BDOD #15

15.1K 530 184
                                    

Vice

"Heyyow Miss..." Klang greeted while waving her hands kay Karylle. "You look like my mommy..."

Nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan silang mag-ina. Nakangiti lang si Klang habang si Karylle... naiiyak? I know what she feels.

"Put me down, Auntie Zia!" Klang muttered. Nang maibaba siya ni Zia ay agad itong tumakbo palapit sa 'kin at nagtago sa likuran ko.

"Baby, bakit ka nagtatago?"

"Daddy, sowwy..." my brows scrunched. Why did she say sorry? "Waya naman ako nigagawa but... she's cwying!"

Akala siguro niya papagalitan ko siya dahil pinaiyak niya si Karylle. Klang is a kid kasi na sutil... pasaway, yung mapang-asar sa mga kalaro. Halos lahat ng kalaro niya napapaiyak niya at nagbago lang siya nung minsan na napagbuhatan ko siya ng kamay. Well, as her Dad kailangan ko rin naman siyang disiplinahin.

"Wala tayaga ako nigagawa, Daddy Bays..." and her voice started to crack. "Ayaw ko palo,"

"Alam ko po. Don't cry na. Hindi ka naman papaluin ni Daddy," pag-aalo ko. I carried her at dahan-dahan kaming lumapit sa bed ni Karylle. "Diba sabi mo sa 'kin, you want to meet your mommy?"

"Opo,"

Isang impit na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya as I tucked the strands of her hair sa tenga niya. I looked at Karylle and met her gaze. Nakatingin lang siya kay Klang at hindi parin makapagsalita.

"Karylle, meet our baby..." ibinaba ko si Klang sa kama at itinabi sa mommy niya. "Umayos ka ng upo, anak ha? Baka magalaw mo yung kamay ni mommy oh."

"Mommy ko siya?" nakangiting tanong sakin ni Klang. I nodded slowly as an answer to her question. She turned to Karylle at hinawakan ang ilong ng nanay niya. "We have the same nose po oh,"

Lumayo ako ng kaunti at pinagmasdan sila. Matagal tagal ko ding pinangarap na makita silang mag-ina na magbond. Yung close na close sila sa isa't-isa.

-.-.-.-.-

General

Dahan-dahang itinaas ni Karylle ang kamay upang mahawakan ang mukha ni Klang. Nahihirapan siyang magsalita at mukhang hindi talaga niya kakayaning magsalita lalo na ngayong nakita na niya ang anak. Vice couldn't deny na lumalambot ang puso niya sa mga nakikita niya ngayon.

Nang mapansin nito na medyo nahihirapan si Karylle sa pwesto niya ay agad niya itong nilapitan and helped her na umupo. He even wiped her tears na malamang ay hindi na namamalayan ni Karylle dahil nakatitig lang ito sa mukha ng bata.

"Mommy kita?" Klang asked while looking directly sa mga mata ni Karylle. "Iyan taon na po ikaw?"

"Klang, hinay hinay sa pagtatanong. Hirap pa magsalita si Mommy," panunuway ni Vice.

"Di ka pa mawunong mag-speak?" sunod na tanong ng bata sabay hawak sa labi ng mommy niya. "I'll teach you. You want?"

"Hug me nga," nakapout na sabi ni Karylle. Nakangiting nag spread ng kamay si Klarisse bago niya yakapin ng sobrang higpit ang ina. "Y-you love me?"

"No," then Klang pulled away. Madudurog na sana ang puso ni Karylle nang biglaang bumawi ang bata. "I just don't wab you because I wab you bewi bewi mush,"

"S-sorry kung 'di m-mo nakasama si mommy ha?" nahihirapan ngunit kinakayang sabi ni Karylle.

"Are you sick?"

"No po,"

"Then why are you here, po?"

Karylle sighed dahil literal na nahihirapan talaga siyang magsalita. Medyo nahihirapan na kasing magfunction ang ibang parte ng katawan niya dahil sa pagiging comatose ng tatlong taon. Napansin naman ni Vice na nahihirapan na ang dalaga so he went near them and sat sa gilid ng kama kung saan nakaupo ang bata.

"Diba sabi ko sayo wag mong damihan magtanong kay Mommy? Hirap siya magsalita oh,"

Klang nodded habang niyayakap ang bewang ni Vice. Zia excused herself first para mabigyan ng moment ang tatlo na ngayon lang nagkasama-sama. Nabalot ng 'awkwardness' ang buong kwarto nang wala ng nagsasalita.

"Daddy Bays, gugutom nanaman ako," adorable na sabi ni Klang habang hinihimas himas ang tiyan. "Nagwawala nanaman si baby butets,"

"W-who's butets?" nagtatakang tanong ni Karylle. Natatawa namang tumayo si Vice upang kuhanan ng pagkain ang anak.

"Daddy said po kasi, mewon daw ako pet dito sa tummy ko kaya ako mahilig sa foods," pageexplain pa nito na parang nahihiya. "I named her baby butets,"

"Ang weird ng anak mo no?" nakangising sabi ni Vice kay Karylle while he was putting rice and fried chicken sa paper plate ni Klang. "Isa lang yan sa mga na-inherit niya sa 'yo,"

Pagkatapos ayusin ni Vice ang pagkain ay agad niya itong ibinigay kay Klang na nilantakan din naman ng bata.

"Karylle, gusto mo rin bang kumain?"

"N-no. I'm okay," she answered. Wiling-wili itong pinagmamasdan si Klarisse na hinihimay pa ang manok na ulam niya.

"Daddy Bays, put me down po. Madudumi yung bed ni Mommy ko," sabi nito while licking her lips na nalagyan ng ulam.

Vice followed kung ano yung sinabi ni Klang. Inilipat niya ito sa may stool at ipinatong ang plato sa table na nasa gilid lang din ng kama ni Karylle. Pinagmamasdan lang ni Vice si Karylle na nakatitig lang sa anak.

"She can eat on her own na no? Mabilis kasi matuto yang bata na yan. Nakakatuwa lang kasi isang salita mo lang, susunod siya agad sa 'yo." pag-oopen ni Vice. Karylle looked at him a smiled a bit. "Alam mo? Alagang-alaga niya si Vicekee saka si Lucky,"

"Z-zia told me na dumiretso ka dito from your shoot?" Karylle muttered.

"Ah oo. Nagalit kasi si Direk, andami ko na kasing palusot nung mga nakaraang araw kaya kagabi lang nakapag-resume ng shoot," he explained. "Mamayang 8pm mag shoot nanaman ako,"

"W-wala ka pang pahinga?"

"Wala pa, pero okay lang. Kilala mo naman ako... matibay ako kahit walang tulog." Karylle frowned.

"P-pinababayaan mo nanaman yung sarili mo?"

Lihim na napangiti si Vice sa tinurang iyon ni Karylle. Kahit galit ang dalaga, alam na alam ni Vice na nag-aalala ito para sa kaniya.

"Para naman kay Klang 'to eh. Gusto kong ibigay sa kaniya yung buhay na deserve niya," he defended sabay ngiti. "For us..."

Hindi na muling nakapagsalita si Karylle matapos marinig ang huling sinabi ni Vice. They both looked at Klang na hanggang ngayon ay busy sa pagngatngat ng manok.

"Daddy Bays, water please."

"Ano 'to? Nakahanap ka ng yaya mo ah!" pabirong angil ni Vice na tumayo naman para kumuha ng tubig.

"Aldub you, Daddy Bays!" the kid said sabay ngiti ng pang-asar sa Daddy niya.

"Ayan ka nanaman eh! Tantanan mo 'ko diyan, Ana Klarisse ha?" nakasimangot na sabi ng binata bago ilapag ang basong may tubig sa table ni Klang.

"W-what's Aldub?" curious na tanong ni Karylle.

"Loveteam sa Eat Bulaga," he answered. "Letse kasi yun si Bernard, ang kapal ng mukhang manood sa bahay. Kalye Serye pa ang pinanood,"

"S-sorry, I though it's a pet..." Karylle grumbled with an apologetic smile.

"Mommy, you should watch them. They're weally cute," pagsabad ni Klang na sinisimot ang kanin sa plato niya. "Inspired by Vicekee,"

"Andami mong daldal, tapusin mo na yang foods mo." pagsuway naman ni Vice.

Kinuha ni Klang yung baso ng tubig at sinimulang inumin. Malapit na sanang maubos ang tubig ng hindi sinasadyang maibuhos ito at pumasok sa ilong ng bata. Sa pag-aalala ay bigla nalang napatayo si Vice para lapitan ang anak.

"Hala! Daddy Bays, may tubig na yung kuyangot ko!!"









Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon