Kabanata 46

5.9K 106 1
                                    

Zenon's POV

Maaga akong gumising para ayusin ang cafe dahil may darating akong bisita. Habang naglilinis ay napansin kong maagang nagbukas ang cafe ni Aliyah. Ilang oras na pagmamasid ay nakitang umalis siya kasama si Lewi.

Si Lewi ang hinire ko na pumasok sa cafe ni Aliyah upang tulungan ito sa bagong pagsisimula. Siya rin ang inatasan ko upang protektahan at ibalita sa akin kung anong nangyayari kay Aliyah sa buong araw sa cafe dahil mas ninais ko na ngayon na pagmasdan na lamang siya mula sa malayo.

Ang mga nalaman ko nung nakaraang buwan ay sapat na sa akin upang layuan siya. Masakit man sa akin ay gusto kong maging masaya na siya buhay niya na wala ako. Ayaw kong makita ang galit na sumisira sa pagkatao niya. Mahal ko siya pero hindi sapat ang pagmamahal kong to sa sakit nang pagkawala ng anak namin sa kanya.

"Sir, andito kami sa cathedral. Nakumbinsi ko si Miss Stacey na pakipag-usap sa pari. Magpapanggap akong pari at kakausapin siya." Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ni Lewi upang gawin ang ganung bagay.

"Don't do that." I replied.

"Itetext ko nalang kayo mamaya. Kakarireer ko na muna ang pagiging pari. Sinabi ko naman sa inyo na ako na ang bahala sa inyong dalawa, Sir. Malaki ang bonus ko kapag nagawa ko to ng tama." I sighed, what should I do now? Pano kung malaman ni Aliyah ang nangyayaring ito?

Ilang minuto lang ay may humintong kotse at sinalubong ko sila.

"Tito!" Lundag ni Jacob pagkalabas na pagkalabas sa kotse. Sumunod namang lumabas si Shin na naka-Aiator sunglasses upang di makilala ng ibang pwedeng makilala sa kanya.

Nang magkakilala kami ni Shin past 5 years ago ay buntis siya at ito ay si Jacob. Nabuntis siya ng ex-boyfriend niya at tinakbuhan siya nito dahil sa takot sa responsibilidad bilang ama. Pagkaanak niya kay Jacob ay tila akong naging ama nito dahil ako na rin ang nag-alaga nito. Pero itinatago ng pamilya nila ang tungkol kay Jacob dahil sa dignidad na iniingatan nila. Kaya ilang taon din ito itinago sa ibang bansa at ngayon napagdesisyunan na nilang dito na ito tumira sa Pinas.

Nung nagsasama kami ni Aliyah noon kahit sa kanya ay hindi ko ipinaalam na may anak si Shin dahil ayaw kong sumira ng usapan.

"Jacob!" Hinagkan ko agad ang bata sa tuwa na muli ko siyang makita.

"Tito, I miss you a lot!" Ngumiti ito ng pagkalaki laki sa tuwa.

"Shin, thank you na pumayag kang isama mo dito si Jacob." Nakiusap lang kasi ako upang makita si Jacob sa kanya dahil miss ko na rin ang bata, parang anak na rin kasi ang turing ko dito at wala na akong oras pang makipagkita sa ibang lugar sa rami ng dapat gawin sa shop.

"You are always welcome." Pumasok na kami sa cafe at pinaupo ko sila sa best spot na makikita mo ang magandang tanawin sa labas.

"Tito, sa inyo po ba to?" Tanong ni Jacob na ayaw parin umalis sa pagkakadikit sa akin.

"Yeah, do you like it?" Tumango naman ito.

"I want to have like this when I get older." Ginulo ko ang buhok niya na parati kong ginagawa.

"So you need to study hard to have this." Nag-iba naman ang hilatsya ng mukha nito sa sinabi ko dahil ayaw na ayaw niyang pumapasok ng school.

"But we have lots of money so I can buy like this, everything I want, Tito." Mas lalo kong ginulo ang buhok nito na mas kinaiinisan nito lalo.

"Sabihin na nating may pera ka pero paano mo naman papatakbuhin ang negosyo kung wala kang pinag-aralan, Jacob?" Pangsesermon ko.

"Matigas talaga ang ulo yan pagdating sa pag-aaral." Singit ni Shin.

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now