BDOD #18

14.2K 511 66
                                    

Vice stopped the car sa harap ng isang flower shop to buy a bouquet for Karylle. Sobrang tagal na kasi since the last time he gave flowers to her. Magkahawak kamay silang pumasok ng anak sa loob ng shop. A staff approached them and asked kung anong uri ng bulaklak ang kukunin nila.

"What should I buy ba?" he asked while looking at the sample flowers na nakadisplay. "Anak, anong bibilhin ni Daddy?"

"Sunpawer?"

"Anong sunpawer?"

"That yewwow one," sabay turo sa sunflower na nasa pinakadulo.

"Oh sige. Miss, yung sunflower daw."

Habang hinihintay matapos ang pag-aarange sa bouquet ay umupo muna si Vice habang si Klang naman ay inisa-isa ang mga bulaklak na nakikita niya. Nilapitan nito ang bouquet ng rose at inamoy-amoy.

"Daddy, it's not mabango!" sigaw ni Klang kahit ilang hakbang lang naman ang layo niya sa ama.

"Wag kang maingay. Wala tayo sa bahay," natatawang sabi nito kaya napapout nalang ang bata habanh pinagpapatuloy ang pagsinghot sa bulaklak. "Try to smell that one... yung katabi ng pink roses,"

"This?" Klang asked while pointing the sampaguita. Tumango naman si Vice kaya't sinunod ito ng bata. "Ooh! Daddy, can I have this one? It's so mabango!"

"You want that?"

"Opo,"

-.-.-.-.-

Ilang beses kumatok si Klang sa kwarto ng ina bago ito pagbuksan. Hawak hawak ni Vice ang bouquet na ibibigay niya kay Karylle habang ang isa naman niyang kamay ay may hawak na styro of foods na inorder nila ng bata. Nakasukbit din ang bag ni Klang sa shoulder niya.

"Hi Aunt Zia!" bati ni Klang kay Zia na siyang nagbukas ng pinto. Dire-diretso itong pumasok sa loob ng kwarto. "Hi Mameh!"

"Tignan mo 'tong bata na 'to, iniwan ako! Huy Ana Klarisse, help Daddy please!" Vice yelled. Hindi naman siya pinansin ng anak at nagmadaling sumampa sa kama para mayakap si Karylle. "Bahala ka. Hindi ko ibibigay yung chicken mo,"

"Daddy Bays..."

"Hindi, ayoko! Hindi mo 'ko tinulungan!"

"Sowwy na..."

Vice placed the foods sa ibabaw ng mesa bago ibigay kay Klang ang bag nito. After that ay nilapitan na niya si Karylle as he kissed her on the forehead. Iniabot narin niya ang flowers na pinili ni Klang for her.

"Si Klang ang pumili niyan. Pati sa flowers parehas kayo ng favorite," nakangiti nitong sambit bago hilahin ang stool palapit sa kama. "Kumain ka na ba? Dumaan kasi kami sa Jollibee, sabi ni Klang bilhan daw kita ng foods."

"Busog pa naman ako," maiksing tugon ni Karylle while stroking Klang's hair. Nakahiga na sa tabi niya ang anak. "Baby, ikaw gutom ka ba?"

Hindi nakakuha ng sagot si Karylle mula sa bata. Vice checked kung ano'ng ginagawa ni Klang at nakita niya itong natutulog habang nakasiksik ang mukha sa tagiliran ni Karylle.

"Hala, tulog..." Vice grumbled.

"What time did you two sleep ba?" Karylle asked sa pag-aakalang nagpuyat nanaman ang mag-ama.

"Pagkauwi namin kagabi, natulog agad kami. Alas dos nagising yan, akala niya umaga na. Pupuntahan ka pa daw namin," pagkukwento ni Vice habang pinagmamasdan ang natutulog na anak.

"Hindi mo na pinatulog ulit?"

"Pinatulog ko ulit, nagising nanaman bandang alas kwatro. Ewan ko ba diyan, masiyadong minamadali yung araw." he added. "Pagkagising ko nga kaninang alas-sais, nakita kong nakabukas yung bintana tapos dun siya natulog sa sofa. She really waited for the sun... gusto ka niyang puntahan agad,"

Napakagat-labi nalang si Karylle. She felt touched sa ginawa ni Klang para lang makita siya agad. Dahan-dahan niyang hinila pataas ang anak para mayakap. Bahagya namang gumalaw ang bata na parang naalimpungatan so she  gently tapped her legs para mapabalik ito sa pagtulog.

"Vice, thank you ha?" Karylle muttered. Nabigla naman si Vice dahil hindi niya alam kung ano bang dapat ipagpasalamat sa kaniya ni K. "Thank you for taking care of Klarisse. Ako dapat ang nag-aalaga sa kaniya,"

"Ano ka ba, K? Anak ko rin naman si Klang. Responsibilidad kong alagaan yang bata na yan,"

"Can I you do me a favor?"

"Hm?"

"Paglabas ko dito... pwedeng sa 'kin muna si Klarisse?"

-.-.-.-.-

1 week after (pagkalabas ni Karylle.sa hospital)

Walang ganang inaayos ni Vice ang damit ng anak at isinisilid sa bag. Hindi naman kasi niya mahindian ang kahilingan ni Karylle na sa kaniya muna ang bata hangga't busy si Vice sa work. He has Showtime, GGV, plus yung shoot for his upcoming movie. Napapayag naman niya si Karylle na sa kaniya magsstay si Klang ng Saturday night until Sunday at ihahatid niya ulit kay K pag Monday na.

"Daddy, ba't mo niaayos yung clothes ko?" walang alam na tanong ng bata as she climbed up the bed kung saan nakaupo si Vice. "Ba't mo niyayagay sa bag? Where we going?"

Napakamot naman ng batok si Vice while detaining his tears. Alam kasi niya na mahihirapan siya sa mga araw na wala sa tabi niya ang anak. He got used to wake up with Klang on his side, he got used to eat with her and even going to Showtime with his daughter. Kahit saan siya pumunta, kasa-kasama niya ang anak.

"Listen to Daddy," kalmadong sabi niya bago harapin ang bata. He held both of her hands and faked a smile. "Diba you want to be with mommy?"

"Yes po,"

"Magiging busy kasi si Daddy these coming few weeks--

"Ayaw!!" mabilis na sigaw ng bata bago yakapin ng mahigpit ang leeg ni Vice. She knows kung anong ibig sabihin ng Daddy niya. "Ayaw! Dito yang ako,"

"Anak, hindi kita mababantayan. Si Mommy mo... makakasama mo naman si mommy eh,"

"Ehh! Dito yang ako sa tabi ni Daddy Bays!" pagpipilit nito na nagsisimula ng magcrack ang boses. Nakayakap parin ito sa leeg ni Vice kaya't hindi narin maiwasan ng binata na maiyak. "Pano na si Ana Kyawisse pag wala si Daddy Bays?"

"Baby naman eh, hindi nga kita mababantayan. Wag ng makulit," pagpipigil ni Vice na sinusubukan magpull-away sa pagkakayakap sa kaniya ng anak. "Hindi ka naman pababayaan ng mommy mo,"

"Bibigay mo na 'ko? Di mo na ko love?" puno ng hinanakit na tanong ng bata. Mabilis itong bumaba ng kama, naupo sa sahig and buried her face on her knees. "Di narin kita love!!"

-.-.-.-.-

Wala paring kibo si Klang hanggang sa makarating sila sa labas ng bahay na tinutuluyan ni Karylle. Nagdadalawang isip naman si Vice kung talaga bang ipapaubaya niya ang anak oh iuuwi nalang niya ulit.

Sinalubong sila ni Karylle sa pintuan with a wide smile. Patuloy lang sa pagsingkot si Klang habang naglalakad palapit sa ina. She's carrying her bag na pinaglagyan ng damit niya. Vice stood for almost six feet away from them.

"Vice, pasok muna tayo sa loob?" anyaya ni Karylle sa binata. Tipid lang itong ngumiti at umiling.

"Hindi na Karylle. Aalis narin ako. Baka mahirapan pa 'kong iwanan si Klang dito," pag-amin niya habang sa anak nakatingin. "Anak? Papakabait ka dito ha? Love you,"

He didn't get any response from Klang kaya tumalikod na siya at akmang lalabas ng gate when he felt a pair of little hands na nakayakap sa binti niya. Samahan pa ng maliliit na hikbi na halos magpadurog sa puso niya.

"Daddy! Love love kita," humahagulgol na sabi ni Klang kaya hindi narin niya napigilang mapaluha. Hinarap niya ito at niyakap ng mahigpit. "Balik ikaw dito ha? Kunin mo ulit ako?"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

A/N: Ouch! Pano yan hindi na magkasama yung magpartner sa kalokohan? :(

Birthday blow-out ko na 'to hihi :D Love you all. Muah :*

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon