BDOD #56

12.2K 412 73
                                    

Pagkababa ni Vice ay agad nanlaki ang mga mata niya nang makita na bukas ang pintuan at wala na ang anak sa sala. Sinubukan pa niyang magtungo sa kusina, nagbabaka-sakaling nandoon si Klang ngunit wala siyang nakita ni anino ng bata. He also checked the CR but still, wala siyang nakita. Sinubukan niyang huwag magpanic upang mas mahanap ng mabilis ang anak.

He went out the house at inilibot ang paningin trying to look for his daughter. Nang hindi makita sa labas ay nagsimula na siyang kabahan. Ngayon pa lamang nakakapunta sa lugar na iyon si Klang at hindi pa nito kabisado ang pasikot-sikot sa Taysan kaya't natatakot si Vice na baka maligaw ang anak.

"Baby, nakita mo ba 'yong anak ko? Yung maputing bata. Yung kulot?" pagtatanong ni Vice sa mga batang naglalaro sa kalsada.

"Hala! Si Vice Ganda oh!" manghang sigaw ng mga bata sabay takbo palapit sa kaniya. Yumakap pa sila kaya hindi agad nakagalaw si Vice.

"Mamaya na kayo magpa-picture sa 'kin mga bagets! Kailangan kong hanapin 'yong anak ko. Mapapatay ako ni Kumander, juskoo!" takot na tili ni Vice at marahang hinawi ang mga bata. "Nakita niyo ba 'yong anak ko?"

"Ano pong ginagawa niyo dito?" usisa pa ng isang bata na hindi manlang sinagot ang tanong ni Vice.

"Teka lang baby ha? Mamaya na tayo magtsikahan. Hahanapin ko lang 'yong anak kong kulot!"

Aligagang nilibot ni Vice ang lugar dahil alam niyang naroon lang ang anak at hindi pa ito nakakalayo. Nagtanong narin siya sa mga kalapit-bahay ngunit ang iba sa kanila ay hindi pa kabisado ang mukha ng bata kaya hindi nila masagot ang tanong ni Vice.

"Ana Klarisse naman," nangingilid-luhang sambit ni Vice na huminto sa tapat ng isang tindahan. "Nasaan ka ba anak?"

"Tagay pa tayo mga bwad," sabi ng isang maliit na boses. Boses na hindi maikakailang kilala ni Vice. Mabilis niyang hinanap ang pinanggalingan ng boses. "Sawap!!"

His eyes widened nang makita ang anak na naka-upo sa gilid ng tindahan kasama ng mga batang pawisan dahil sa paglalaro. Pare-pareho silang may hawak ng plastik ng softdrinks. Hindi nga siya nagkakamali, kay Klang ang maliit na boses na narinig niya.

"Ana Klarisse?" Vice called. Agad namang napalingon sa kaniya ang anak at nag-flash ng isang nakakalokong ngiti.

"Daddy Bays, tagay tayo!" nakangiting paanyaya nito habang iniaabot sa ama ang softdrinks na hawak niya.

"Kailan ka pa natutong tumagay?" dahan-dahang hinila ni Vice ang anak palabas sa makipot na gilid ng tindahan at pinagpag ang damit nito. "Diba ang sabi ko sa 'yo wag kang lalabas ng bahay? Hindi mo pa kabisado 'tong lugar na 'to eh. Paano kung nawala ka?"

"I watched them play kasi po. Tapos ni-aya nila ako po dito kasi po hungwy na ako," paliwanag nito bago muling sumipsip sa straw ng softdrinks niya. "Tagay tayo,"

"Anong tagay? Jusko, wag mong ipaparinig yan sa mommy mo. Mababatukan nanaman ako nun. Tara na, uwi na tayo. Magba-bye ka na sa playmates mo,"

"Junjun, Maria, Ba-bye!!" nakangiting paalam ni Klang habang nagwewave ng kamay sa mga kaibigan.

"Laro ulit tayo bukas ha?" sabi ng batang babae. Mabilis namang tumango si Klang.

Matapos makapag-paalam ay binuhat na ni Vice ang anak upang mas mabilis silang makauwi. Alam kasi niyang baka hinahanap na sila ni Karylle. Hindi rin niya alam kung sasabihin pa ba niya sa asawa na muntikan ng mawala ang anak at halos mamatay siya kahahanap dito.

"Saan ka nga pala kumuha ng pambili ng softdrinks mo?" tanong ni Vice sa anak.

"Wala po. Nikuha lang 'to ni Junjun dun sa may tindahan po," sagot nito.

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon