Special Chapter #5

10.6K 295 38
                                    

Ilang linggo pa ang nakalipas matapos malaman ni Vice ang totoong kagustuhan ng bunsong anak; patungkol sa kasarian nito, tila unti-unting lumayo ang distansya nila sa isa't isa kahit sa iisang bubong lamang sila nakatira. Hindi man nagugustuhan ni Karylle ang inaakto ng asawa at ang malamig na pakikitungo nito sa anak, wala siyang ibang magawa kundi ang intindihin na muna ang nangyayari dahil iniisip niyang may dahilan rin naman siguro si Vice kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon niya. Bilang ayaw din naman ni Tutoy na mas lalong magalit ang ama, he tried his best na magmukhang lalaki; mula sa pananamit, pananalita hanggang sa kilos nito. Sinubukan narin niyang lapitan at kausapin ang ama ngunit masiyado itong mailap sa kaniya.

If only he could empt himself to become a gay, gagawin niya huwag lamang mabigo ang ang sariling ama.

Sa paglipas ng mga araw, tila hangin lamang si Tutoy para kay Vice. Magkasalubong man sa hagdanan at magkasabay sa hapagkainan, hindi tinatapunan ni Vice ng kahit saglit manlang na tingin ang anak. Pilit binabago ni Tutoy ang sarili upang bumalik ang dati nilang samahan ng ama. Pagbabago na taliwas sa kagustuhan niya.

Hangga't kaya niya, pinipigilan ni Tutoy ang umiyak sa harap ng kapatid, sa harap ng ina at lalo na sa harap ng ama. Isa ito sa nakikita niyang paraan upang ipakita sa lahat na kahit paano ay kaya pa naman niyang maging lalaki. Isang paraan na sa tingin niya ay magiging dahilan upang matanggap siya ng sariling ama. Kahit sinong anak naman siguro ay masasaktan kung ang pamilyang kinakapitan mo ay siya pang magpaparamdam sa 'yo na isa ka lamang hamak na alikabok; na hindi nararapat ibilang sa mga nagkikinangang mga bato.

"Klang! Nasan si Klang?" paghahanap ni Vice sa panganay na anak nang minsang umuwi siya galing trabaho. He was holding two paper bags na kung titignan mo ay tila naglalaman ng regalo. Nakatingin lang naman sa kaniya sila Karylle at Tutoy na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV. "Jackie? Nasan si Klang?"

"Daddy, I'm here!" tili ni Klang habang patakbong bumababa ng hagdan. She ran towards his Dad at niyakap ito ng sobrang higpit. "I was finishing my homeworks kasi,"

"That's good. Dumaan ako sa mall kanina to buy you new shoes. Here," nakangiting sabi ni Vice while handing his daughter one of the paper bags. "Mommy, I also bought you new make up kit,"

"Hindi ko pa nga nagagamit 'yung last kit na ibinigay mo sa 'kin eh," Karylle said. Ayaw sana niyang tanggapin ang ibinibigay ng asawa but Vice insisted by holding her hand at siya na mismo ang nagkuyom ng palad nito upang mahawakan ang paper bag na iniaabot niya.

"I bought that for you, okay?" mabagal na lamang na tumango si Karylle as she mouthed the word thank you.

"Wait! Didn't you buy anything for Tutoy?" nagtatakang tanong ni Karylle sa asawa nang mapansin na wala manlang itong iniabot sa bunsong anak. Napayuko na lang naman si Tutoy dahil hanggang ngayon ay ramdam parin niya ang panlalamig ng ama. "Vice?"

"I don't know what to buy for him." plain na sagot nito. "Aakyat muna ako sa taas. Magpapalit lang ako ng damit,"

Klang looked at his little brother at naawa siya nang makita ang panaka-naka nitong pagpupunas sa gilid ng mata. Mababakas mo sa mukha nito na gustong gusto na niyang umiyak but he has to detain his tears. He has to act manly to make his dad proud of him. Wala namang ibang nagawa si Karylle kundi ang yakapin na lamang ang bunsong anak upang kahit paano ay mapagaan ang nararamdaman nito. She placed a kiss on the top of his head.

"Mommy, I feel sleepy na." bulong ni Tutoy.

"Hindi ka pa kumakain ng dinner,"

"Hindi po ako nagugutom,"

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon