BDOD #13

13.1K 476 57
                                    

Bright lights.

Flowers and fruits.

Styro of foods.

A man who's sleeping with his face, buried on the side of the bed.

And a pair of hands, holding hers.

Nagising si Karylle nang maramdaman na hindi niya maigalaw ang kamay dahil sa higpit ng pagkakahawak ng kung sino mang nilalang. She looked at her side at isang pamilyar na buhok ang bumungad sa kaniya. His scent also gave her the idea kung sino ang lalaking nasa tabi niya.

Her Vice.

She tried to remove her hand mula sa pagkakahawak ni Vice na naging dahilan naman ng paggising ng binata. He rubbed his eyes at nang makitang nakadilat na si Karylle ay natigilan ito. Saglit na nagsukatan ng tingin ang dalawa.

"Uhm... o-okay ka lang? Nagugutom ka? Nauuhaw? Karylle, may masakit ba? Kanina ka pa ba gising?" natatarantang tanong ni Vice na kinuha ulit ang kamay ni Karylle. "Huy? Anong nararamdaman mo? May masakit ba? Nagugutom ka ba? Karylle magsalita ka..."

"O-kay ako," nahihirapang sagot ng dalaga na bahagyang ngumiti to prove na okay lang siya. "Z-zia?"

"Umuwi si Zia, uhm... babalik din daw siya," tila nahihiya nitong sagot. Karylle slowly removed her hand mula sa pagkakahawak ni Vice at mapait na ngumiti.

"U-uwi ka na. Kaya ko naman,"

Vice felt a pang of pain on his chest dahil sa narinig. He saw it coming. Alam naman niyang kapag nagising si Karylle ay malamig ang magiging pakikitungo nito sa kanya; dahil narin siguro sa ginawa niya bago pa man ito mawalan ng malay.

"Hindi mo naman ako kailangang paalisin, K." he muttered sadly as he reached for her hands once again.

"Y-you dont have to stay naman. I can handle..."

"You can handle? Pagsasalita nga nahihirapan ka tapos sasabihin mong, you can handle? Wag ako ang lokohin mo, love."

Vice tried to lighten up the atmosphere dahil alam naman niyang malalang 'awkwardness' ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa. He stood up and went sa harap ng table na puno ng prutas. He peeled one orange and apple para maipakain sa dalaga.

"V-Vice naman..."

"Karylle, aalis din ako mamaya Susunduin ko pa si Ana Klarisse. kaya kung gusto mong makita yung anak mong naknakan ng kulit at ganda, kainin mo 'to..."

-.-.-.-.-

"Karylle, aalis muna 'ko ha? May sakit kasi si Terrence..." nagmamadaling sabi ni Vice habang isinusuot ang plain white shirt niya. "Babalik din ako mamaya,"

"Mag-iingat ka ha?"

"Kapag may kailangan ka, andiyan naman si Jackie. Wag kang akyat-baba sa hagdan ha? Baka kung mapano ka..."

Vice smiled at her. He kissed her on the top of her head bago ito tuluyang tumakbo palabas ng bahay. Naiwan namang nakasimangot si Karylle habang nakasapo ang dalawang kamay sa tiyan na siyam na buwan na niyang inaalagaan.

Time flew fast until 12 midnight came. Ang kanina pang naghihintay kay Vice na si Karylle ay halos mamuti na ang mata. Pinanghawakan niya kasi ang sinabi nito na babalik din siya 'mamaya' ngunit tila nakalimot ito sa pangako niya.

The next morning, Karylle woke up around 10 am at nang bumaling siya sa gilid ay unan parin ang katabi niya, meaning hindi parin umuuwi si Vice. She sighed. Bakit pa nga ba siya aasang uunahin siya eh mas importante naman para kay Vice si Terrence.

"Ma'am Karylle?" pagtawag ni Jackie from outside habang kinakatok ang pinto. "Ma'am?"

"Bukas yan, Jackie."

Karylle stood up at kasabay naman noon ang pagbukas ng pintuan at pagpasok ni Jackie.

"Tinawagan po kasi ako ni Sir Vice. Hindi pa daw po siya makakauwi kasi malala daw po sakit nung kaibigan niya," pagbabalita nito. Muling napabuntong hininga si Karylle dahil sa narinig. "Naihanda ko na po yung breakfast niyo,"

"Sige Jackie. Bababa na 'ko," Jackie smiled at her. Palabas na sana ito ng pintuan nang tawagin ulit siya ni Karylle. "Jackie, pabili naman ako ng donut oh. Please!"

"Sige po, Ma'am."

//

Habang hinihintay ang donut na pinabili niya kay Jackie ay pinili na munang manuod ni Karylle sa Sala. Nakaugalian na niyang manood ng English Cartoons every morning dahil isa iyon sa payo ni Zsazsa. Makakatulong daw kasi iyon sa batang sinapupunan niya.

Tatayo na sana niya nang maramdaman niyang may kakaibang sakit na namumuo sa bandang puson niya. She felt as if her tummy would fall anytime. Muli siyang umupo at hinintay mawala ang sakit. Pero imbis na mawala ay tila lumalala ang sakit na nararamdaman niya. Sabayan pa ng butil-butil na pawis sa mukha niya.

"Jusko, manganganak na 'ko..." mangiyak-ngiyak na sambit niya habang pinipigilan ang sakit. "Vice please... please nasan ka na,"

Ramdam niya ang pagputok ng panubigan at mabilis na pag-agos ng tubig sa kaniyang paanan. Mula sa pagkakahawak sa tiyan ay inilipat niya ang kapit sa armrest ng sofa na kinauupuan niya. Sinubukan niya naring abutin ang cellphone na nakapatong sa lamesa ngunit masiyado itong malayo sa lugar niya.

"Vice... please!"

//

"Hello Jackie?"

"Sir... Sir Vice," nangangatog na sambit ng kasambahay na mabilis niyang pinagtaka.

"Jackie, ano ba? May ginagawa pa kasi a--

"Si Ma'am Karylle po isinugod namin ni Roger sa hospital... s-si--

"SAANG HOSPITAL KAYO?"

Nagpapanic na pinatay ni Vice ang kalan bago tumakbo paakyat ng kwarto para makapagpalit ng damit. Once nakuha niya ang address ng hospital ay agad agad na siyang umalis.

When he arrived sa hospital, isang suntok ang sumalubong sa kaniya mula sa ama ni Karylle. Napasapo siya sa panga ngunit pinili nalang niyang manahimik dahil alam naman niyang malaki ang pagkakamali niya.

"Ang kabilin-bilinan ko sa 'yo, wag na wag mong pababayaan ang anak ko!!!" bulyaw nito na akmang susuntukin ulit si Vice.

"S-si Karylle? A-anong nangyari?" pigil luha nitong tanong na ibinaling ang tingin kay Jackie. "Jackie... anong nangyari?"

"P-pinabili po kasi ako ni Ma'am Karylle ng donut... tapos pagbalik ko, wala na siyang malay..."

"Oh god..." napa-facepalm nalang si Vice as he leaned his back on the wall. Rinig niya ang pagbukas ng pintuan ng Operating Room.

"Mr. Viceral..." mabilis na nilapitan ni Vice ang Doctor upang makibalita. "I already warned you. Ilang beses kong sinabi na masiyadong sensitibo ang pagbubuntis ng partner mo at kailangan niya ng matinding pag-aalaga. What happened? Bakit hindi niyo siya naidala agad sa hospital?"

"W-wala po kasi ako sa bahay..."

"Natuyuan ng tubig si Ms. Tatlonghari and it would be honestly hard for us to save your partner and your daughter's life. Sa ngayon po ang magagawa muna niyo ay ang magdasal..."

-.-.-.-.-

KINGINA! HINDI KO MATAPOS TAPOS TONG CHAPTER NA 'TO DAHIL HANGGANG NGAYON HINDI PARIN AKO MAKAMOVE-ON SA PAGHALIK NI VICERAL KAY KARYLLE! ANXHAOSNDHXOCN

PASENSYA NA! ITO LANG TALAGA KINAYA NG UTAK KO JUSKO! WALA AKONG IBANG MAISIP KUNDI YUNG HALIK!

BALIW NA YATA AKO PISTI

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon