BDOD #23

16K 508 67
                                    

It's sunday today and Vice cleared all his schedule para mailaan ang buong araw na kasama ang mag-ina. He promised Klang kasi na they'll go out with Karylle since this is the first time na magkakasama silang lalabas mula nung madischarged si K sa hospital.

Klang slept sa bahay ni Vice bilang yun naman ang usapan nila ni Karylle. Sabado at Linggo magsstay ang bata sa bahay ng binata at babalik ulit kay Karylle kinabukasan.

"Ready na ba yung prinsesa ko?" nakangiting tanong ni Vice habang pinagmamasdan ang anak na nakatungtong sa upuan upang maabot ang salamin. She was combing her hair. "Ganda naman oh,"

"Daddy, Ana Kyawisse is weady!" sigaw nito with a wide smile. She spread her arms. "Daddy, baba mo 'ko."

Instead na ibaba ay binuhat nalang ni Vice ng tuluyan ang anak as he gets their things para makaalis na. While walking down the stairs ay walang habas na pinaghahalikan ni Vice ang anak all over her face.

"Ginamit mo nanaman yung pabango ko no?"

"A wittle bit. Hehe!" the kid adorably smiled.

Ipinasok ni Vice ang anak sa loob ng sasakyan bago niya ilagay ang bags nila sa backseat. After that ay pumasok narin siya at inayos ang seatbelt ni Klang before niya iistart ang engine ng sasakyan. Tahimik lang na pinapanuod ng bata ang ama nang bigla itong may naalala.

"Daddy, I want to wide again sa may uod." nakangiti nitong sabi. Bahagya naman siyang tinignan ni Vice bago muling ituon ang atensyon sa kalsada.

"Anong uod? Kailan ka pa sumakay sa uod?"

"We wide sa may uod, daddy!" pagpipilit parin nito na sinubukan pang kalabitin ang ama para tumingin ito sa kaniya.

"Huy! Ano bang pinagsasabi mo? We can't ride on an uod, baby. It's too small," pagpapaliwanag nito. Hindi mapigilan ni Vice na mapailing dahil nagsisimula nanaman yatang mag-imagine ang anak.

"No! We weally wide sa uod, daddy--

"Baby, listen to me. We can't ride sa uod okay? Masiyadong maliit ang uod, anak."

"Hmp. K!" sagot nalang nito na nag cross pa ng arms to show na nagtatampo siya. "But we weally wide sa uod. It's cowor pink and it bwought us t--"

"Hay nako!" nangungunsiming sambit ni Vice na hindi nalang nakipagtalo sa anak.

-.-.-.-.-

"Sige anak, press that button para pagbuksan tayo ni mommy." utos ni Vice sa karga-kargang anak na agad naman nitong sinunod.

Nang marinig ni Karylle ang pagtunog ng doorbell ay tumayo ito mula sa pagkakaupo sa harap ng salamin upang mabuksan ang pinto. She smiled nang makita ang anak na nakangiti din sa kaniya. Mabilis itong nagspread ng arms kaya't kinuha niya ito mula sa pagkakabuhat ni Vice.

"Nakaayos ka na pala?" Vice said. Tumango lang naman ang dalaga as they walk papasok sa loob ng Condo. "Are you ready?"

"Where are we going ba?" tanong ni Karylle bago ibaba ang anak sa Sofa para maipagpatuloy ang pag-aayos sa sarili. "Imi-meet ko kasi si Yael mamaya,"

"Isisingit mo talaga yan ngayong araw na 'to?" seryosong tinitigan ni Vice si Karylle. "Akala ko ba we're going to spend this day with Klang?"

"Oo nga. Hindi naman matagal yung pag-uusapan namin ni Yael eh," katwiran nito. Vice irritatedly shook his head and sarcastically smirked.

"You can talk over the phone. Bakit kailangang magkita?"

"It's about work. Ang pangit naman kung sa phone lang kami mag-uusap diba?" depensa pa nito na hindi magawang tignan si Vice. Nang matapos sa pag-aayos sa sarili ay binalikan nito ang anak na nakatayo lang sa Sofa at pinagmamasdan silang dalawa.

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon