BDOD #43

12.9K 480 118
                                    

After ViceRylle's not so good talk, kapansin-pansin ang pagiging mailap ni Vice kay Karylle. He would just talk to her kung aayain niya itong kumain oh di kaya'y kapag kailangang-kailangan lang. Alam naman ni Karylle na nagtatampo si Vice but how she would fix this?

They're now currently lying down with Klang between Vice and Karylle. Karylle was hugging her daughter while facing Vice's back. Gustong gusto ni Karylle na kausapin ang nobyo ngunit hindi niya alam kung paano.

"Vice?" she called. Imbis na sumagot ay tumayo na lamang ang binata at lumabas ng kwarto.

He really should avoid talking to her dahil alam niyang sa ganitong paraan ay posibleng mas lalong ma-urge si Karylle na sabihin sa kaniya ang problema. Karylle who was left dumbfounded dahil sa pang-iiwan ni Vice, immediately teared up.

Vice on the other hand headed sa may kitchen to get some drinks. Sa ganitong sitwasyon kasi ay mas gusto niyang kausap ang alak. He really doesn't want this feeling that he couldn't help Karylle when he knows that something's bothering her.

Nang makakuha ng alak ay nagpunta siya sa pool area para makapagpahangin. He was holding the alcohol on his left hand while his phone on the right, searching for someone to talk to. Nang makakita ng number ay agad niya itong dinial.

"Hello?" bati ng tao sa kabilang linya. This made Vice smile a bit. "Vice? Napatawag ka?"

"Where are you? Baka nakakaistorbo ako,"

"Kakauwi ko lang from basketball practice. Medyo pagod pero okay lang, para sa Pilipinas." medyo natawa naman si Vice sa sagot na iyon ng kaibigan. "It's past 11 na, bakit di ka pa natutulog?"

"I can't sleep. Binabagabag kasi ako. I really need someone to talk to,"

"Binabagabag ng ano?" napabuntong hininga naman si Vice before taking another shot. "You can always tell me what's bothering you. Hindi pa rin naman nagbabago yung pakikitungo ko sa 'yo ever since we broke up,"

"Terrence naman eh,"

"Talk to me as a friend. Wag mo ng intindihin kung sino ako sa buhay mo noon," Vice smiled unconsciously. How can they still stay as friends when they had a roller-coaster relationship three years ago? "Now tell me, anong problema?"

"Hindi ko alam,"

"Paanong hindi mo alam kung anong problema? It wouldn't bother you that much kung hindi mo alam,"

"Eh pano ko malalaman yung problema kung ayaw sabihin sa 'kin ni Karylle? Kilala ko yung girlfriend ko, she's keeping something from me."

"Baka naman napaparanoid ka lang?"

"Terrence, if you really love someone you would know if she's up with something or not. Sa kilos at galaw niya, basang-basa ko na na may itinatago siya," paliwanag nito.

"Yeah, like what happened to us three years ago. Naramdaman kong may iba na..." hugot ng binata. Natawa nalang naman si Vice dahil sa pagbabalik tanaw ni Terrence sa relasyon nila. "Okaaaay! Going back to your issue with Karylle, baka naman hindi pa handa yung tao na sabihin sa 'yo or ayaw lang talaga niya na mas mag-alala ka for her."

"Doesn't she know na mas nag-aalala ako sa kaniya ngayon na hindi niya masabi-sabi sa 'kin yung problema niya?"

"Eh bakit ikaw? Noong tayo ba, lahat ba ng problema mo sinasabi mo sa 'kin?" Terrence asked. Napakunot noo naman si Vice sabay iling as if nakikita siya ng binata. "Hindi naman diba? Mas ginusto mong itago yung problema mo dahil ayaw mo na mas magworry ako,"

"But I don't want her to feel na wala akong pakealam sa kaniya. Tutulungan ko naman siya as long as I can, ayoko lang nung thought na parang hindi siya nagtitiwala sa 'kin,"

"Just respect her decisions in life, Vice. Maaaring hindi niya masabi sa ngayon yung problema niya but believe me, once na naka-gain siya ng enough confidence, siya na mismo ang lalapit sa 'yo para sabihin ang dapat niyang sabihin."

//

The next day, nagising si Karylle nang maramdaman na tila bumabaliktad ang sikmura niya. She immediately headed sa CR to vomit. Bilang mababaw matulog si Vice, agad niyang narinig ang pagsusuka ni Karylle which made him even more worried.

"Karylle? Karylle, are you okay?" tanong ni Vice while knocking the door. Wala naman siyang ibang narinig kundi ang pagsuka ni Karylle sa loob. "Karylle buksan mo 'tong pintuan, utang na loob."

"Vice, I'm okay." sabi ni Karylle pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ng CR.

She looks so pale. Bukod sa namumutla at namumula pa ang ilong nito na halatang galing sa pag-iyak. Hindi naman maatim ni Vice ang nakikita sa nobya kaya't hinila niya ito palapit at niyakap.

"Tell me, wala ka namang sakit diba?" all worried na tanong ni Vice while rubbing her back. "Ayoko lang kasi na nakikita kang ganiyan. Gustong-gusto kitang tulungan pero bakit kasi ayaw mong sabihin sa 'kin kung anong nararamdaman mo?"

Nakaramdam naman ng guilt si Karylle upon hearing what he said. Ano nga ba ang pumipigil sa kaniya para hindi sabihin kay Vice kung ano ang kinikimkim niya? Takot, na baka maulit ang nangyari three years ago? Habang iniisip ang mga bagay posibleng mangyari between them, hindi na napigilan ni Karylle ang maluha.

"Vice, I'm sorry." she cried as she wrapped her arms around his waist. Lalo namang nag-alala si Vice. "I don't want to disapppoint you,"

"Karylle, mahal na mahal kita. If it wasn't enough to assure you na hinding hindi ko na uulitin ang katangahan ko noon, iwanan mo 'ko." mabilis namang umiling si Karylle as she tightened her hug on him. "Ano bang dapat kong gawin para magtiwala ka sa 'kin? Is it really hard to forgive me?"

"Napatawad naman na kita,"

"Then why can't you tell me kung anong bumabagabag sa 'yo?" Vice said bago mag pull-away sa pagkakayakap ni Karylle. "Kung napatawad mo na 'ko, bakit hindi mo 'ko magawang mapagkatiwalaan ulit?"

"I trust you, Vice. Believe me, may tiwala ako sa 'yo."

"Then bakit ayaw mong sabihin a 'kin kung anong bumabagabag sa 'yo? Halos mamatay ako kakaisip but you still chose to hide it. If you really love me, hahayaan mo 'kong tulungan ka!!" Vice shouted. Hindi narin kasi niya napigilan ang inis.

"Natatakot ako! Natatakot ako na baka iwanan mo ulit ako pag nalaman mong buntis ako. Natatakot ako na baka mas piliin mo nanaman yang kabaklaan mo kesa sa panindigan ako. Natatakot ako sa lahat ng posibleng mangyari." Karylle cried while kneeling in front of Vice. "N-natatakot ako na baka ako mismo, hindi na mapatawad ng Daddy ko pag naulit pa lahat ng nangyari three years ago,"

"B-buntis ka?" Vice asked. Nakatingin lang siya ng diretso kay Karylle na ngayon ay nakaluhod na sa harap niya. "You're pregnant?"

Hindi agad nakasagot si Karylle, but silence really do means yes kaya nagets na agad ni Vice ang sagot sa sarili niyang tanong.

"I-iiwan mo ba ulit ako?" Karylle asked while crying her eyes out. Nanatili lang naman na nakatitig sa kaniya si Vice na mukhang nakalimutan ng magsalita. "Vice, wag mo 'kong iiwan ulit... h-hindi ko kaya ng mag-isa 'to."

Ilang segundo pa ang nakalipas ay tumalikod na si Vice at lumabas ng kwarto leaving Karylle weeping.

//

A/N: Hi there guys! I feel so sorry for the long wait. We went to Isabela kasi for my Lolo's wake and burial. Sobrang hirap ng signal since probinsya ang pinuntahan namin. While we were staying there, nag-type na ako ng drafts and here's one. Sana po maintindihan n'yo ha? Thank you :*

P.S: Get ready for the Epilogue ^^.

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon