BDOD #41

15K 442 108
                                    

Kagat labi at kinakabahang lumabas si Karylle mula sa bathroom. Napatitig siya kay Vice na kasalukuyang binibihisan at inaayusan ang anak na katatapos lang maligo. Halata sa mukha niya ang pagkatakot. She was obviously hiding something from her boyfriend.

"Mommy?"

Bumalik lamang sa sarili si Karylle when Vice tightened his grip on her hand. Nakalapit na pala ito sa kaniya ng hindi manlang niya namamalayan. Vice was all worried dahil alam niyang malalim ang iniisip ng nobya.

"You okay?" nag-aalalang tanong nito sabay stroke sa cheeks ni Karylle.

"What makes you think na hindi ako okay?" naka-fake smile na pagbabalik nito ng sagot. Napabuntong hininga naman si Vice as he looked straight on her eyes.

"Karylle, tell me. What's bothering you?" pagpipilit parin nito. "Hindi ako mapapakali hangga't hindi mo.sinasabi kung ano'ng bumabagabag sa 'yo."

"Daddy, I'm all okay. Wala ka naman dapat ipag-alala. Sobrang okay ako," nakangiting sabi ni Karylle na nagsqueeze back sa kamay ni Vice. "As long as you're with me, okay na okay ako."

"Sigurado ka ha?"

"Yes. Sige na, maliligo na 'ko. Nakalimutan ko lang kasi yung towel." sabi pa nito sabay abot ng towel na nakalapag sa sofa.

Bago pumasok ng bathroom ay muli niyang tinapunan ng tingin si Vice na nakatitig parin sa kaniya..She smiled sweetly ngunit halata parin sa ngiting iyon ang kaba at takot na lalong ipinag-alala ni Vice. He knows na may hindi sinasabi si Karylle sa kaniya.

"Daddy Bays, help me wear this po please," dinig niyang sabi ng anak kaya't tumalikod na siya.

Klang was sitting sa may edge ng bed and was trying to wear her shoes but she can't. Kinuha naman ni Vice yung sapatos niya at pilit isinusuot sa paa ng anak.

"Oh sige, kuyakoy pa! Pano ko maisusuot 'to?" kunot noong tanong ni Vice. Nagstop naman sa pagkuyakoy ang bata kaya naisuot na niya finally ang shoes nito. "Where's your bag? Akin na bilis, aayusin na ni Daddy,"

Tending to Karylle's side, nakasandal lamang siya sa likod ng pinto while trying to detain her tears. Napatingin sya sa sink kung saan nakalapag ang bagay na nagbigay ng kakaibang takot sa kaniya.

"Ana Karylle naman..." she grumbled habang mahinang inuumpog ang ulo sa pinto.

//

"Daddy, hindi muna 'ko sasama sa studio ha?" paalam ni Karylle nang makita niya na nakaayos na si Vice. Napatingin naman sa kaniya ang boyfriend habang nakakunot noo.

"Why? I thought aayusin mo na yung comeback mo sa Showtime?" hindi naman agad nakasagot si Karylle at nagsmile nalang sa binata. "Ana Karylle, may hindi ka talaga sinasabi sa 'kin eh."

"Vice, I'm okay nga."

"I know you are okay but there's really something you're not telling me." this time, ginamit na ni Vice ang pinaka-strict na boses. "Ano?"

"Wala akong dapat sabihin, Vice. I just-- I just don't think this is the right na bumalik ako sa Showtime," lalo namang kumunot ang noo ni Vice dahil sa narinig.

"Akala ko ba napag-usapan na natin 'to?"

"Akala ko rin ba susuportahan mo 'ko sa kahit anong desisyon ko?"

Hindi nakasagot si Vice sa huling sinabi ni Karylle. Napatitig nalang siya sa mukha ng nobya as if he could read what's on her mind. Bilang kilala niya si Karylle, alam niyang may problema ito na sobrang bumabagabag sa kaniya.

"Kung ayaw mong sabihin sa 'kin, okay lang. Para saan pang naging boyfriend mo 'ko?" naiiling na sabi nito sabay halik sa noo ni Karylle. "Mag-ingat ka sa pupuntahan mo. Aalis na kami ni Klang."

Nakaramdam naman ng guilt si Karylle habang pinapanood si Vice at ang anak na papalabas ng bahay. Nang mawala na ng mag-ama sa paningin ay napasalampak na lamang siya ng upo sa Sofa as she buried her face on her palms.

She took her phone at paulit-ulit na binasa ang message na lalong nagpapahirap sa sitwasyon niya. Habang paulit-ulit na nagbabasa ay unti-unti ng nagtutubig ang mga mata niya. One of the things kasi na ayaw niya ay yung may mga taong nasasaktan sa desisyon na ginagawa niya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay tumayo na siya at nagpunta sa taong tingin niya ay makakaintindi sa taong makakaintindi sa kaniya. The one na siguradong mapagkakatiwalaan niya when it comes on telling her secrets and problems.

Almost half-hour of driving her own car, sa wakas ay nakarating na siya sa Condo Building ng taong gusto niyang makausap. When she was already outside the condo unit, nag-alangan pa siya kung itutuloy ba niya oh aatras nalang at uuwi. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay biglang bumukas ang pintuan at nagkagulatan pa sila ng tao na nasa loob.

"Karylle?" gulat na sambit ng lalake na nilakihan ng pagkakabukas ng pinto upang makapasok ang bisita niya. "Hindi ka naman nagsabi na pupunta ka,"

"Naisipan ko lang din. Sorry, Yael ha?" paumanhin nito. "Aalis ka ba? May lakad ka yata eh,"

"Hindi, wala. I was about to buy something to eat sana kaso bigla kang dumating."

"Huh? Ah, sige bili ka muna. I'll wait nalang dito."

"Hindi na--

"Sige na, Yael. Bumili ka na ng kung ano man ang bibilhin mo. Maghihintay ako dito," sumuko nalang din naman ang binata dahil hindi rin talaga siya mananalo kay Karylle.

"Sige, mabilis lang ako." nagmamadali nitong sabi sabay haltak sa susi ng sasakyan na nakasabit sa gilid ng pinto.

"Ah, Yael?" pagtawag ng dalaga bago tuluyang makalabas ang kaibigan. "Can you buy me, kwek-kwek?"

"Kwek-kwek?"

"Yes, yung egg na nabalot sa color orange. I don't know kung ano yung orange na yun but Vice told me na kwek-kwek ang tawag dun." nakangiti nitong paliwanag. Naguguluhan namang napatango si Yael bago lumabas ng unit niya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

soon to end...

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon