BDOD #37

16.4K 583 90
                                    

Passed 11 pm na when Vice and Karylle decided to go home. Ayaw pa sana umuwi ni Vice but Karylle insisted dahil nahihiya narin siya kay Anne na nagbabantay kay Klang.

While they were on their way home, walang humpay na kwentuhan ang nagaganap between Vice and K. Si Vice ang nagmamaneho habang si Karylle naman ay nakaupo lang sa tabi nito.

"Vice, keep your eyes on the road." natatawang sabi ni Karylle when she noticed that Vice was giving her short glances. "Saka yung kamay ko kanina mo pa hawak-hawak,"

"Mommy naman. Sobrang tagal ko ng hindi nahahawakan ng ganito yung kamay mo, pagbigyan mo na 'ko."

Napailing na lamang si Karylle dahil tila desidido nga si Vice na hindi bitawan ang kamay niya. Saglit na nabalot ng katahimikan ang buong sasakyan; Vice, keeping his eyes on the road, and Karylle, watching every houses na nadadaanan nila.

"Mommy, hindi ka pa ba babalik sa Showtime?" pagputol ni Vice sa katahimikan. Karylle gave him a short glance bago muling ituon ang atensyon sa bintana.

"Natatakot pa kasi ako,"

"Saan?"

Awtomatikong napakunot ang noo ni Vice. Sa sobrang tagal na nilang magkakilala ni Karylle, ngayon niya lamang narinig na natatakot ito. He should've known. Bahagya niyang inisqueeze ang kamay ng dalaga to call her attention.

"Mommy, tell me."

"Natatakot ako na baka husgahan ako ng tao," she answered. "Sobrang dami nilang pwedeng sabihin sa 'kin,"

"You should learn Anne's Art of Deadma,"

"I am not as strong as you are,"

"Mommy?"

"Hindi na siguro ako babalik ng Showtime," napabuntong hininga naman si Vice sa desisyon ni Karylle.

"Then what? Mas pipiliin mo yung mga short gigs?" Vice let go of her hand, sign na nagtatampo na ito. "Hindi ako papayag. Alam mong mas gugustuhin kong mag-Showtime ka nalang,"

Hindi na muling nagsalita si Karylle. Si Vice naman ay itinuon na lamang an atensyon sa pagmamaneho.

When they got home, wala paring kibuan ang dalawa but Vice still entwined his fingers on Karylles. Magkahawak kamay silang pumasok ng bahay at nadatnan si Anne at Klang na nanonood ng TV.

Hindi naman nakalagpas sa paningin ni Anne ang holding hands ng ViceRylle kaya awtomatikong nagform ng smile ang lips niya as she mouthed 'Congrats' kay Vice.

"Daddy Bays!" Klang called sabay takbo palapit sa Daddy niya para ikiss ito. "Where have you been?"

"Ba't si Daddy lang ang may kiss? How 'bout mommy?" tila nagtatampong sabi ni Karylle. Nagpucker naman ng lips si Klang kaya nagbend si K para halikan ang anak.

"Anning, thank you for looking after Klang ha? Pasensya na sa abala," Vice said habang natatawa.

"Sapat na yung nakita ko kayong magkabalikan bilang kapalit sa pagbabantay dito sa cute na tsikiting na 'to," Anne then pinched Klang's cheeks.

"Hatid na kita, babe? Gabi narin o," Vice offered. Mabilis namang umiling si Anne.

"Nagpasundo na 'ko kay Manong. Nandito narin yun maya-maya,"

"You sure?"

"Yes, Vice."

"Magpapalit na muna 'ko ng damit ha? Maiwan ko muna kayo,"

Nagsimula ng maglakad si Vice nang biglang humabol si Klang at nagpabuhat sa kaniya. Karylle and Anne were left sa Sala. Anne noticed something about Vice and K kaya hindi na niya napigilang magtanong.

"Okay naman na kayong dalawa diba?" Anne asked. Tumango naman si Karylle bilang sagot. "Pero bakit parang iba hilatsa ng mukha ni Vice?"

"He asked me kasi kung kailan daw ba 'ko babalik ng Showtime," Karylle sat down sa Sofa na para bang pagod na pagod. "And I told him na hindi na 'ko babalik doon,"

"What? Bakit?"

"Natatakot ako sa sasabihin ng mga tao. Alam mo namang hindi ako ganun katapang to face all of them. Wala akong lakas ng loob,"

Ramdam ni Anne ang takot na nararamdaman ni Karylle. Umupo ito sa tabi ng kaibigan upang icomfort ito.

"You can do it, K. Kakabit ng pagiging artista mo ang pagharap sa mga bashers. Well, you wouldn't literally have to face them naman. Let them say what they want to say. Pag may nabasa oh narinig ka, tumingin ka lang sa mag-ama mo, hindi ka maaapektuhan,"

Napangiti naman si Karylle. Her feelings lightened up dahil sa sinabi ni Anne.

"Besides, andiyan naman si Vice to always assure you na wala kang dapat intindihin. Bashers gonna bash. Inggit lang sila sa 'tin noh,"

"Grabe ka," Karylle lightly tapped Anne's leg then they both laughed in unison.

Maya-maya'y nakarinig sila ng busina sa labas. Anne knows na sasakyan niya 'yon so she said goodbye na to Karylle para makaalis.

"Anne, thank you ha?"

"No problem. Hihintayin kita sa Showtime ha?"

Napangiti at napatango nalang si Karylle habang ihinahatid ng tingin si Anne na palabas ng gate. Once she made sure na nakaalis na ang kaibigan ay inilock na niya ang gate and went inside.

"Nakaalis na pala si Anne?" sabi ni Vice na kakatapos lang magbihis ng damit.

"Yeah, late narin kasi kaya hindi ko na pinatagal."

Nafeel ni Vice na naiilang sa kaniya si Karylle kaya't hinigit niya ito palapit at hinalikan sa noo. Totoong medyo nadisappoint siya when Karylle told him na wala na itong balak bumalik sa Showtime ngunit ayaw naman niya itong mapressure dahil lang sa kagustuhan niya na magkasama sila ulit sa trabaho.

"Babalik ako ng Showtime," Karylle uttered. Napatingin naman sa kaniya si Vice with a small smile.

"Mommy, hindi naman kita pinipilit eh. Medyo nag over-react lang ako kanina. Rerespetuhin ko naman kung anong desisyon mo," he said while tucking the strands of her hair sa tenga nito.

"Final decision, babalik ako ng Showtime. Just promise me one thing," naghintay naman si Vice ng kasunod. "Don't leave me with the bashers ha?"

"Ano ka ba, mommy? Palaban kaya ang mga bakla... lalo na kung yung teritoryo nila ang tinatapakan." makahulugang sabi nito. Mabilis na napangiti si Karylle bago magtiptoe to give him a quick peck on the lips. "Just let me know kung may umaaway sa 'yo ha? Matitikman nila ang bangis ng sipa ko,"

"Dami mong kuda. Tara na sa taas?"

"Ibibigay mo na yung reward ko?" nakangiting pang-asar ni Vice kaya nakatanggap siya ng marahang sapok sa braso.

"Hindi pa ba sapat na reward yung tayo?"

"Well... it's beyond the best reward, pero kasi parang mas masarap yung reward na nasa isip ko," hindi na napigilan ni Karylle ang matawa at mandiri sa sinabi ni Vice.

"Itulog mo nalang yan, Daddy!"

"Naku naku! Iba nanaman iniisip mo, Mommy noh?" pang-aasar nito while poking Karylle's waist. Napapailag naman ang dalaga dahil isa talaga iyon sa mga kiliti niya.

"What were you thinking ba? Kabisado ko na yang utak mo, Viceral!"

Karylle started walking paakyat ng hagdanan. Sumunod naman sa kaniya si Vice na patuloy parin sa pag-poke ng waist ni Karylle.

"Akala ko kasi yung reward mo, tuturuan mo 'ko gumawa ng cookies. Oh diba, masarap yun?" pagpapalusot ni Vice habang tumatawa in unison with K.

"Ah, as a reward, gusto mong magpaturo gumawa ng cookies?" nakataas ang kilay na tanong ni Karylle. "Akala ko pa naman, you want to make love. Nagkamali pala ako. Sige, bukas tuturuan kita gumawa ng cookies."

Nanlaki naman ang mga mata ni Vice habang pinapanuod si Karylle na naglalakad papasok ng room nila while swaying her hips seductively.

"Mommy?" lumingon naman si Karylle and looked at him sarcastically. "A-ayoko na pala magpaturo gumawa ng cookies. Pwedeng magpalit ng reward?"

"What's that?"

"Turuan mo 'ko gumawa ng bata?"

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon