Chapter 21: Meet-Up

40 3 2
                                    

Aleign's.



Everything went smoothly for the following days that passed. Nagkaroon ng progress ang mga trainings ko at galing pa kay Coach Reina, madali daw akong matuto. Madali rin kasi akong maka-gets ng instructions at nasusunod sila ng maayos. 

Hindi rin nahirapan si Coach Reina sa pagturo sa'kin dahil doon. I can learn things just by observing them. Also the reason why I can easily adapt the atmosphere in this music room. 

Unti-unti ko na rin sila nagiging close lahat pero actually, unang tagpo pa lang naman namin ay hindi na kami naging awkward sa isa't-isa. In them, I found my second family. I don't think if I can leave this department, they made me feel that I really belong here.

Kasalukuyan kaming nagpapractice ngayon sa stage para sa upcoming competition this August 1. While Coach Reina was away, she told us to practice even if she's not present. 

At tulad nga ng sabi ni Coach na duty ko bilang leader ang maging second coach nila so here I am… leading them. 

Pito silang vocalists ang nasa stage at nakatayo nang magkakatabi. Kailangan ma-blend ng maayos ang mga boses nila. Nasa gitna ang mga babae at ang mga lalaki naman ay nasa magkabilang dulo. 

I just watched them carefully and made them repeat if I noticed some mistakes. I'm not a strict leader but I'm showing it if I need to.

Wala naman silang reklamo at nakikinig lang. Ganun din ako sa kanila, nakikinig kung may suggestions sila. This is one of the characteristics I like about them, they are cooperative kaya hindi mahirap sa'min ang mag-agree sa mga bagay-bagay dahil marunong kami rumespeto ng opinyon ng bawat isa.

After an hour of practicing, nag-break muna kami. Dahil ang tagal nilang nakatayo sa gitna, nag-stretch ang iba. Ang ilan naman ay pumunta sa water dispenser para uminom ng tubig. 

Lumapit si Cat sa'kin at inabutan din ako ng tubig dahil lahat kami natuyuan na ng laway sa kakasalita. 

"Thanks," I muttered.

Sabay kaming uminom habang nakatitig lang sa stage. Walang nagsasalita sa'ming dalawa habang ang iba ay nagkukwentuhan at rinig ko pa ang boses ni JB mula dito. 

While staring at the stage, I noticed Dan being quiet at the corner. Siya lang ang hindi umalis sa stage at nanatiling nakaupo sa gilid, tulala. 

Mag-iisang buwan na ko dito pero hindi ko pa siya nakakausap. Well, she is hard to approach, she will just usually nod or shook her head when you ask her something. Parang hindi siya interesado makipag-usap palagi. Same with Cedric. Parehas nga sila na tahimik lang but today's different at napansin ko iyon sa dalawa. 

Hmm, it's like they're avoiding each other.

Nakaupo si Cedric sa stage at pasimpleng lumilingon kay Dan. Nagpalipat-lipat lamang ang tingin ko sa dalawa, tinatantiya ang tensiyon na namamagitan sa kanila. I can just feel it. The atmosphere between them is different. 

I was staring intently at them when Dan just stood up and walked down the stage. Nang nadaanan niya si Cedric na nakaupo, bigla itong napatayo at hinawakan si Dan sa braso. My eyes narrowed at the scenery when Dan pulled out her arm aggressively. 

"Don't touch me," matalim ang titig niya kay Cedric at malamig ang tono ng boses niya. 

Umalis na siya ng tuluyan samantalang naiwan namang nakayuko si Cedric. I want to approach him, ask him if he's okay but I'm being too nosy if I will do that.

Nilingon ko ang mga tao sa paligid ko at lahat sila, busy sa kaniya-kaniyang mga ginagawa. Mukhang walang nakapansin sa dalawa or mas pinili lang talaga nila na hindi pansinin iyon? 

My Ideal Guy (Cambridge Academy Series 2)Where stories live. Discover now