Kabanata 27

6.9K 129 1
                                    

Zenon's POV:

"Saan si Aliyah?" Tanong ko kay Ara.

Nasa tapat ako ng bahay ni Ara at ilang araw ko na siyang kinukulit na makipag-usap sa akin mula ng bumalik ako sa Manila.

"Di ko alam, bakit mo ako tinatanong. Tapos anong kailangan mo ba sa kaibigan ko? Diba may asawa't anak ka na? Bakit mo pa siya kailangan makita? Para pahirapan ulit?" Tuloy tuloy siyang nagsasalita at naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.

"Asawa, anak?" Napakunot ang noo ko sa kana.

"Oo, diba may asawa at anak ka na? Ang galing mo pala talagang magpanggap." Galit na galit na sabat nito.

"Di ko naiintindihan ang sinasabi mo! Saan si Aliyah? Gagawin ko ang lahat para makita lang siya kaya please Ara sabihin mo kung saan siya ngayon." Halos magwala na ako sa harapan niya pero matigas talaga siya dahil ayaw niyag magsalita.

Ilang buwan akong nagstay sa Puerta Galera para doon muna mag-isip isip pagkatapos ng mga nangyari sa amin ni Aliyah. Kahit na ang phone ko ay nakapatay para lang walang tumawag sa akin dahil gusto ko munang makapag-isa. Sa tagal ko roon ay isa lang ang napatunayan ko habang wala siya sa tabi ko, gusto ko siyang makita. Kahit na nalaman ko ang mga ginawa nila ay hindi ko parin maalis siya sa utak ko. Wala na akong pakialam kung anong namagitan sa kanila ng hayop na lalaking yun basta gusto ko lang siyang nasa tabi ko ngayon at kalimutan ang lahat. Handa akong kalimutan ang mga nangyari basta makita ko lang siya at bumalik sa akin.

"Sorry Zenon. Hindi mo na siya makikita pa." Sa sinabi niyang yun ay biglang nawala ang lakas ko.

"Anong sabi mo? Huwag mo akong lokohin! Tinatago mo siya diba?" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko at mas lalo kong nakumpirma yun ng umiling siya.

"Aliyah! Aliyah!" Sumigaw ako ng buong lakas sa paligid ng bahay nila pero hindi parin siya nagpapakita.

"Zenon tama na yan! Wag ka ng mag-aksaya ng pagod dahil wala nga siya dito." Pinipigilan niya ako na gumawa ng gulo.

"Hindi ako naniniwala sayo! Ipakita mo siya sa akin Ara please! Nagmamakaawa ako!" Tila bumagsak ang lupa at nilamon ako ng kadiliman ng mga oras na ito.

"Bakit ba ang kulit mo? May pamilya ka na kaya tigilan mo na ang kaibigan ko. Lalo mo lang siyang sinasaktan sa ginagawa mo." Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya na pamilya ko dahil ang tanging pamilya ko lang naman ay si Aliyah at wala na siya sa tabi ko ngayon.

"Mahal ko siya Ara. Lahat ay gagawin ko para bumalik lang siya sa akin. Kaya sabihin mo na sa akin kung asan siya. Nakikiusap ako." Luluhod sana ako ng bigla niyang hinawakan ang balikat ko.

"Zenon! Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo at pati na rin si Aliyah. Pagod na siya, doon ka nalang kay Shin at sa anak niyo...." Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita ng marinig ko ang pangalan ni Shin at sinasabi niyang anak ko.

"Shin? Anak?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Oo, diba kasal kayo ni Shin at may anak kayo?" Hindi kko alam kung saan niya nakuha ang impormasyon na yun.

"Hindi ko maintindihan ang kanina mo pang paulit ulit na sinasabi na may iba akong asawa at anak bukod kay Aliyah? Si Shin ay kaibigan ko lang at anak? Wala akong anak sa kanya? Si Aliyah lang ang pinakasalan ko at pinagbubuntis niya ang anak ko." Napahawak sa bibig si Ara at halatang nagulat sa narinig niya sa akin.

"So... wala kang anak at hindi kayo ni Shin? Anong ibig sabihin ng mga to?!" Naguguluhan niyang sabi at halatang hindi niya alam ang gagawin niya.

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now