BDOD #24

13.7K 464 28
                                    

Lumipas ang ilang oras nila Vice, Karylle at Klang dahil sa kalilibot sa Park Zones, Attractions and Rides sa Enchanted Kingdom. Sa sobrang tuwa at enjoyment na nararamdaman ay hindi na namalayan ni Karylle na naconsume na pala ang buong araw niya at nakalimutan na ang dapat ay meet up nila ng kaibigang si Yael.

Alas siyete na ng gabi when Karylle decided na umuwi dahil lupaypay narin ang anak sa sobrang pagod at antok. Consistent naman si Vice sa paghawak ng kamay ni Karylle dahil sa katwiran na baka mawala ito.

"San tayo? Condo mo?" Vice asked while driving. Mabilis namang tumango si Karylle na nakaupo sa front seat habang kandong kandong ang natutulog na anak.

"Dun ka ba matutulog?"

"Pwede ba? Then uuwi nalang ako bukas ng umaga para makakuha ng damit for showtime," tumango nalang ulit si Karylle as an answer. "Pano nga pala yung usapan niyo ni Yael?"

"He didn't text me naman so I guess hindi rin talaga matutuloy yung meet up?"

Kahit nilalamon ng guilt ay hindi nalang din nagsalita si Vice dahil baka magalit pa sa kaniya ang dalaga kapag sinabi niya na Yael really texted her pero siya lang ang nagreply.

Sa mahigit isang oras na biyahe ay hindi narin napigilan ni Karylle ang antok kaya't nakatulog na ito sa sasakyan. Vice tried his best na ingatan ang pagddrive para hindi magising ang himbing ng pagkakatulog nila Karylle at Klang.

They got home at exactly 9 pm. He slowly woke her up para hindi ito mabigla. Ipinasa naman ni Karylle ang anak kay Vice dahil narin sa pangangalay sa dalawang oras na nakakandong sa kaniya ang bata. She got their things at siya na ang nagbuhat paakyat ng room.

"You can take shower Vice, bibihisan ko lang si Klarisse." Karylle said. Napalingon naman sa kaniya si Vice na naghahanap ng damit sa bag niya.

"Ha? Inaantok ka na eh, ako na ang magbibihis kay Klang tapos saka na ako magsshower,"

"Nope. I can handle. Magshower ka na,"

Hindi na nakipag-argue pa si Vice at kinuha nalang ang damit pantulog before going inside the shower room. Si Karylle naman ay mabilis na binihisan ng damit si Klang. She also changed her clothes into her shirt and pjs.

Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi parin lumalabas ng shower room si Vice. Nagtataka naman si Karylle na gusto ng katukin ang binata to ask if he's okay. Baka kasi nalunod na. Nahiga nalang ito sa tabi ng anak and conditioned herself to sleep.

After taking half-bath for almost an hour, Vice went out wearing his plain white-shirt and blue stripes boxers. Nagdahan-dahan naman ito sa paglalakad nang makita na mahimbing na sa pagkakatulog ang mag-ina. He stood sa may gilid ng kama at let his eyes stared at them.

"Ganda ng mag-ina ko," he grumbled with a smile.

Matapos ang ilang minutong pagtitig kila Karylle ay lumabas ito ng kwarto and went directly at K's kitchen to get some water pero sadyang hindi talaga siya dinadapuan ng antok so he decided to sit for some minutes while playing the glass.

Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng footsteps. Lumingon ito sa pintuan and he saw Karylle na nakatayo doon at nakatingin sa kaniya. Malambing itong ngumiti sa dalaga.

"Ba't nagising ka?" Vice asked sabay inom ng tubig.

"I thought you're still inside the shower room but when I checked, wala ka don so I went here... nagugutom ka ba?" tanong nito while walking towards him. She was about to check the fridge to get some foods na iinitin dapat niya when Vice pulled her hands to stopped her.

"Hindi na. Hindi naman ako nagugutom," he muttered habang hindi parin inaalis ang pagkakahawak sa kamay ni Karylle. "Hindi lang talaga ako makatulog,"

"Why? Aren't you comfortable sa sofa? Pwedeng ako nalang ang matutulog dun..."

"And you think I'd let you sleep there? Hindi ah," Vice was about to pull her closer nang itukod ni Karylle ang free hand sa edge ng table to stop Vice.

"Vice, we're just trying to be okay for Klarisse. Wag kang umarte na para bang wala lang sakin lahat ng nangyari." Karylle took her hand back abruptly. Napasapo naman sa noo si Vice na hindi alam kung paano magsisimula.

Nanatiling nakatayo si Karylle sa gilid ni Vice, waiting for him to say something habang si Vice naman ay nakayuko lang while trying to think on how he would start apologizing.

"I'm sorry," he suddenly grumbled. Alam naman niyang darating at darating talaga sila sa puntong they have to talk about this issue... pero hindi siya handa. "I'm sorry."

"I'm sorry? That was all you can say?" Karylle sarcastically muttered. She crossed her arms and chewed her lower-lip to detain herself from exploding. "I spent my three years on that bed sleeping... then you would just say I'm sorry? Seriously?"

Nagsimula ng makaramdam ng pamimigat sa dibdib si Karylle nang hindi siya nakakuha ng kahit anong response from Vice. She felt as if wala lang ito para sa binata and that he didn't even regret leaving her and choosing Terrence over her.

"You chose him over me..." puno ng hinanakit na sabi ni Karylle. Hindi parin nagsalita si Vice kaya't tila mas lalong napikon ang dalaga. "I almost died... pero parang wala lang para sa 'yo. Ni wala nga akong nararamdaman na kahit anong pagsisisi mula sa 'yo eh. Tapos sorry lang?"

Karylle's voice started to crack. Nag-worry naman agad si Vice kaya mabilis itong tumayo at hinarap si Karylle. He tried to reach for her hands ngunit mabilis lang din itong iniiwas ng dalaga. Nang makakuha ng tiyempo ay hinigit niya si Karylle upang mayakap ng mahigpit.

"H-hindi ko ginusto yung nangyari, K." puno ng pagsisising bulong ni Vice sa dalaga habang ninanamnam ang pagkakataon na nakayakap siya rito. "I'm sorry,"

Naramdaman ni Vice ang marahang pag-iling ni Karylle pati ang pagttry nitong makawala sa pagkakayakap niya. He slowly pulled away and was about to cupped her cheeks nang itulak siya nito. She gave him a sarcastic smile before walking out of the kitchen. Vice was left feeble-minded. Nang makabalik sa ulirat ay napasabunot nalang ito sa sarili sabay sipa sa stool na kanina lang ay kinauupuan niya.

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon