BDOD #39

17.9K 569 74
                                    

"Direk? Direk? May isusumbong ako sa 'yo!"

Mabilis na naglalakad si Vice habang paulit-ulit na tinatawag si Direk. Klang was running after him habang si Karylle naman ay pinagmamasdan lang ang mag-ama.

"Daddy Bays, wag mo 'ko shumbong pwease!" Klang said habang hinahabol ang Daddy niya. She was trying to hold his hand ngunit sadyang mabilis maglakad si Vice kaya't hindi niya ito maabutan.

"Direk, may isusumbong ako sa 'yo!"

"Daddy Bays eehhh,"

When Vice reached Direk Bobet's office, kumatok ito ng dalawang beses bago tuluyang pumasok. Nakasunod parin sa kaniya si Klang na halata ng kinakabahan. Lihim na napapangiti si Vice while taking short glaces sa anak.

"Direk, may isusumbong ako." tila batang sabi ni Vice. Itinago naman ng bata ang sarili niya sa likod ng ama. "Pinabili ni Ana Klarisse yung standee ni Alden sa McDo. Pagalitan mo nga yan, Direk!"

"Seriously?" pilit na pinipigilan ng direktor ang pagngiti upang mas maging makatotohanan ang pananakot nila sa bata. "Is that true, little Viceral?"

Nagstep si Vice sideward upang makita ni Direk ang nagtatagong si Klang. Nagpout naman ang bata while nodding her head slowly.

"Vice, iwan mo kami ni Ana Klarisse. Kakausapin ko lang," Direk said as he winked kay Vice.

"Lagot ka," pananakot pa nito sa anak bago ito iwanan.

Pagkalabas ng office ni Direk ay walang humpay sa paghalakhak si Vice. Naiimagine niya kung gaano kacute ang anak habang kinakausap ito ng Direktor. Nang makakalma mula sa pagtawa ay natanaw niya si Karylle na naglalakad palapit sa kaniya.

"Where's Klarisse?" tanong nito when she noticed that the kid wasn't with Vice.

"Nasa loob, kinakausap ni Direk." nakangiti nitong sabi as he pulled her closer.

"Ito talaga. Lagi mo nalang pinagttripan yung bata,"

"Hayaan mo siya."

Vice leaned his back sa wall habang nakapulupot ang dalawang kamay sa waist ni Karylle. He was hugging her habang si Karylle naman ay nakasandal lang sa dibdib ng boyfriend.

"Hoy! Ang aga aga ng landian niyo!" dinig nilang sigaw ni Billy from his dressing room. "Get a room! Talagang binalandra niyo pa yang lampungan niyo!"

"Inggit ka lang! Pumatol patol ka pa kasi sa bata, ayan tuloy! Limitado lahat ng kilos niyo!" sigaw pabalik ni Vice na tila ba nang-aasar. Nakatanggap naman siya ng maliit na hampas mula kay Karylle.

"Fuck you!" sigaw ni Billy.

Sabay na natawa sila Vice at Karylle na hindi parin naghihiwalay. They both looked back nang marinig nila ang pagbukas ng pinto ng Office ni Direk. Nakita nila ang nakayukong si Klang habang hawak ang dalawa niyang kamay.

"Baby? What happened?" Karylle asked as she pulled away from Vice's hug.

"Nipagayitan ako ni Diwek po... nisumbong kasi ako nito o!" nakapout na sabi nito sabay turo sa Daddy niya. "Ba't mo ako nisusumbong?"

"Oh? Oh? Wala akong kinalaman diyan," painosenteng sabi ni Vice sabay pout.

"Nisumbong mo 'ko! Di tayo bati," yumakap si Klang sa binti ng ina as she buried her face on her legs. "Mommy, buhat mo 'ko!"

Binuhat naman ni Karylle ang anak as she was told. Klang was giving her Dad death glares na ikinatawa naman ng huli.

"Ano bang sabi ni Direk sa 'yo?" pagtatanong ni Karylle habang hinahaplos ang noo ng anak na may pawis.

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon