BDOD #60

15.2K 512 67
                                    

Karylle parked her car sa harap ng bahay ng ina. Literal na mag-isa na siya sa tahanan nila ng asawa at ayaw naman niyang maramdaman na mag-isa parin siya emotionally. Kailangan niya ng taong makakausap dahil pakiramdam niya, anytime ay hahagulgol na siya dahil sa sakit ng pan-dedeadma ni Vice. Magiliw siyang nginitian ng mga kasambahay habang papasok siya sa loob.

"Ate!" Karylle looked back at nakita ang pawis na pawis na si Coco habang buhat-buhat si Lucky. Nilapitan nito ang kapatid and at pineck ang pisngi. "Napadalaw ka?"

"Vice and Klang went to E.K kasi so I decided na pumunta nalang dito since wala naman akong kasama sa bahay," pag-amin nito.

Sabay ba naglakad ang magkapatid paakyat sa kwarto ng ina. Nagtataka namang tinignan ni Coco ang kapatid dahil sa pagtataka.

"Shouldn't you be with Kuya Vice? It's his birthday today. Bakit hindi ka sumama sa kanila?" pang-uusisa ng dalaga sa kapatid. Hindi naman sumagot si Karylle at diniretso lang ang tingin sa dinadaanan.

"Manang, pa-order nga po ng pizza for Mama. Thank you," hiling ni Karylle sa hindi naman katandaang kasambahay na nakasalubong niya.

"May problema ba kayo?" pagpipilit ni Coco as she held her sister sa may braso nito to stop her from walking.

"Minsunderstanding lang kagabi. Maaayos din namin 'to," sagot na lamang ni Karylle upang matapos na ang usapan but Coco seems not contented sa sagot ng kapatid.

"Kung maaayos niyo din naman pala, bakit hindi pa kagabi? Baka naman lumala pa yan?" concern na sabi ng dalaga.

"We'll fix this, okay? Pareho lang kaming wala sa mood kagabi so we both decided na wag nalang munang mag-usap dahil baka lumaki lang ang issue," katwiran ni Karylle. "Now, what we have to do is to spend this day with Mama dahil masyado na tayong busy sa work. Hindi na natin siya nabibigyan ng time,"

"Okiedokie!" tila batang usal nito habang ibibababa si Lucky sabay wrap ng left hand sa waist ng kapatid.

Pagdating sa tapat ng kwarto ng ina, Coco excused herself dahil kailangan na nitong maligo at magpalit ng damit. Dahan-dahan namang in-unlock ni Karylle ang doorknob dahil hindi niya alam kung natutulog ba ang ina at baka maistorbo ito. Pagbukas ng pinto ay nakita niya ang ina na nakahiga lamang sa kama habang nakangiting nagtatype sa cellphone.

"Goodmorning, 'ma!" bati ni Karylle habang naglalakad palapit. Nang makalapit ay hinalikan niya ito sa noo at sa ilong. "I missed you!"

"You didn't tell me na pupunta ka today. Hindi tuloy ako nakapagpaluto," her mom said as she sat down and pulled Karylle closer to her. "I missed you too. Bakit bigla ka namang napadalaw?"

"Wala po kasi akong kasama sa bahay, eh mabo-bore lang naman ako sa I decided na pumunta nalang dito." she stated.

"Nasan ang mag-ama mo?"

"They went to E.K po. Two tickets lang ang nakuha ni Vice so nagpaiwan na 'ko," Karylle tried her best to sound okay dahil ayaw naman niyang malaman ng ina na may hindi nanaman sila pagkakaunawaan ng asawa. "Nagpa-order nga po pala ako kay Manang ng pizza,"

"Hindi ba't birthday ng asawa mo ngayon, princess?" sa tanong na iyon ng ina ay mukhang hindi na makakalusot pa si Karylle. "You should spend this day with your family,"

"Two tickets nga lang po kasi ang nakuha ni Vice for E.K, eh siya lang naman po ang ay may lakas ng loob sumama kay Klang pagdating sa rides." dagdag pa nito. Kunot noong tinitigan ng Ginang ang anak. As a mother, ramdam niya kung kailan okay at hindi okay ang anak.

"Tell me the truth, baby. May problema ba kayo?" pilit na napangiti si Karylle sa ina at bahagyang lumayo rito.

"Wala, Ma. Hindi lang ako sumama, may problema na agad? Wala po," pagsusubok muli ni Karylle na itago ang totoo.

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon