Chapter 18: Bothered

51 3 1
                                    

Kyla's.


What Jake actually meant about, "Stay here with me," was to help him to clean the entire gymnasium.

Just great, right?

He asked me to stay here so I can help him clean the entire gymnasium dahil sila ang gumamit nito para sa mga players na magta-try-out kaya sila din ng kapatid niya ang maglilinis. And since, his brother left early - well, technically, Jake asked him to go home. Hindi ko rin alam kung bakit dahil ang alam ko na lang ay kaming dalawa na lang ni Jake sa loob ng malawak na gymnasium habang unti-unti ng dumidilim sa labas dahil 6pm na natapos ang try out nila.

I want to strangle him, good thing, I can still remember he's my boss. Hindi niya ko pinapasok sa café para tulungan na lang siyang maglinis dito. Ayan tuloy at kanina ko pa siya iniirapan at siya naman itong tawa-tawa lang dahil parang natuwa siya na nauto niya ko.

He is dis-assembling the badminton net while I'm sweeping the floor.

"Wala bang janitor dito para sila na lang ang gagawa nito?" I asked and my voice echoed in the whole gymnasium.

Sobrang tahimik kung hindi ako magsasalita.

"Meron. Pero gusto ni Mama na kami na maglinis dahil kami rin ang gumamit. Hindi naman pwedeng i-asa namin lagi sa janitor ang lahat dahil kami rin naman ang nagkalat."

Okay, he got a point. I stopped from sweeping the floor when he got his gym bag and headed towards the exit. Agad nanlaki ang mata ko at nakaramdam ako ng panic nang nakita ko siyang naglalakad na palabas.

"Hoy, iiwan mo ko dito?" tanong ko agad habang hindi pa siya nakakalayo.

"No, silly," he chuckled. "Sobrang pawis ko pa at hindi pa ko nakakapag-palit ng damit. I will just clean myself up."

Napalingon ako sa buong paligid at nanlamig bigla nang ma-realize na maiiwan ako mag-isa dito. No freaking way.

Agad kong binaba ang mahabang walis at tumakbo palapit sa kaniya. "Then, I'll join you."

His pupils dilated and I ignored it. Kumapit pa ko sa gym bag niya para kung sakaling aalis siya ay matatangay ako. But he just looked at it and then he returned his gaze at me.

"Sasama ka sa'kin magbihis? Sasama ka sa'kin mag-CR? Papasok ka sa loob?" sunod-sunod niyang tanong kaya agad ko siyang hinampas sa braso.

"Silly," ginaya ko ang tono ng pananalita niya kanina at sinamahan ko ng pag-irap. "You'll be in the cubicle and I'll be staying outside but still in the bathroom, I will just stare myself at the mirror while waiting for you."

Nakadikit pa rin ako sa kaniya, takot na maiwan niya. Natatawa siya habang napapailing at naglakad na palayo kaya sumunod ako.

"The Kylalaine Gomez is scared, huh?" panunukso niya.

"I am not," tanggi ko at medyo niluwagan na ang pagkakahawak sa gym bag niya.

"You can hold it, you know."

I looked at him with my creased eyebrows because I didn't get what he said... and then he just extended his arm at me.

"You have my permission. You can hold it," sabi niya at inilalapit pa sa'kin ang kaniyang biceps.

Agad ko siyang hinampas habang nanlalaki ang mata ko at nararamdaman ko din ang pag-init ng pisngi ko dahil sa hiya. "Bastos!"

He scoffed and laughed hilariously. "Ikaw ang hawak ng hawak sa'kin, Kyla."

I was about to slap his arm again when he smugly looked at me at mayabang pa ang tono. "See?"

Agad kong binaba ang kamay kong handa na sanang dambain siya. "I was holding your gym bag, dumbass."

My Ideal Guy (Cambridge Academy Series 2)Where stories live. Discover now