Chapter 16 - The Council's Method

67K 2.2K 183
                                    


[ M A R C ' S  P O V ] 




"What?!" sabay sabay naming sabi nang tuluyan nang pumasok sa isipan namin ang lahat ng mga salitang binanggit ni Dereen. To get Dereen to defend him and all. That serious expression that Dereen has showed. She's not lying nor making excuses. 



He's a Cromello? Moreover, he's Alex's twin? But, how could that be? Hindi ba't si Alex at Xander lang ang mga anak ni Alexandra Dela Vega at Kristoffer Cromello? Paanong nangyari na isa siyang kadugo ng mga Cromello? Pero para panigan siya nina Dereen, Fiacre, at Rennei, sigurado akong kinumpira muna nila ito bago siya paniwalaan, hindi ba? 



"Uncle!" narinig kong mga sigawan nila at agad na dumako ang tingin ko kay Uncle Johan na nakahawak na sa kanyang dibdib. Napatayo naman kaagad ako at dinaluhan din sila. Nanlalamig ang mga kamay niya. Ramdam ko ang mga kulubot nito at ang panginginig nito. Ngunit mas ikinasurpresa ko ang pagtulo ng mga luha. 



Hindi ko maiwasan na mapatingin sa mukha ni uncle na may bakas ng pagsisisi at pangungulila. Hinapyawan ko ng tingin kung saan nakapako ang mga titig niya at nalaman ko na na kay Axel ito. Gayundin naman si Axel. May malungkot siyang mukha at tila maraming gustong sabihin ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang matanda. 



Is it really true? 



Kahit na ba si Kuya Xander ay may kunot na noo na ngayon at hindi alam ang gagawin. Halata na bago sa kanya ang mga narinig. "Uncle, is it true? Is he really Alex's twin?" nakita ko na nakakuyom ang kamay niya habang tinatanong ito. Masyadong mahirap basahin ang isang tao kaya't hindi ko malaman kung galit ba siya o kung hindi ba niya matanggap ang sinabi ni Dereen. 



Pero umiyak nang umiyak lamang si uncle. "Or you are lying?" tanong naman ni Xander. Pinangsingkitan niya ito at ambang susugurin na nang biglang abutin ni uncle ang kamay niya upang pigilan ito sa pagkilos. Tila nagmamakaawa ang matanda nang magtagpo ang mga mata nilang mag-tiyuhin. Kahit na ba parang labag sa loob ay huminahong muli ang kanyang pamangkin. 



At sa hindi namin inaasahan ay may tinig na siyang naglinaw ng mga bagay na malabo pa rin para sa amin. "A-Axel ... p-pamangkin k-k-ko. Patawarin m-mo ko kung inilayo k-kita s-sa amin. L-lubos kong pinagsisisihan a-ang ginawa ko. S-salamat sa Diyos at l-lumaki ka ng maayos. Pa-- patawad." Uncle Johan pleads that made us shocked. Maliban sa nakakaya na muling magsalita ni uncle ay nasusubukan na niyang gumalaw pa lalo at tumayo kahit na ba niyayanig siya ng kahinaan ng kanyang katawan. 



So, it is really true. What Dereen revealed is real. Axel is really a Cromello and Alex's twin! 



Walang pag-aalinlangang lumapit si Axel sa matanda upang pigilan na ito sa pagpilit sa sarili lalo na at naging isang malaking progreso ng kanyang paggaling ang nakita namin ngayong araw. Kahit papaano ay nakahinga na kami ng maluwag dahil sa ilang taong pagkatahimik ay muli ng lumabas sa kanyang lungga si Uncle Johan. Ang sakit ng pagkawala ng kanyang isang pamangkin ay nagawang hilumin ng isang nagbabalik na pamangkin. 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon