Chapter 35 : Origin

64.6K 2.2K 321
                                    


[ S P A D E ' S  P O V ] 



"Anong s-sabi mo? My brother is in love w-with my w-wife?" garalgal na boses kong sambit nang tuluyang magsink-in sa utak ko ang mga bagay na binunyag niya sa akin. Pero kahit ilang beses ko pa ipa-ulit ulit sa utak ko, parang hindi ko pa rin matanggap. Parang hindi ko pa rin lubos maisip na sa loob ng maraming taon, si Sean ... may gusto kay Alexandria. 



Tinitigan ko lang ang babaeng nagsiwalat sa akin nito. Pinagmasdan ko kung paano siya muling huminahon at ang pagkalma niya sa sarili niyang emosyon. Hindi ko siya minadala para sa sagot na kailangan ko. Ilang sandali pa ay dahan dahan siyang tumalikod sa akin upang kunin ang isang upuan malapit sa may lamesa at dinala ito sa tabi ng side table. Nabakas ko na talagang nilagyan niya ng distansya ang pagitan namin. Kahit sa maliit na aksyon na ito, nakita ko na mukhang mali ang first impression ko sa kanya. 



Kahit habang papaupo ay napansin ko pa ring pilit niyang kinakalma ang sarili niya kaya naman naghintay na lang ako mataman. Halos nakayuko na lang ako at nakikipagtitigan sa carpet nang muli siyang magsalita, "Y-yes. It is my first night as his duchess when he visited me here ... in this room. I was very glad that time because somehow, I felt special. I have admired the judge for eversince he became the judge. I did everything for him. I did everything he told me to do. Without complain. Without making faces. Just an absolute yes. But, you know what? He refused to you know ... with me. He just spent that night here but nothing happened. Ang akala kong special night, nasira dahil sa buong gabi na iyon, puro si Alex lang ang bukambibig niya. Kahit hanggang sa pagtulog niya, pangalan ni Alex ang sinasambit niya." lakas loob niyang pagsisimula ng pagkekwento. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot, sakit, at ang pagmamahal na talagang para lamang kay Sean. 



Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa kukote ng kapatid ko pero talaga bang nagawa niyang gawin ito sa hindi mabilang na mga babaeng nagdaan bilang duchess niya? At bakit si Alex pa? Bakit si Alex pa na sister-in-law niya ang nagustuhan niya? All this time, he hid this from all of us. Sa mga panahon noon na nakikita ko ang mga ngiti niya kasama si Alexandria, akala ko nagkakamabutihan na sila bilang magkapamilya at akala ko iyon na ang talagang pagpapatuloy ng pakikipagsalamuha ni Sean sa ibang tao. 



Sean has been known from being a distant, naughty, cold, mysterious, and a very weird guy. I thought we're almost the same. But we're not. He is more secretive than I. There's a lot of times that we really can't understand him no matter what we do. I tried to reach him out but ... he's too far. Eventhough, he loves being naughty sometimes, you still can't see through him. Somehow, I decided that maybe it's just okay. We're still brothers and everything. Or so I thought ... 



Because I don't even know that we have fallen in love with the same woman. 



"He told me that she's very beautiful and that she is the second woman who earned his trust and respect. I don't know what kind of past he has with her or something but I can see the love on his eyes." pagpapatuloy pa niya. Halata na pinipilit niyang kontrolin ang mga tubig na namumuo sa sulok ng kanyang mga mata pero halata rin na pilit siyang tinatraydor ng sarili niyang mga mata. Hinayaan niya lang itong bumagsak hanggang sa mabasa na rin pati ang damit na suot niya at ang mga kamay niyang nakapatong sa kanyang mga hita. "Alam mo rin ba na siya ang nag-utos na kunin ang katawan ni Alex sa mausoleum two days after? He knew about Alex having the Onyx Blood Disease when an offer came to him to become the next judge. If my memory is right, that is the time when the council found out that he has one of the two bottles of the White Antidote. Him having that made the council aware of what origin he has." she added. 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon