BDOD #21

14.1K 481 70
                                    

1 week after

Nakangiting naglalakad si Vice sa hallway papunta sa dressing room niya nang madaanan ang ibang staff na naglalakad pasalungat sa tinatahak niya. He's waving his hands sa lahat ng nakakasalubong niya kaya naman nagulat ang mga ito. Usually kasi ay binabati lang sila ng Goodmorning ni Vice pero ngayon, masiyado itong masaya na nagawa pang mag-wave ng kamay.

"Ba't masaya ka?" tanong ni Tito Mel habang finifix yung mga papel na hawak hawak niya.

"There's a lot of reasons to be happy, Tito Mel. Smile!"

Natawa nalang ang huli at pinagnasdan si Vice hanggang sa makapasok ito sa dressing room niya. He changed his plain white shirt into a black sweater na may tatak na letter "A". He did his papogi smirk sa harap ng salamin bago isuot ang shades.

Tila hindi na napansin ni Vice ang mga tao sa loob ng Dressing Room niya. Nagtataka naman siyang tinitigan nila Archie at Buern na nawiweirduhan na sa ikinikilos ng kaibigan. Palabas na sana si Vice ng Dressing Room when Archie called him.

"Vice, hindi ka na magme-make up?" tanong nito. Nagsmile lang naman sa kaniya ang binata sabay iling.

"Tama na 'tong light lipstick ko. Babush!"

Nagkatinginan lang naman ang dalawa na hindi na talaga maintindihan kung ano ang sumapi sa kaibigan at ganon ito kasaya. Mabilis na tumakbo si Vice dahil ilang minuto nalang ay tatawagin na ni Eruption ang pangalan niya.

"Hello guys! Goodmorneeeeeeng!" hyper na sigaw nito bago isa-isang niyakap ang mga kaibigan. Gaya ng iba, nanibago ang mga ito sa ikinilos ni Vice.

"Anyare sa 'yo? Nakahithit ka ba?" natatawang tanong ni Vhong. Usually, sa ganoong biro ni Vhong, dapat ay hahampasin na siya ni Vice but now, nginitian lang siya nito bago bumalik sa pwesto niya.

Habang nagbabasa naman ng kani-kaniyang spiels ang mga hosts, walang pagod na kumekendeng kendeng si Vice sa tabi ni Anne kahit walang tugtog. Minsan ay nababangga na nito ang katabi pero parang wala siyang pakialam.

"Teka nga, halos matumba na 'ko dito sayaw ka parin ng sayaw diyan!" natatawang reklamo ni Anne ngunit hindi siya pinansin ng kaibigan na patuloy lang sa pagsasayaw. "Baliw na yata 'to!"

"Mukhang nakapuntos," Vhong said without his mic. Narinig iyon ni Vice ngunit minabuti niyang wag nalang magsalita. He gave him a smirk.

"Oh my god!" reaksyon naman ni Anne na unti-unti ng naniniwala sa pinupunto ni Vhong.

-.-.-.-.-

During their last commercial gap, hindi na napigilan ni Anne ang sarili at pinuntahan na si Vice para tanungin kung ano ba'ng meron at sobrang saya niya.

"Anne, anong meron?" nagtatakang tanong ni Vice dahil sa biglaang pagpasok ng dalaga.

"I should be the one asking you that... anong meron?"

"Wala naman!" pasigaw na sagot ni Vice na nagsisimula nanamang maging hyper. "Maraming dahilan para maging masaya, Anne. Try mong ngumiti, lalong nakakaganda."

Isang malupit na pag-ikot ng mata lang ang tanging nagawa ni Anne dahil sa pagdedeny ng kaibigan. Mataman niyang tinitigan si Vice at pilit binabasa ang kilos nito.

"Diba sa condo ka ni Karylle nagsstay?" Anne suddenly asked. Nakangiti namang tumango si Vice. "Oh my god! Wag mong sabihin na totoo yung sinabi sa 'kin ni Vhong?!"

Tila shock na shock si Anne nang maisip na baka nga may katotohanan ang sinabi ni Vhong na maaaring 'nakapuntos' si Viceral kaya't sobrang saya at hyper. Nagulat naman si Vice sa biglaang reaksyon ni Anne.

"Anong sinabi ni Vhong?"

"Don't you dare tell me na may nangyari sa inyo ni Karylle?!"

Vice didn't say anything. Ngumiti lang ito at napailing bago muling ituon ang pansin sa pag-aayos ng gamit. Napa-stamp lang naman si Anne dahil hindi niya nakuha ang sagot na kanina niya pa hinihintay.

"Vice, sabihin mo kaya sa 'kin yung totoo!"

"What? You told me not to tell you..." sarkastikong sabi nito na kinuha na ang bag at akmang aalis.

"So ibig sabihin may nangyari nga sa inyo?" pagpipilit pa ng dalaga kaya naman mas lalong natawa si Vice.

"Anne, a real gentleman doesn't kiss and tell..."

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

A/N: Short update for today! Sorry guys, I really feel unwell. Dahil siguro sa pagkakabura ng Counterblow :-( Jusko! Move on huhu!

Babawi po ako sa susunod promise :)

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon