BDOD #28

14.7K 503 46
                                    

"Where's Klarisse?" nagtatakang tanong ni Zsazsa kay Karylle nang makita niya itong dire-diretsong naglakad papasok ng kusina upang kumuha ng maiinom.

Karylle didn't respond. Halata sa mukha nito ang pagkainis dahil sa naging usapan nila ni Vice. After their confrontation ay minabuti nalang niyang dumiretso sa bahay ng ina para makapag-usap. She took a glass of water bago umupo sa stool. Her mom was just staring at her, trying to read what was on her mind.

"Ana Karylle? What happened? Nababaliw ka na ba, anak?" kunot noong tanong nito.

"Ma, kinuha ni Vice si Klarisse sa Condo ko." pagsusumbong nito. "He was so senseless. Ano bang ikinagagalit niya?"

"Ano nga ba? Ikaw lang naman ang makakasagot niyan. What did you do?" her mom sat next to her while stirring the ingredients for her cake.

"I accepted Yael's two-night-gig offer. We started last night so I left Klarisse with Zia, tapos nung umuwi ako... she told me that Vice picked Klarisse up and brought her home." pagsa-summarize nito.

"Did you tell him about the gig?"

"Yeah. I informed him naman before I accepted that offer but I didn't tell him kung kailan kami maguumpisa," depensa pa nito. Awtomatiko namang napataas ang kilay ni Zsazsa sa sinabi ng anak.

"Yun naman pala eh. You didn't even inform him na kagabi yung umpisa niyo,"

"Why would I? Ano ko ba siya? It is not my responsibility to tell him what am I going to do or even where am I going." napailing nalang ang ina sa naging katwiran ni Karylle.

"Ate, iniwan mo kasi si Klarisse. That was one of Kuya Vice's reasons,"

Sabay na napalingon ang mag-ina at nakitang papasok si Zia ng kusina. She was still wearing her pjs at halatang kagigising lang. Karylle rolled her eyes and leaned his back.

"Eh hindi ko naman nga siya iniwang mag-isa. I left her with you diba? He was blaming me with a not-so-big issue,"

"Iniwan mo kay Zia ang anak mo?" pagsabad ng ina na tila nagulat pa sa nalaman. Karylle nodded slowly. "Are you out of your mind, Ana Karylle Tatlonghari?"

"Mama..."

"Kay Zia mo talaga iniwan? Anong alam ng kapatid mo sa bata? Ni sarili nga niyan hindi pa niya maalagaan ng maayos..." panenermon nito. Lihim namang napa-pout si Zia dahil sa sinabi ng ina. "You left a baby with a baby?"

"Ma!" Zia hissed. Tinaasan lang naman siya ng kilay ng ina. "I'm not a baby anymore!"

"You are! Wala ka pang alam sa pag-aalaga ng bata... or kung meron man, it wasn't enough para ihabilin sa 'yo ang tatlong taong gulang na bata lalo na sa gabi." she added. "Paano kung nagkaroon ng biglaang emergency? You think kaya ni Zia na iligtas ang anak mo? Eh isa pa yang mahina ang loob,"

"Okay! I'm leaving bago pa 'ko maiyak..." sarkastikong sambit ni Zia bago tuluyang lumabas ng kusina.

"Pati ba naman ikaw, magagalit sa 'kin?" Karylle grumbled. Napabuntong hininga nalang ang ina. "I'm sorry. I was too desperate na magtrabaho dahil gusto kong ipamukha kay Vice na kaya kong buhayin ang anak ko without his support,"

"You can go back sa Showtime naman diba? Doon pareho niyong mababantayan ang anak niyo..." Zsazsa comforted.

"Ma, I didn't accept Direk's offer na bumalik ako sa Showtime dahil ayokong makasama ng matagal si Vice. I kept on pretending na kaya ko siyang makita, makausap at makasama because of Klarisse... just because of Klang."

Ang kaninang galit at palaban na Karylle ay nagturn into soft, hurt and sad. Hindi naman agad nakasagot si Zsazsa at pinagmasdan lang anak on how hurt she was. Nakayuko lamang ang dalaga while watching her fingers.

"When you were still inside the hospital, nakita ko kung gaano kalaki ang nabago sa kaniya. From his outfit, his moves, and even on how he took care of Klarisse." pampapalubag loob ni Zsazsa sa anak. "Alam ko kung gaano kalaking pagkakamali ang nagawa niya sa 'yo, anak. I almost cursed him... pero naisip ko, nothing good will happen kung hahayaan kong lamunin ng galit ang katawan ko. Learn how to forgive,"

Sinusubukang tanggapin ng tenga ni Karylle lahat ng sinasabi ng ina ngunit tila sukdulan talaga hanggang purgatoryo ang galit na nararamdaman niya kaya't lumulusot lang din sa kabilang tenga lahat ng salitang gusto niyang tanggapin.

"Pinalaki kitang mabuting tao, Karylle. I'm not forcing you na magpatawad agad... but please, don't let your anger control yourself."

-.-.-.-.-

Lakad-takbong tinatahak ng mag-amang Klang at Vice ang hallway papunta sa Dressing Room. Nangunguna sa paglalakad ang bata na hila-hila ang hinihingal ng si Vice. Nang makarating sa loob ng Dressing room ay mabilis na sumalampak ng higa si Klarisse sa sofa.

"Are you going to sleep?" tanong ni Vice na umupo na sa Vanity Chair but his eyes were still on his daughter.

"Yes, Daddy! Naputoy yung dweam ko po kanina," she said. Umikot muli ang mata ni Vice dahil sa sinabi ng anak.

"What was your dream ba?"

"Sshh! Wag ikaw ingay po."

Napailing na lamang si Vice habang pinagmamasdan ang anak na pinipilit ang sariling makatulog ulit... "para daw matuloy ang naidlip na panaginip. Kaweirduhan talaga ng anak ni Karylle," he thought habang natatawa.

Bumukas ang pintuan ang iniluwa noon sila Archie at Buern na ipinatawag ni Vice para daw sa mahalang misyon, lol. Archie was wearing sunglasses habang si Buern naman ay nakahoodie.

"Anong trip niyo bakla? Nasaan ang tirik ng araw?" sarkastikong tanong ni Vice habang tinitignan ang mga kaibigan mula sa repleksyon ng salamin.

"Oh edi tanggalin," then Archie removed his glasses. "Pakealamero ka, tse!"

"Oh, kasama mo pala 'to?" biglang hina ng boses ni Buern nang makita ang bata na nakadapa at natutulog... kuno. "Puyat?"

"Hindi,"

"Eh bakit natutulog?"

"Itutuloy daw niya yung naudlot na panaginip niya,"

"Weirdo little kiddo," natatawang sambit ni Archie. "Ba't mo nga pala kami pinatawag ditey?"

"Balik tayo sa dating gawi ha? Babantayan niyo muna si Klang habang nagttrabaho ako," he was trying to sound sweet dahil alam niyang iyon ang makakapagpa-oo sa mga kaibigan. "Sige na mga baks,"

"Nasaan si Karylle?"

"Hay nako, iniwan ba naman kay Zia yung bata kagabi... eh paano kung may nangyaring hindi maganda? Kinuha ko nalang si Klang, atleast mas sigurado akong mababantayan niyo siya kahit may trabaho ako,"

"Hindi naman naghimutok ang jowa mo?"

"Jowa ko?" takang tanong ni Vice. Napashrug naman sila Archie at Buern.

"Si Karylle," paglilinaw nito.

"Jowa ko ba 'yon? Eh lagi nga akong inaaway," dahan-dahang umupo si Klang habang nakasimangot. "Saka maghimutok man siya, wala na siyang magagawa kasi buo na 'yung desisyon ko. Sakin magsstay si Klarisse,"

"Nako, Viceral! Alam ko na yang galawan mo na 'yan," Vice gave Archie a curious look. Tinaasan lang naman siya nito ng kilay. "Alam ko naman talaga kung ano ang dahilan kung bakit mo kinuha si Klarisse,"

"Ano ba, Chie? Kinuha ko si Klang dahil iniwan siya ni Karylle basta-basta, wala ng ibang rason..."

"Hasus! If I know, kinuha mo si Klang para wala ng ibang option si Karylle kundi ang magstay din sa bahay mo,"

"Huh?" pabebeng tanong ni Vice na kunwari ay hindi alam ang tinutukoy ng kaibigan.

"Galawang Viceral, bakla? Karylle asked you to stay on her Condo para makasama si Klang, and now you're doing the same. Kinuha mo si Klarisse para siya naman ang magstay, diba?" sinusubukan ni Vice na wag ngumiti to show na hindi niya alam ang sinasabi ng mga kaibigan. "Wag kami ang lokohin mo, bakla! Alam na alam namin yang mga paandar mo,"

"Tse! Magpanggap nalang kayo na hindi niyo alam,"  sabay ngiting tagumpay.

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon