EPILOGUE

19.6K 524 149
                                    

Vice was sitting sa labas ng room kung saan nagstay si Karylle after ng operation. Literal na nakasalampak siya ng upo sa sahig sa gilid ng pinto. Wala siyang lakas ng loob na pumasok since puro pamilya ni Karylle ang nandoon. He can sense na pupupugin nanaman siya ng sisi dahil sa nangyari.

Minabuti niyang pasamahin na muna ang anak sa kapatid na si Emma nang dumalaw ito. His eyes were swollen dahil sa ilang oras na pag-iyak. His heart was beating so fast dahil hanggang ngayon ay dala parin niya ang kaba na kanina pa niya nararamdaman.

He's been receiving a lot of text messages from friends who were trying to lighten up his feelings pero hindi siya nakaramdam ng kahit anong gaan ng pakiramdam.

"Vice?" mabilis na napatayo ang binata nang makita na lumabas ang ina ni Karylle mula sa kwarto. "She's awake,"

"That's-- that's good to hear po," naiilang na sagot ng binata sabay yuko. He honestly couldn't face Karylle's family.

"Hindi ka ba papasok sa loob to see her?" Zsazsa asked. Nagsmile naman sadly si Vice as he shook his head slowly.

"Hindi po muna, tita. Baka makasama pa kay Karylle kung magpapakita agad ako," sagot nito sabay upo ulit sa floor, sa gilid ng pintuan ng room ni Karylle. "Dito po muna 'ko sa labas."

"Vice, ginagawa mo lang kawawa ang sarili mo. You don't have to blame yourself for what happened. Modesto explained to me about your plan and I can't see any reason to blame you." pagpapagaan nito sa loob ni Vice. "If you were regretting what you did, don't be. Hindi malaking kasalanan ang pag-iwan sa isang tao when you were just thinking about her happiness."

"Hindi ko rin naman po maiwasang sisihin ang sarili ko tita," he uttered while looking down. Nag-kneel naman si Zsazsa sa harap ni Vice to comfort him. "I should've stayed. Wala nanaman ako sa tabi ni Karylle nung mga oras na kailangan niya ako. Lagi nalang akong nagkakamali,"

"Hindi mo naman ginusto ang nangyari, anak." pag-aalo ng ginang habang hinahagod ang balikat ni Vice. This little move makes him sob. "Nandito na 'to eh. Hindi naman na natin maibabalik,"

Hindi na napigilan ni Vice ang mas maiyak pa sa sinabing iyon ng ina ni Karylle. He wasn't expecting this kind of comfort lalo na kung manggagaling pa sa pamilya ni K dahil nga sa mga pagkakamali niya.

"Okay. Hindi na muna kita pipilitin kung ayaw mong pumasok sa loob. Mas mainam narin kasi siguro yung pareho kayong handa bago kayo magkausap," sabi nito as she stood up and tapped Vice's head.

Mabagal na napatango si Vice habang nasa ibaba parin ang tingin. Tumayo naman ang ina ni Karylle na saglit tinignan ang binata bago muling pumasok sa loob ng kwarto ng anak. Nakatingin si Karylle sa pintuan nang pumasok ang kaniyang ina.

"Zia, Coco, pwede bang iwan niyo muna kaming tatlo?" ani Zsazsa na direktang nakatingin sa dalawa pang anak. Nagsitanguan naman ang mga dalaga sabay tumayo. They kissed their ate's forehead bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Bilang naiwan si Karylle kasama ng mga magulang, hindi niya mapigilan ang makaramdam ng hiya at takot. Hiya dahil alam niyang nagkamali nanaman siya, at takot na baka sa pagkakamaling iyon ay tuluyan ng magbago ang tingin ng tao sa kaniya.

"Eto na ba yung oras na itatakwil niyo 'ko bilang anak?" Karylle asked with a sad smile. Nagkatinginan naman ang mga magulang dahil sa narinig. "I am so sorry for disappointing you. Pinag-aral niyo naman ako sa magandang eskwelahan eh... h-hindi ko lang talaga alam kung bakit ang tanga tanga ko pagdating sa mga lalaki,"

Wala namang ibang nagawa ang kaniyang ina kundi ang yakapin siya at halikan sa ulo. Modesto was just looking at them habang marahan na hinahagod ang kamay ng anak.

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon