Chapter 26 - Welcome Back

74.6K 2.2K 366
                                    


[ A L E X E I ' S  P O V ] 




"Kuya, sa tingin mo, ano kaya ang motibo ni Uncle Sean para patayin sina Ninong Keith at Ninong Kane?" mahinahon ngunit nangangambang pagtatanong sa akin ni Finn habang nakaupo sa passenger seat samantalang ako naman ang nasa harap ng manibela at ang bunso naming kapatid naman ay mahimbing na natutulog sa backseat.



Pinayagan ako nin dad na hiramin muna ang isa sa mga kotseng dating pagmamay-ari ni mom sa araw na ito dahil ngayon ang kaarawan ko. Sa susunod naman na buwan, si Finn naman ang magdiriwang sa kaarawan niya. Ako na ang mismong nagsabi kay dad na hindi ko na kailangan ng kahit anong engrandeng handaan. Kahit kaunting salo-salo, sapat na. Ginanap namin iyon kanina bago kami umalis na magkakapatid. Mahirap na at baka magtampo ang mga tita, tito, ninang, at ninong namin. 



"Tch. Hindi ko rin alam, Finn. Kahit ako naguguluhan at hindi ko alam kung ano ang papaniwalaan ko. Napapansin ko rin na napapadalas na ang pag-alis ng ilang tauhan natin kasamang ang mga tita, tito, ninang, at ninong natin. Nakakapagtaka pa ang mahabang nilang pamamalagi sa mansyon. Well, hindi naman sa ayaw sa kanila pero hindi ba't sa simula, may kanya kanyang silang mga inaasikaso? It's somehow unusual to see all of them gather in one place." pagsasabi ko naman ng mga naiisip ko. 



Hindi naman kasi ako manhid at tanga para hindi mapansin ang lahat ng iyon mula sa umpisa. Noong araw na naaksidente si Aunt Rennei, narinig ko na ang pagsisigawan nila sa office ni dad. Matapos isugod sa ospital ni Aunt Rennei, bigla ko na lang narinig sa mga tauhan namin na ililipat siya sa mansyon para magpahinga samantalang mananalagi din sa amin ang lahat ng katropa nina mom at dad. At first, I thought it was just a simple reunion but it turns out to be not. Those people who were my parents' friends and relatives, they were all related to organizations, mafias, and gangs. How could I not think of something worse? 



Nabalik naman ako sa wisyo nang marinig ko ang pagbuntong hininga ni Finn sa tabi ko. "But isn't it surprising? For Uncle Sean to do that kind of thing. Even though our parents already prepared our mentality if we were happened to encounter something like that someday, it's still quite a nervewrecking scene. After all, he is dad's only brother. A righteous man who has unpredictable but justified decisions." pailing iling na banggit ni Finn habang magkasalubong na ang kanyang mga braso. 



Napatutok na lang ako sa kalsada. Wala masyadong tao ngayon. Iilan lang din ang mga sasakyang nararaanan namin. Balak ko kasing dalhin ang mga kapatid ko sa lugar kung saan nagsimula ang pagkakaibigan ng mga tito, tita, ninong, at ninang ko. Mhorfell Academy. Ang eskwelahan na ang sabi sa akin ni Aunt Rennei ay orihinal na pagmamay-ari ng pamilya nina Ninong Juno, Tita Janice, at ng pamilya ng mga Dela Vega na maternal family ng nanay namin. 



Sa pagkakaalam ko, nasa pangangalaga pa rin ito ni Aunt Janice. Which means, nasa puder pa rin ito ng mga Cromello at Dela Vega. Gusto ko rin kasi na ipakita at maikwento pa lalo kay Valor ang mga masasayang memorya roon ng magkakabarkada. Napasulyap tuloy ako sa rearview mirror at nakita ko na mahimbing pa rin ang tulog ni Valor. His sleeping face sure resembles mom's. 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon