BDOD #27

14K 523 66
                                    

Vice was currently eating dinner with his co-artists sa isang open area sa place kung saan sila nagsshoot. Pasado alas nuebe narin at ngayon lang sila huminto to take their foods. Maya't-maya naman siyang sumusulyap sa cellphone, waiting for Klang's call. His phone suddenly rang at napakunot noo naman siya nang makita ang pangalan ni Zia.

He was waiting for Karylle's name to appear on his phone's screen but when he saw Zia's, bigla siyang nataranta. Bakit si Zia ang tumawag sa kaniya? He excused himself from the table at sinagot ang tawag.

"Daddy!!!!" bulyaw ni Klang pagkasagot na pagkasagot ng binata. "Come home!"

"Huh? Anak, diba I told you na Daddy has shoot tonight? Akala ko ba naiintindihan mo 'ko?" malambing na sabi ni Vice as he leaned his back sa puno behind him.

"But I can't sleep. Waya ako katabi, daddy bays!" he hears sadness on her voice.

"Tell mommy to sleep beside you, anak."

"But mommy is not here, she left me with Aunt Zia," Vice's brows automatically furrowed.

"Anak, can you give the phone to your Aunt Zia so daddy could talk to her?"

"Hello, Kuya Vice?" Zia muttered when Klang handed her the phone.

"Nasaan si Karylle?" agad nitong tanong. Hindi siya agad nakakuha ng sagot kaya't naglakad na ito papasok ng tent to fix his things. "Zia nasaan ang ate mo?"

"Kuya, ngayon kasi naka-sched yung first gig nila ni Kuya Yael. Ibinilin niya sa 'kin si Klarisse," pag-amin nito.

Napaface-palm nalang si Vice habang inaayos yung damit na pinagbihisan niya. He placed all his things inside his bag. You can see irritation on his face and even on his moves.

"Wag mong iiwanan si Klang ha? I'll pick her up. Tell her to wait for me,"

"Pero Kuya--

"Zia please. Pakiayos nalang yung bag ni Klang. I'll pick her up."

After fixing his things ay lumabas na ito ng tent. Gulat naman ang mga co-artists niya na napatayo pa to ask him what's happening.

"Direk, sorry ha? Pero yung anak ko kasi, iniwan ni Karylle. Walang kasama yung bata." kunot noo nitong paliwang.

The director sighed in disappointment. Napayuko naman si Vice dahil alam niyang namumuro na siya at ilang beses na siyang napagbigyan ng direktor. Ilang beses ng na-imove ang sched ng shoot at nahihiya na siya for being cause of the delay.

"You can go," Direk Wenn said. Napalook up naman sa kanya ang binata with his apologetic smile.

"Thank you, Direk!"

-.-.-.-.-

Vice knocked on Karylle's door at mabilis naman iyong binuksan ni Zia. Klang was sitting on the sofa and when she saw her dad ay agad itong tumakbo palapit sa kanya. Hindi alam ni Vice kung ano bang pumasok sa utak ni Karylle at iniwan si Klang kay Zia.

"Daddy, niaantok na 'ko," she grumbled. Binuhat naman siya ng ama and she immediately buried her face on his neck. "Meme mo 'ko,"

"We'll go home huh?"

"Uwi tayo?"

"Opo," Zia handed him Klang's bag. "Pag-uwi ni Karylle, pakisabi kinuha ko si Klang. Sakin magsstay ang bata, may trabaho man ako oh wala."

"Sorry Kuya ha? I told ate naman to stay pero umalis parin eh,"

"Not your fault. Medyo matigas din talaga ang ulo ng ate mo," nang masiguro niya na kumpleto na ang gamit ni Klarisse ay nagpaalam na ito para umalis.

Habang nagmamaneho ay hindi maialis ang pagka-kunot ng noo ni Vice. Inis, tampo at selos ang alam niyang nararamdaman niya sa mga oras na 'to. Karylle was known as a caring, loving, and sweet person pero isang katangian nito ang hindi alam ng lahat. Padalos dalos sa desisyon.

"Yang mommy mo, ilang beses ko ng sinabi na wag munang magtrabaho... napakatigas ng ulo!" panenermon nito. Napatingin lang naman sa kaniya ang anak na nakaupo sa front seat. "Iniwan ka pa! Aba, sabunutan ko 'yon eh!"

"Daddy Bays, mad ikaw?"

"Oo!" mabilis na sagot nito. Napatango lang naman si Klang bago ituon ang atensyon sa bintana ng sasakyan. "Pakisabihan yang mommy mo ha? Kasing kapal ng buhok ang katigasan ng ulo!"

"Hindi ko naman naa-understand nisasabi mo..." bulong ni Klang.

Nang makauwi ay agad na nagpalit ng damit si Vice. Klang tucked herself sa bed and waited for Vice to finish what he was doing. Nang matapos ang binata ay tinabihan na nito ang anak na agad din namang dumapa sa dibdib niya.

"Hindi ka ba makatulog ng hindi dumadapa sa dibdib ko?" Vice asked while stroking Klang's hair. Umiling naman ito as she spread her arms payakap sa daddy niya. "Sige na, sleep ka na."

"Let's wing mommy first, Daddy Bays?" inaantok na sabi ng bata habang nira-rub ang mata.

"Busy nga si mommy mo diba? May work siya kaya hindi natin siya pwedeng tawagan..." kahit ang totoo'y ayaw lang talaga niyang kausapin si Karylle. "Sige na anak, matulog ka na."

-.-.-.-.-

The next morning, nagising si Vice nang marinig ang sunod-sunod at tila sinisirang doorbell. Sa sobrang sakit sa tenga ay mabilis itong tumayo upang babain ang tao sa labas ng gate. He saw 'her' na para bang galit na galit.

"Bakit mo kinuha si Klang sa condo?" singhal nito. Vice pulled her papasok ng bahay at doon kinausap. "You should've asked me first bago mo siya kunin,"

"You should've informed me na kagabi yung first gig niyo," balik singhal ng binata. "Iniwan mo basta-basta si Klang?"

"Kay Zia ko naman siya iniwan ah? What's wrong with that? Magalit ka kung iniwan ko siya ng walang kasama..." Vice rolled his eyes nang marinig ang katwiran ni Karylle.

"Akala ko ba you want to spend your time with Ana Klarisse? Anong nangyari? You spent your whole night with Yael. Naghahanap ng katabi yung anak mo tapos wala ka?" Vice was trying to calm himself. Si Karylle naman ay napahilamos nalang ng mukha.

"Vice hindi ka pwedeng tumanggi sa trabaho, alam kong alam mo yan."

"Hindi, Karylle! Pwede mong tanggihan yang trabahong sinasabi mo kung gusto mong makasama ang anak mo," he defended. Hindi naman agad nakasagot si Karylle.

"You know what? Ang non-sense nitong usapan na 'to. Akin na yung anak ko..."

"Ang nonsense mo rin kasing kausap, Karylle! Parang kahapon lang sinasabi mo na you wouldn't accept works dahil gusto mong bumawi sa bata... eh anong nangyari? Tinanggap mo yung trabaho na inoffer ni Yael?" tila.may pang-uuyam na pagpapatuloy ni Vice. "Ngayon ka na nga lang nakasama ni Klang, iniwan mo pa!"

"Vice may usapan tayo, akin si Klarisse from Monday to Friday. Thursday palang ngayon kaya akin na ang anak ko..."

"Daddy Bays!"

Sabay na napalingon ang dalawa nang marinig ang maliit na boses na nanggaling sa taas ng hagdan. Nang makita ni Vice ang anak ay agad niya itong sinalubong sa baba at binuhat.

"Dito magsstay si Klang sa ayaw at sa gusto mo. May trabaho man ako oh wala, hindi aalis si Ana Klarisse sa bahay ko!"

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon