Kabanata 32

5.9K 109 1
                                    

Zenon's POV

Nasa kotse ako habang nakatingin kay Stacey na magiliw na inaasikaso ang kanyang mga customer. Mas ninais kong hindi bumaba at tingnan kung iba talaga siya kay Aliyah at kung ibang tao talaga ang inaakala kong Aliyah. Pero alam kong hindi pwede akong magkamali dahil nang unang makita ko siya, gaya sa tuwing nakikita ko si Aliyah ay tumitibok ang puso ng kakaiba. I'm so crazy about her. I want her to be mine again.

Dumating si Axel sa shop at dumiretso kay Stacey. Kitang kita ko na hinalikan niya ito sa pisngi. Hindi ko maiwasan na di maisip kung gaano na kalalim ang relasyon nilang dalawa.

Aliyah's POV

Humalik sa akin si Axel at kasabay ng halik niyang iyon ay bumulong siya.

"Huwag kang magpahalata andito si Zenon at pinagmamasdan niya tayong dalawa." Ngumiti naman ako bilang tugon.

"Closing niyo na ba?" Axel, nakahawak siya sa aking bewang na pinapayagan ko naman dahil alam ko naman na nandun si Zenon.

"Oo." Nakangiti kong tugon ko.

"Tulungan na kita. Pauwiin mo na ang mga staff mo." Kumindat siya sa akin na hindi parin ako nasasanay.

"Hahaha, may pagkapilyo ka talaga ah." I know what he means of what he said, pinisil ko ang pisngi niya at yung tipong kitang kita ng dalawang mata ni Zenon.

I want to take revenge. Gaya ng ginawa niya sa akin gagawin ko ang mga panloloko niya. Lintik lang ang walang ganti! Mahal ko siya noon pero lahat ng pagmamahal na iyon ay napalitan ng galit kaya nabubuhay na ako ngayon sa malaimpreynong buhay na to. Nabuhay ako para ipatikim ang sakit na ipinatikim niya sa akin.

I clap my hands to get the attention of my staff.

"You can go now. Thank you for your hardwork. See you tomorrow." Ngumiti naman sila at nagpasalamat.

Lima ang lahat ng tauhan ko. Pasado alas otso na kaya okay na para magsara. Ilang saglit lang ay umalis na sila at kaming dalawa ni Axel ang natira. Malawak ang ngiti niya sa akin and I know what he thinks. It show time!

Ilang minuto pagkaalis nila ay lumapit sa akin si Axel at humarap siya sa akin. Hinawakan ako sa magkabila kong bewang. Inilapit niya ang mukha niya sa akin na tila hahalikan niya ako. Pero gaya ng sabi palabas lang ang mga to dahil pinagmamasdan kami ni Zenon.

"Pupunta kaya siya dito?" Bulong ko sa kanya na habang ginagalaw ang aming mga ulo na tila nakikipaghalikan sa isa't isa.

"He will." Paninigurado niya.

"1...2..." Hindi na natapos ang pagsasalita niya at mabilis akong kumawala sa palabas naming halikan dahil pumasok si Zenon sa loob ng shop.

Tama si Axel! He win! Kilalang kilala niya ang kakambal niya.

"We're close." Kunwari ay nabigla ako sa pagpasok niya at sa nakita niya.

Nakatingin ako sa kanya na tila nahihiya sa mga nakita. Kitang kita ang mga nag-aapoy sa galit niyang mga mata.

"Pero ang nakalagay sa sign ay Open. Kaya wala kang karapatan para paalisin ako." Tumingin ako kay Axel na tila nagtatanong at ninakawan ng tingin ang sign sa may pinto.

"Yes, you may. Sa tingin ko matatagalan ka pa sa customer mo. Aantayin nalang kita sa hotel mamaya." He winked.

"At tatapusin natin ang unfinished business natin." He whispered pero malakas ang pagkakasabi niya upang marinig ni Zenon.

Better than Revenge (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt