BDOD #26

14.5K 535 68
                                    

Dumating si Karylle sa studio bandang ala una y media ng hapon. Kasalukuyang on-air ang show kaya sinubukan niyang hanapin ang anak sa Dressing Room ni Vice but she found nothing inside aside from his things. She decided na dumiretso nalang sa gilid ng stage to ask the staff kung nasaan ang anak. Hindi naman siya nakaligtas sa paningin ni Anne na kasalukuyang nagbabasa ng spiels.

"Wait! May bisita tayo, omygod!"

Lahat ng mata ay nakafocus kay Anne na naglalakad palapit kay Karylle. Si Vice naman na nakaupo sa tabi ng anak ay humaba ang leeg to see kung sino ang pinuntahan ng dalaga and when he saw Karylle, mabilis itong napatayo at binuhat ang anak.

"Nandyan na si mommy oh," Vice grumbled. Ibinaba niya si Klang na tumakbo naman palapit sa ina.

"Karylle, you want to say hello to Madlang People?" nakangiting sabi ni Anne while putting her mic near on K's mouth.

"Good Afternoon, madlang peopleeeee!" hyper na bati nito na sinabayan ng party song ni DJ MOD. Klang hugged her waist kaya naman niyakap nito pabalik. "Grabe namiss ko 'to,"

"Bakit kasi hindi ka nalang bumalik?" sabad naman ni Jugs na nasa audience's area with Teddy and Eruption. "Namimiss ka na ng V--

"Diba nga gusto kong magspend ng time with Klarisse? Siguro babalik ako kapag nakabawi na 'ko sa bata," she explained without letting Jugs na matapos ang sasabihin nito.

"You want to say hello to someone?" sarkastikong hirit ni Vhong. Vice eyed him dahil sa takot na baka lalo lang magalit sa kaniya si Karylle.

"Ay, teka lang... thank you nga pala kay Yael na nag-offer ng two-night gig with his band. Thank you,"

Mabilis na kumunot ang noo ni Vice after hearing Karylle's gratitude for Yael. Nagkatinginan naman sila Billy at Vhong na sabay pang napa-smirk. They know Vice well, at alam nilang nagpipigil lang itong magsalita.

"Brad, mukhang may umo-overtake." pabulong na sabi ni Billy. Vice rolled his eyes na sumalampak nalang ng upo sa stairs ng stage habang nakikipagchikahan pa ang ibang hosts kay Karylle.

"Si Karylle naman kasi," ungot nito. Nagstart narin siyang magworry simula nang malaman niya na may communication na ulit sila Karylle at Yael. Dumagdag pa ang offer kuno na gig ng binata. "Alam naman niyang dinidiskartehan siya nung Yael na 'yon, pumayag pa sa offer."

"Eh bakit naman hihindi si Karylle? Trabaho yun,"

"Sinong niloko ng gago na 'yon? If I know, he's just using that gig para mapalapit lalo kay Karylle," dagdag pa nito. Parang bata na hinila-hila ni Vice ang pants na tila ba nagmamaktol.

"Bakit ba kasi ayaw mong balikan si K? Naghihintay ka pa yata ng kaagaw eh," Vhong muttered. Muling tinignan ni Vice si Karylle na nakayapos sa anak. "Mas lalo kang mahihirapan niyan,"

"Naghihintay lang ako ng tamang tiyempo. Mahirap gumawa ng move lalo na't galit pa sa 'kin si Karylle. Baka makasama lang lalo samin,"

"Bye, madlang people! Pakakainin ko muna 'tong batang makulit na 'to," Karylle said sabay pinch sa magkabilang pisngi ng anak. "I promise, babalik po ako ng showtime... soon!"

Kumakaway-kaway na naglakad si Karylle pabalik sa backstage habang akay-akay ang anak. Si Vice naman ay tumayo nalang ulit to continue the show.

-.-.-.-.-

"Mommy, I love you." malambing na sabi ni Klang sabay wrap ng arms around Karylle's waist. Napangiti naman ang dalaga as she cupped both of her daughter's cheeks.

"I love you too," nakanguso nitong sagot sabay ngiti sa anak. "Sit ka muna doon oh, iaayos lang ni mommy yung pizza mo."

"You bought pizza?"

"Opo, sige na upo ka muna dun,"

Sinunod naman ng bata ang utos si Karylle at naupo sa sofa. Kinuha nito ang phone ng Daddy niya sa sling bag nito at naglaro while waiting for Karylle to finish what she was doing.

Nang mailagay sa plate ang pizza na binili ay agad na umupo si Karylle sa tabi ng anak. Habang kumakain ay kinalikot ni Klang ang cellphone ng ama at dinala sa camera para makapag-take ng pictures.

"Mommy, pishur pishur tayo! Nganga pose like what Daddy and I always do" Klang handed her the phone. Mabilis naman na nagpicture ang dalawa ng nakanganga. "Pwetty!"

"Sige na, kain na ka na oh."

Pinatay ni Karylle ang phone ni Vice at pinagmasdan ang anak na wiling-wili sa pagkain ng pizza. (Si Author talaga ang mahilig sa pizza! Hi Bulacan Neos! Alam nyo yan! )

Isa't-kalahating oras pa ang lumipas at nag-end na ang show. Nagmamadaling naglakad si Vice sa hallway papunta sa Dressing Room niya. Naabutan naman niya doon ang mag-ina na nakaupo lang sa sofa at busy sa pagkain.

"Daddy, you want?" pag-aalok ni Klang sabay angat sa pagkain na hawak-hawak nya. Nag-bend naman si Vice para maka-kagat sa ibinibigay ng anak. "Mashalap?"

"Opo," pagsakay nito. "Karylle, hatid ko na kayo? Kailangan ko kasing umalis agad. May shoot kami,"

"Saan ang shoot niyo?"

"Taguig. One hour lang ang ibinigay sa 'kin ni Direk para makapag-ayos. Tara na?" nagmamadaling inayos ni Vice ang gamit. "Anak, bilisan mo kumain."

"Wag mo na kaming ihatid, dumiretso ka na sa shoot." plain na sabi ng dalaga. Si Klang naman ay salitan lang na tinignan ang magulang.

"Pano ako makakasiguro na safe kayong makakauwi kung hindi ako ang maghahatid sa inyo?" nagwoworry na sabi ni Vice. "Sige na Karylle, alam mong hindi ako makokomportable sa shoot pag alam kong hindi ako ang naghatid sa inyo,"

"Vice, I can ask Manong Roger na sunduin kami dito. Gonna text you pag nakauwi na kami," napabagsak nalang ang balikat ni Vice dahil tila desidido na talaga si Karylle na wag magpahatid sa kaniya.

"Sigurado kayo ha?"

"Oo. Sige na, you can go. Baka mapagalitan ka nanaman ni Direk Wenn,"

Tumango na lamang si Vice bago kunin ang bag. Nilapitan niya ang anak at mahigpit na niyakap bago halikan sa ulo. He did the same with Karylle. Mahabang halik ang iginawad nito sa noo ng dalaga bago tuluyang humiwalay.

"Anak, baka hindi mo makita si Daddy tonight ha?" paalam ng binata kay Klang. Mabilis na humaba ang nguso ng bata na tila ba nagtatampo. "You can ring me mamaya before you sleep. Okay po ba yun?"

"Ba't di ikaw uuwi?"

"May work po si Daddy eh," pageexplain nito. "Don't worry, isasama ko kayo ni Mommy sa Laguna sa saturday ha?"

"Anong meron sa Laguna?" nagtatakang tanong ni Karylle.

"Early celebration for Showtime's Anniversary. Isasama ko kayo, mommy ha? Sige na... i really have to go. Mag-iingat ha?" nagmamadali nitong sabi bago muling halikan ang mag-ina sa noo. "I love you, two."

Karylle watched him hanggang sa makalabas ito ng dressing room. Hindi naman niya itinatanggi na kinilig siya sa simpleng galaw na iyon ni Vice. Nang ibalik nito ang tingin kay Klang ay napansin nito na naka-kunot ang noo ng anak.

"Why did he call you mommy?" nagtataka nitong tanong.

"Hindi ko rin alam. Medyo baliw din yung daddy mo," she was trying to keep her face serious pero hindi talaga niya maialis sa mukha ang ngiti.

"Ba't ikaw ningingiti, mommy?"

"Wag ka ng magtanong, ubusin mo na 'to." sabay bigay ulit sa anak ng pizza. Hindi na muling nagtanong pa ang bata kaya't napapikit nalang si Karylle sabay sandal sa sofa. "Viceral! I should be mad at you!"

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon