BDOD #55

12.8K 394 38
                                    

Kinakabahang sumusulyap-sulyap si Vice sa cellphone at sa kabuuuan ng bar kung nasaan siya ngayon. Ipinapanalangin niyang wala sanang makakita sa kaniya na kakilala ni Karylle dahil pag nagkataon, alam niyang magkaka-problema nanaman sila. Nagkaroon ng batch reunion ang Tamaraw Team kung saan kabilang ang matagal niyang naging kasintahan. Hindi niya magawang i-decline ang invitation dahil sa nahihiya siya sa mga kaibigan.

Pasado a las onse na at ang naging paalam lamang niya sa asawa ay gigimik siya kasama ang mga kaibigan. Upang hindi mabuko ay kinakuntsaba narin niya ang mga bakla na wag sabihin kay Karylle kung nasaan talaga siya.

Nakaupo lamang sa isang VIP Seat si Vice habang pinapanood ang mga kaibigang lalaki na sumasayaw at naghaharutan, hanggang sa lapitan siya ni Romeo.

"Buti pinayagan ka ng asawa mo?" Romeo said as he sat beside Vice.

"Hindi ko naman sinabi na dito ako pupunta," pag-amin nito. Bahagya siyang lumayo sa katabi dahil iniiwasan niyang matukso ng iba pang mga kaibigan. "Hindi naman ako magtatagal dito e."

"Sulitin mo na. Minsanan lang naman 'to e."

"Romeo, iba na ang sitwasyon ko ngayon. Hindi na 'ko pwedeng happy-go-lucky lang. Walang kasama 'yong mag-ina ko sa bahay," nakangiting turan ni Vice na ikinangiti din ng binata.

"Tatay na tatay ka na talaga 'no?" saglit na napatingin si Vice sa hawak na baso at natatawang itinungga ang laman. "Sa sobrang patay na patay ka sa 'kin noon, hindi-

"Ang eksaherada nung patay na patay ah?" angil nito na marahang hinampas ang braso ni Romeo. "Minahal lang kita pero hindi ako patay na patay sa 'yo,"

"Talaga ba? Kaya pala iyak ka ng iyak noong nakikipagbreak ako sa 'yo," pambubuska pa nito.

"Ang kapal ng mukha mong hayop ka! Paanong hindi ako iiyak, pagkatapos mong matanggap yung sasakyan, nakipagbreak ka?!"

Kapwa natawa ang dalawa sa pinag-uusapan na tila ba hindi na naiilang na dati silang magkasintahan na ngayon ay magkaibigan nalang. Vice shook his head at muling tinignan ang cellphone dahil baka nagtext na ang asawa sa kaniya. Samantalang si Romeo ay pinagmamasdan lamang si Vice na sobrang laki na ng pinagbago simula nang magka-asawa.

"Ikaw ba, Baby Boy? Kailan ka ba mag-aasawa?" tanong ni Vice na direktang tumingin sa binata.

"Paano? Eh, may asawa na 'yong gusto kong makasama." Lumakas ang dagundong ng tugtog sa bar kaya napangiwi na lamang si Vice dahil hindi niya narinig ang sinabi ng binata.

"Ano 'yon?" nabibinging tanong ni Vice. Romeo smirked sarcastically. Tumayo ito at naglakad palayo kay Vice na ipinagtaka naman ng huli. "Hala! Anong problema nung mokong na 'yon?"

-.-.-.-.-

Alas dos na nang makauwi si Vice sa bahay. Nadatnan niyang himbing sa pagkakatulog ang mag-ina kaya't hinalikan na lamang niya ang mga ito sa noo bago magbihis ng damit pantulog. After changing his clothes ay isiniksik na niya ang sarili sa gilid ni Karylle dahil doon niya gustong matulog. Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo ng asawa at ini-slide ang braso below upang ipatong ang ulo ni Karylle.

"Mahal na mahal kita," bulong niya habang nag-iiwan ng short kisses sa labi ng asawa.

Nakaramdam siya ng guilt dahil sa pagsisinungaling ngunit hindi rin naman niya maitatanggi na nag-enjoy siya sa company ng mga kaibigan at ni Romeo. Idinikit niya ang ilong sa pisngi ng asawa at ipinikit ang mga mata habang ninanamnam ang moment na nakayakap siya rito.

Hindi pa man lumilipas ang isang minuto ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone na nakalapag sa bedside table kaya't kinuha niya ito at chineck ang natanggap na message.

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon