Simula

24.1K 373 14
                                    

October 20, 2014

Hinawakan niya ako ng madiin sa aking kanan braso habang matatalim ang titig niya sa akin, pinipilit kong di tumulo ang mga luhang nagbabadya na unting tabig nalang ay tutulo na.

"Huwag mo akong tingnan ng ganyan, babae ka!" Matapang niyang sabi sa akin.

Nanlilisik ang kanyang mata sa galit na parang binabaon niya ako ng buhay sa kanyang isipan.

"Zenon, maniwala ka sa akin. Di ko alam ang sinasabi mo." Pilit ko parin iniiwasan na hindi umiyak sa harapan niya.

"Do you think na maniniwala ako sa kasinungalingang yan? Aliyah? Akala mo maloloko mo ako ulit gaya ng dati? Pagkatapos mong pagsawaan ang kakambal ko, ano? Ako naman ang gusto mong makuha?!" Habang nanggagalaiti niyang sinasabi ang mga salitang yun sa akin ay mas lalong dumidiin ang hawak niya sa aking braso.

Dahil sa naririnig ko mula sa kanya ay unti unting bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero kahit isang salita ay walang lumabas sa aking bibig na tila umurong sa mga sinabi niya.

"Ano?! Ikaw pa ang biktima ngayon?! Ang galing mo talagang magpanggap no?" Nakangisi niyang sabi. Nanatili akong nakatitig sa kanya habang umaagos ang aking luha.

"Sabi ko huwag mo akong titingnan ng ganyan!" Mas lalong dumiin ang hawak niya sa aking kanang braso at hinawakan niya rin ang kaliwa kong braso at itulak ako sa pader.
Di parin ako nagpabuwag sa ginawa niya at mas lalo ko siyang tinitigan.

"Bakit ba tayo nagkaganito Zenon? Bakit? Maniwala ka, kahit ngayon lang Zenon, minahal kita ng higit sa buhay ko." Buong puso kong sinabi ang mga yun sa kanya.

Unti unting lumuwag ang kanyang pagkakahawak sa akin. Sa pagkakataong yun ay di ko pinalampas ang pagkakataong yakapin ang lalaking minahal ko ng higit dalawang taon kong hinintay at minahal kong higit sa buhay ko.

Ngunit walang limang segundo ang lumipas ay itulak niya ako mula sa pagkakayakap ko sa kanya na dahilan para mapaupo ako sa sahig. Tumalikod siya akin, inilagay ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon na ngayon ko lang nakitang ginawa niya simula ng makilala ko siya.

"Anong mahal? Alam mo ba ang lumalabas sa bibig mo, Aliyah? Mahal? Hahaha! Nagpapatawa ka ba? Kada makikita kita, alam mo ba kung anong tingin ko sayo? Isa kang basura! Kaya wag kang umasa na babalik ang dating ako na winalang hiya mo!" Nakatalikod niyang sinasabi ang mga salitang yun.

Unting unti nadudurog ang puso ko sa sinasabi niya. Sobrang sakit!

"Kausapin mo ang mga magulang mo tungkol sa kasal at sabihing hindi ka pumapayag. Kung hindi mo gagawin yan, magiging impyerno ang buhay mo. Siguro di mo naman gugustuhin yun." Tuluyang unti unti na siyang nawala gaya ng pagkawala niya noon sa harapan ko.

Naiwan akong nakatulala na kung saan may bumabalik na alaala mula sa nakaraan.

♥♥♥♣♣♣♥♥♥

Kahit na tapos na po ang istoryang ito ay gusto ko parin po malaman kung ano ang tingin niyo sa istoryang ito. Lubos po akong nagpapasalamat sa mga magkukomento at sa mga bumuboto. Maraming salamat po at God Bless.

Enjoy reading.....

Disclaimer: This is a Work of Fiction… This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now