BDOD #17

16.2K 552 42
                                    

Pasado alas otso na ng makabalik si Vice sa hospital. After kasi ng Showtime ay dumiretso na siya sa shoot ng upcoming movie niya. He pleased their Director na paagahin ang schedule ng shoot para maagang makauwi dahil paniguradong naghihimutok nanaman ang anak. Besides, he wants to make sure na makakakain ng maayos si Karylle.

"Zia, pasensya na ha? Ngayon lang kasi natapos yung shoot," hinging paumanhin niya sa kapatid ni Karylle. Zia just smiled at him. Mabilis itong pumasok sa loob at nakita na mahimbing na natutulog ang mag-ina sa hospital bed. Klang was hugging her mom.

"Kakatulog lang nilang dalawa. Maghapon nagkuwentuhan," Zia muttered. Nakangiting ibinaba ni Vice ang bag sa Sofa bago kunin ang cellphone para makuhanan ang pwesto nila Karylle at Klang na ngayon niya lang nakitang magkatabi matulog.

"Any news from her Doctor?" Vice asked as he kept his phone. Ngumiti sa kaniya si Zia na tila nagsasabing wala naman siyang dapat ipag-alala.

"Sabi sa 'kin ni Doc kanina, they just have to make sure na walang masamang epekto kay Ate yung pagiging coma niya for three years. They'll make some tests then maybe after two weeks, pwede na natin siyang ilabas. We can continue the medication naman daw sa bahay,"

Muling ibinaling ni Vice ang tingin sa mag-ina at nakitang nakaupo na si Klang while rubbing her eyes. He immediately went near her upang mabuhat ito. Pinanggigigilan niya itong hinalikan sa pisngi. He missed her so much dahil buong araw din niyang hindi nakita ang anak.

"Oh, hi daddy!" seryosong bati ni Klang sa ama while still rubbing her eyes.

"How's your sleep, baby?" he asked. He sat down sa sofa at kinandong ang anak upang maayos ang tali nito sa buhok.

"Shalap."

"Masarap? Bakit masarap?"

"I slept with mommy eh,"

Vice smiled. Pinanggigilan ulit nitong hinalikan at niyakap ang anak na ikinatuwa naman ni Klang. The kid hugged her dad tightly na para bang ngayon lang nagkita.

"I missed you, daddy! You worked the whole day and you didn't even call me," nakapout at nagtatampong sabi ni Klang na nakayakap parin sa leeg ni Vice.

"Daddy, missed you too. Hindi kasi pwedeng gumamit ng phone si Daddy during work hours, but hey! I greeted you kaya kanina sa Showtime," he suddenly pulled away and pinched Klang's cheeks sweetly.

"Ssshh! Wag ikaw mag-make ng noise, Mommy's sleeping." the kid muttered sabay turo sa nanay niya.

"Sorry. Sorry." natatawang sabi ni Vice. "Uwi na tayo, 'nak? 9 pm na oh!"

"Can we atleast wait until Mommy wakes up?" hirit ng bata. Napailing naman si Vice as an answer. "Please Daddy?"

"Baby, hindi pwede. It's getting late na oh, and it wouldn't be safe to drive kapag nagpagabi pa tayo ng husto," napa-pout naman si Klang as she looked at her mom. "Don't worry. Wala naman akong pasok bukas so we're free to spend our sunday with mommy. Okay po ba yun?"

"You're fwee tommowow?" naka-grin na tanong ng bata. Vice chuckled before nodding. "Okay! Let me kiss mommy, first."

Vice carried Klang palapit sa mahimbing na natutulog na si Karylle. The kid bowed her head down para mahalikan ang ina sa noo. After noon ay si Vice naman ang humalik... sa ilong ng dalaga. Zia smirked upon seeing Vice's move towards Karylle.

"Zia, pasensya ka na ha? Uuwi na muna kami. Babalik din kami bukas ng umaga," Vice said.

"It's okay, Kuya Vice. Ate told me earlier na ako na daw ang magbantay sa kaniya ngayong gabi so that you could rest," lihim na napangiti si Vice dahil sa kilig nang malaman na nagccare parin pala sa kaniya ang dalaga. "You're smiling, kinikilig ka?"

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon