Special Chapter #1 (Men's Talk)

93.9K 2K 353
                                    

A

uthor's Note: I'll be posting the special chapters first before the final part of the epilogue. I'm not delaying it because I want to hang the story but no. Sabihin na nating hindi ko pa kaya magmove on sa MAOG at TOC kaya ganito. I have decided if were going to have a third book or not. However, gusto niyo ba? At saan niyo gusto tumakbo ang story. Comment down please. Valor's narration for the last part of the epilogue is cancelled. It started from Alex so it will also end with Alex. Kaiyak naman ito. Jusko. I also want to inform everyone that the first book will undergo a revision/editing state. Pero hindi ko tatanggalin. So I suggest everyone to re-read it once I'm done. Sa mga hindi pa nakakasali ng group at nakakasilip sa page, check out the links on my profile! Thank you for those who read Ties of the Red Ribbon! Sana i-try niyo rin! :) 


****


Special Chapter #1: Men's Talk (Set on the time about two weeks before the wedding of Alexandria Cromello and Spade Vantress) 



[ M A R C ' S  P O V ]



"Putaragis n-na 'yan! Nasaan na b-ba si pareng Vlad?" halos wala sa sariling tanong ni Jonathan habang nakaupo kaming mga lalaki rito sa isang mahabang lamesa na inihanda sa amin ng crew nitong bar na pagmamay-ari ni Achilles. 



Iniisip ko nga kung paano ako nasali rito eh. Tumigil na ako sa ganitong gawain eh. Anak naman ng pating oh. Pero ewan. Siguro dahil kanina pa kami rito kaya nabubuhay na naman ang active hormones ko sa katawan at nagsisimula na naman ako magtransform or more like bumalik sa dating ako. Lord, 'wag naman po. Hindi pa nga alam ni Rennei ang nararamdaman ko para sa kanya tapos magloloko na naman ako. 



"Kanina ka pa inom nang inom, Nathan. If you can't drink anymore, just get the hell out of here" Oops. Hay, mapapabuntong hininga ka na lang talaga. Iisa lang naman ang rason ng lahat kung bakit kami naririto. Kitams? Pati si king, nagkakaganyan. Aburidong aburido. Mas lalong naging bugnutin at pikon. Partida, ikakasal na sila ni Alex next next week. 



Tinatanong pa ba kung ano ang problema? 



Edi babae. 



Oo, inaamin ko. Namomoblema rin ako. Kayo kaya magkagusto sa isang Renneisme Martin? Sobrang hirap, sa totoo lang. Kung gaano siya kadaling mahalin, ganoon din naman siya kahirap suyuin. May pagkamanhid kasi minsan eh. Lapitin din ng lalaki. Matalino at wais pa. Magtatanog pa lang ako kung pwede ako bumisita sa kanila o yayain ko umalis man lang, may nakaready na na sagot. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko kung paano ko pa ipapaalam 'tong letcheng pag-ibig na ito. Kidlatan na lang sana ako. 



Nahablot ko na lang talaga ang bote ng beer na iinumin pa lang sana ng katabi kong si Alexis at ininom ng diretso. Pati ako nalululong lang lalo sa problema ko tulad ng mga gagong ito. Dapat talaga hindi na ako sumama eh. Kung hindi lang ako tinapatan ni Ed ng baril kanina, nako baka nasa bahay ako ngayon at kinukulit si Rennei. Napansin ko naman na napailing-iling na lang sa akin si Alexis at nagtaas ng kamay para tumawag ng waiter. 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon