BDOD #3

16.3K 532 65
                                    

"What do you want for breakfast?" Vice asked habang magkahawak kamay sila ng anak. They're heading sa kitchen para magtake ng brekky.

"I want pancakes. Like Tita Zia used to make,"

Tinulungan ni Vice na maupo si Klang sa stool bago siya pumunta sa may sink to wash hands. After nun ay kinuha na niya ang gagamitin para sa gagawin niya.

"Daddy! Daddy! Nongnong Billy said that I look like Mommy," napangiti nalang si Vice sa sinabi ng anak. "Daddy, where's my Mommy?"

"You'll meet her soon, baby." nilingon niya ang bata sabay kindat. Napahagikgik naman si Klang dahil sa ginawa ng ama. "Parehas din kayo ng Mommy mo kapag kinikilig,"

"What's kinikilig, Daddy?"

"Wala. Baby ka pa, di mo pa maiintindihan yun," maya-maya'y tumayo si Klarisse sa stool. "Anak naman, baka malaglag ka."

"I'm big na. I'm big! You can tell me what does kinikilig means?"

"No! Hindi pwede. Sige na, sit properly. Pag nalaglag ka mapapango yang nose mo,"

"Eh, Nongnong Billy said that I look like Mommy and... mommy's nose daw po is matangot," pagmamalaki nito sabay smile.

"Anong matangot? Matangos,"

"Matangot!"

"Matangos,"

"No. Matangot," pagpipilit parin ni Klarisse. Nagroll lang naman ng eyes si Vice dahil alam niyang hindi rin siya mananalo sa anak.

"Oo na. Matangot na kung matangot. Wag ka nalang malikot para di ka malaglag. Tatapusin lang ni Daddy yung pancakes mo,"

"Yas!"

Vice continued making pancakes habang si Klang naman ay nagsimula nanamang kantahin ang paborito niyang kanta. Tahimik lang na natatawa si Vice dahil sa bulol na salita ng anak.

"Naniniwaya na 'kuuuu sa poweber... magmuya amakiyaya kita!!!" then she paused, trying to remember the next line. "Eh kaya ako hindi suwender... ano man nisasabi nila!"

"Ewan ko sa 'yo," natatawang singhal ni Vice sa anak kaya natawa nalang din si Klarisse.

"I have a beautiful voice, right Daddy?"

"Opo,"

"You want me to sing again?"

"No."

"I don't care. I want to sing," sabay tawa. "Naniniwaya na 'kuu sa poweber... magmuya amakiyaya kita!!!"

//

"Lolo!!" sigaw ni Klarisse nang makita niya si Direk Bobet na naglalakad sa hallway. "Good morning!"

"Morning baby girl," he greeted saka tinap ang ulo ng bata.

"Where you going?"

"Klang, diba I already told you that if you're talking to the one who's older than you..."

"I should say, Po and Opo." pag ccut nito sa sasabihin ng ama. "Sorry."

"It's okay. It's okay. Pupunta ako dun sa taas baby, may ichecheck lang si Lolo. You want to come with me?" napatingin naman si Klang kay Vice na parang nanghihingi ng permiso.

"Daddy, can I?" pagpapacute nito. "Please!"

"Maglilikot ka lang dun eh. Naku Direk wag nalang p--

"Daddy!" Klang said sabay pout. Napa-poker face naman si Vice dahil hindi nanaman niya matanggihan ang anak.

"Oo na po. Sige na. Pero behave ka dun ha?"

"Yas!!"

"Hindi talaga mahihindian ang cute na bata," natatawang sabi ni Direk kaya natawa naman si Vice.

Direk Bobet held Klang's hand. Ihinatid naman ni Vice ng tingin ang anak at ang Direktor hanggang sa hindi na niya ito makita sa hallway. Napailing nalang siya nang maalala ang pagpapacute ng anak. 'Manang mana sa nanay niya," he thought.

Vice headed to his Dressing Room at naabutan naman niya doon ang mga bakla na ready ng ayusan siya. Well, hindi naman yung ayos na ayos. Mula kasi nang maipanganak si Klarisse, he decided na wag nalang maglagay ng makapal na make up. He only wears light foundation and light lipstick dahil ayaw naman niyang maconfused ang anak sa itsura niya.

"Oh, nasan na si Aleng maliit?" tanong ni Buern nang mapansin na hindi kasama ni Vice ang bata.

"Pinang kalso ko muna sa sasakyan, wala akong mahanap na bato eh."

"Gago!!" sabay na sabay nagtawanan ang mga bakla sa dressing room. "Nasan nga?"

"Sumama kay Direk sa technical room,"

"Nakakamiss. Walang maingay dito,"

"Jusko Buern! Ngayon lang nawala si Ana Klarisse namimiss mo na agad?" natatawang sabi ni Vice sabay hampas sa braso ni Buern. "Yung totoo? Ikaw ang tatay?"

"Baliw! Eh nakakamiss kasi ang bunganga 'te... manang mana kadaldalan sa 'yo,"

"Yun na nga lang nakuha sa 'kin, pinuna mo pa,"

"Atleast may namana sa 'yo. Eh kamukhang kamukha ng ina eh..."

Napangiti nalang ng malungkot si Vice upon hearing what Buern said. Hindi lang talaga niya magawang sumagot kapag ito na ang pinag-uusapan dahil nilalamon siya ng konsensya.

"Buern, nagtanong sa 'kin si KlangKlang kung nasan daw yung Mommy niya," pagsshare ni Vice sabay buntong hininga.

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko, mami-meet naman niya soon,"

"Sigurado ka bang mami-meet niya yung Mommy niya?" Buern's question na nakapagpagulo lalo ng utak ni Vice. "Baka naman umasa yung anak mo, Meme. Tatlong taon na oh,"

"Alam kong magkikita sila... soon,"

Beki Daddy on DutyWhere stories live. Discover now