person is not me.

I stared at her for a minute and removed her hair that was covering her face. She is sleeping peacefully like she never confessed. Like she's not aware she's still stucked with me. 

Ayoko ring guluhin ang mahimbing niyang tulog kaya nag-ayos na lang ako ng mga kalat namin sa office habang hinihintay dumating si Derick. Panay ang paghingi niya ng pasensiya sa tawag kanina pero ang sabi ko na lang ay bilisan niya na lang ang pagpunta kaya agad naman siyang sumunod. 

Nang makapagligpit na ko, inangat ko ng dahan-dahan ang braso ni Kyla at pinatong sa'king balikat. 'Tsaka ko siya dahan-dahang binuhat habang nakasabit rin sa kaliwang balikat ko ang bag niya. She is still sleeping soundly in my chest so I just chuckled. Hindi ko alam paano ko siya iuuwi na ganito ang kalagayan niya, tiyak na maghihisterya ang Nanay niya. 

Lumabas ako ng office at sakto naman na biglang bumukas ang glass door ng café at iniluwa noon si Derick na humahangos na pumasok sa loob. 

"Boss! Sorry. Sorry talaga. Nakasarado kasi ang office kanina, akala ko nakaalis ka na," patuloy niya pa ring paghingi ng paumanhin. 

I didn't respond and gave him a signal to keep quiet because I heard Kyla's groan in my chest. Naantala ata ang masarap niyang pagtulog. Grabe din ang pagsubsub ng mukha niya sa dibdib ko. Kahit mabigat siya ay tiniis ko para lang hindi maistorbo ang tulog niya. 

"Pakidala na lang ng gamit ko sa kotse at paki-lock ang office. Salamat, Rick," bulong ko sa kaniya at agad-agad na kong naglakad papunta sa kotse kong naka-park malapit sa café. 

I don't park my car in my café's parking lot dahil iniisip ko na magiging abala iyon sa mga customers na magpapark rin kaya para hindi sila maubusan ng parking, hindi na lang ako nagpapark doon. 

I waited for Derick to arrive in my car because I'm carrying Kyla with both of my arms, I can't open the car's door. Agad rin naman siyang sumunod kaya inutusan ko na siyang buksan ang passenger seat.

Pinuwesto ko na si Kyla sa passenger seat at nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi pa rin siya nagising. Inayos ko na rin ang seatbelt niya at pinasakay si Derick sa likod ng kotse at nag-drive na kami paalis doon. 

Patuloy pa rin ang paghingi ng paumanhin ni Derick kaya patuloy rin ako sa pagsabi sa kaniya na okay lang at hindi niya na kailangan pang problemahin 'yon. Ang importante ay dumating siya at hindi kami na-stuck ni Kyla doon ng buong gabi. 

Although, I like being stuck with her in one place… just like how I let myself be stucked with her for years.

Kaya lang may mga bagay at sitwasyon sa buhay natin na hindi natin kontrolado. All we can do is to go with the flow. 

Inuna kong hinatid si Derick at agad naman siyang nagpasalamat sa'kin at humingi ulit ng paumanhin.

"Thank you, boss! Ingat… kayo," nag-aalangan niyang banggit at tingin kay Kyla na hanggang ngayon ay natutulog pa rin. 

My Ideal Guy (Cambridge Academy Series 2)Where stories live. Discover now