Chapter 37 : Black Book

75.7K 2.4K 403
                                    



[ S K Y ' S  P O V ] 




"Ano po, mom? Natatandaan niyo pa po ba kung paano basahin ang librong 'yan? Ayon po kasi sa tradisyon ng pamilya, hindi pwedeng turuan ang mga lalaking miyembro ng pamilya o ni tingnan man lang ang loob niyan. Bakit po ba parang sobrang halaga niyan noon pa lang?" pang-uusisa ko habang pinagmamasdan ko si mom na nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard habang pinagmamasdan ang laman ng librong tinutukoy ni Alex sa akin ilang taon na ang nakakaraan.



Sa totoo lang, medyo nawi-weirduhan pa rin ako sa tuwing tumitingin ako sa mom ko. Dahil nga namatay siya nang ipinanganak niya ako, siyempre hindi ko talaga alam ang itsura niya. May mga pictures at paintings, oo. Pero lagi ko ring nakakalimutan ang mukha niya at minsan ay sadyang hindi ko na ito sinisilip pa dahil masakit para sa akin. Masakit kapag nakikita ko ang mga larawan niya dahil napapatanong ako kung bakit hindi ko siya nakita. Kung bakit puro larawan lang ang mga bagay na makakapagpaalala sa kanya sa akin. At ngayon, nandito na siya. Hindi na ako nangangarap. Hindi na ako nag-iilusyon. Hindi na ako nananaginip. Talagang nandito na siya. Buhay na buhay at mas mukha pang bata kaysa sa akin. It's really weird and a bit awkward to meet your mom if her looks is still for someone who is on their mid-20s. I admit, my mom is really beautiful. Just like Aunt Xandra and Alex. But the three of them have three things in common. They're beautiful, smart, and most of all, mysterious. Minsan talaga napapatanong na lang ako na bakit ganito ang angkan namin. Tch. These problems are a pain on the ass. 



Napansin ko naman na tila ba nalibang na ang mom ko sa kakalipat ng pahina sa may libro. Halos humaba na ang mga leeg namin ni Xander at Axel doon sa tinitingnan niya dahil nga ayaw pa rin niya magsalita. Napabalik naman kami sa mga upuan namin nang biglang dumapo sa amin ang tingin ni mom. "Tsk. Tsk. Curious, huh?" nasambit niya. Pero napabuntong hininga na lang siya nang muli niya ibalik ang kanyang pokus sa libro. 



Tatlo lang kami nina Axel at Kuya Xander na pumasok dito sa kwarto ni Mommy Edeline samantalang naghihintay naman sa labas ang ibang tauhan. Halos kasama lang namin sila kahit saan kami magpunta dahil nga hindi pa rin nawawala ang banta sa aming kaligtasan. Lalo na at tatlong araw na ang nakakalipas simula nang makabalik kami rito sa mansyon. Sa tulong ng advanced knowledge at equipments ng mga doktor ng pamilya namin ay magaling na si Vladimir samantalang si Marc naman ay umaayos na rin ang pakiramdam. Si Rennei naman ay balot pa rin ng benda sa ang kaliwang braso niya dahil sa ginawang pangtotorture ng mga tauhan ni Sean sa kanilang mga babae. May sugat din siya sa may malapit sa kilay at sa tuhod. Siguradong kapag nakita ito ni Marc, magwawala iyon. Dinaig niya ang ama ni Rennei dahil ni lamok talaga ay ayaw niyang pinadapo sa asawa niya. Kapag natamaan nga naman talaga ng pag-ibig si playboy. 



Even so, she insisted on helping us with the preparations for our attack on the council's hideout. During the three days of recovering, we already found the complete set of the blueprints for the whole area surrounding the council's hideout. Right now, we are already on the level of organizing our men and agents for the upcoming threat of bloodshed. The preparations are almost complete. I guess it will just take another two to three days to give the signal of the start of the war that Sean started many years ago. 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon