Chapter 3 : The Keeper and The Wind

113K 3K 384
                                    


[ R E N N E I ' S  P O V ]




Komportable kong inihiga ang sumasakit kong likod sa malambot at malaki kong kama. Inilatag ko rin ang tila kumikirot kong mga binti at mga braso na kung malalaman mo lang ay hindi naman talaga nagamit ng husto. Para kasing nanghihina ang buong katawan ko sa lahat ng nalaman ko kanina. Hindi ko na alam kung ano ang una kong iintindihin. Ang kaligtasan ng lahat o ang buhay ni Alex na nangangambang matapos sa loob lang ng twenty years. 



Imposibleng makuha nila si Alex sa ganitong panahon at sitwasyon. Ngayon na kailangan mo pang daanan ang hindi mabilang na mga tauhan ng pamilya nila at ng amin, ngayon na mas dumami ang mga mafia na sumusuporta at nagpapasakop sa pamamahala ng mga Vantress at Cromello, imposibleng makalapit sila. Isa pa, tiniyak ng ama ni Spade na mas humigpit ang seguridad sa pamamahay nila. Pinapalitan nila lahat ng salamin into bulletproof glass para lang masiguro na kahit man i-ambush sila mula sa labas ay walang masasaktan sa loob. Pinayagan din ni kuya Xander na manatili ang mga personal reapers niya sa tabi niya. Kapag pinagsama sama mo ang lahat lahat ng pwersa na ito, ni isang hibla ng buhok ni Alex ay hindi nila mahahawakan kahit kailan. Hindi kaya ... 



"There's another method that they can use if they can't get their target. I don't know what kind of experiment they did pero one day, when I was on a mission, I found her drawing her sword against me. Hindi niya na ako nakikilala. Wala kang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha niya. Nagbago ang kulay ng mata niya. Pinapalibutan siya ng mga makabagong gamit at sandata. Nag-iba din ang tono ng pananalita niya. But what really surprised me is that, she somehow mastered swordmanship, driving, archery, martial arts, etc. You see, my mom is a damsel in distress. She's even physically weak eversince she was born. That time, naisip ko na ... hindi na siya ang nanay ko. Para bang ni-reformat nila ang utak niya. Damn that council." 



Ibig sabihin ba noon, may posibilidad na maging ganoon si Alex? No ... no way in hell. Nawala na sa kanya dati ang alaala niya for almost 11 years tapos mawawala ulit 'yun sa kanya ng dahil lang sa pesteng blood disease na iyon? Fuck. 



Napabalikwas naman ako at napabangon kaagad ako nang tumunog ang cellphone ko na nakapatong side table ko. Napabuntong hininga naman ako at iniabot ito para tignan kung sino ang nagpadala ng message. 



Marc 

 


Tinap ko ang inbox icon sa phone ko at saka binasa ang kakapasok pa lang na message. "Go out a bit. The usual." tanging ang mga salitang ito lamang ang laman ng message. Gayunpaman ay tumayo ako para kunin ang jacket ko upang lumabas tulad ng pinapagawa niya sa akin. 



Marami siguro ang di nakakaalam at sa tingin ko wala ring nakakapansin sa mga kaibigan namin na malapit kami sa isa't isa. Masasabi kong mas nakilala ko si Marc ng lubusan noong mga panahon na binantayan ko siya nang dahil sa sobrang pagod niya sa pag-eensayo sa swimming noong may kompetisyon sa pagitan ng mga elite schools. 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon