Chapter 42: Bridge

18 1 0
                                    


Kyla's.



I feel guilty for being too occupied with Cheska and Raymond's relationship. I know it's none of my business but I want to stick my nose into it.

Kahapon, nakapag-focus naman ako sa training at natuwa si Ma'am Ferrer sa performance ko. Or, I don't know, maybe she's just pretending since I'm the daughter of her boss. I really did my best to focus but my mind can't help but to wander around. Kung ano-ano ang iniisip ko na hindi naman dapat pag-tuunan ng pansin.

Kaya lang hindi ko na mapigilan, kating-kati na ang paa ko. Nakatiis pa 'ko kahapon pero ngayong araw mukhang hindi na.

I need to quiet my mind. I want to satisfy my soul with the result. Kaya kahit ayoko na siyang makita sa buong buhay ko, gusto kong matahimik 'yung kaluluwa ko ngayon. Dahil hindi ako matatahimik nang hindi siya nasasampal.

Gusto kong mag-marka ang palad ko sa pisngi niya. For hurting me. For ruining Jake's life. For destroying Cheska. For being a cruel that he is!

Katulad noong una, umalis agad ako sa opisina, alas kwatro pa lang ng hapon. I left a note saying that I have an emergency to attend but the truth is, I'll going to the precinct.

Madidischarge na rin si Cheska ngayon sa hospital at bibisitahin ko pa siya mamaya pero bago mangyari 'yon, pupunta muna ako sa lungga ng hayop.

Ganoon lang pala kadali pumara at sumakay ng taxi kaya dito na lang ako sumakay. Ayoko magpahatid sa driver dahil magsusumbong 'yun kay Daddy at baka malaman pa niya, magalit na naman sa'kin.

When I got to the precinct, I waited for him at the table while the police called him.

While sitting and waiting for him, I suddenly remembered the day when I broke up with him. Wow. Same scene but in a different place, huh?

Naglakad siya palapit sa'kin habang naka-posas. Suot niya agad ang ngisi sa kaniyang labi. He is far from the Raymond that I knew. Kumakapal na ang bigote niya sa mukha at naka-baba rin ang buhok niya na unti-unti ng humahaba.

"Sorry I'm late, babe," mapanuya niyang bati, ginaya ang huling beses na hinintay ko siya sa café ni Jake.

"Fuck you," I hissed.

"Really, Kyla? That's how you'll greet me?" hindi niya na inalis ang ngisi sa kaniyang labi habang kumportableng nakaupo sa harap ko.

"You don't deserve a good greeting, asshole," I leaned my back in the chair and crossed my arms.

"You visited. That means you missed me, right?"

"Cringe," I commented. "I want you to confess your sins," diretso kong banggit habang nakatitig ng matalim sa kaniya. "I want you to confess your crimes and admit your mistakes. Staying in prison is useless when you're not even aware why you're here."

"At ano namang aaminin ko? Alam ko namang masama akong tao, Kyla. This prison is already my hell."

"I don't care about that. I want you to confess your crimes."

Before he could even speak another nonsense, ibinagsak ko ang isa kong kamay sa mesa at lumikha ito ng pagdabog habang pinandidilatan siya ng mata sa galit.

"You need to admit all the evil things you did. And be eaten by your conscience every night. That is what you deserve. Being caged by your guilt is the worse prison a person can experience, afterall. At doon ka rin dapat makulong. Hindi lang sa rehas na bakal kundi pati sa rehas ng pagsisisi."

I want him to stay in the prison of guilt and caged himself for the rest of his life. Para maalala niya ang mga masamang bagay na ginawa niya sa mundong ito. Kahit sa araw na mapalaya na siya sa presinto, hinding-hindi naman siya palalayain ng presinto ng pagsisisi.

My Ideal Guy (Cambridge Academy Series 2)Where stories live. Discover now