Kabanata 42

5.4K 91 0
                                    

Aliyah's POV

"Plan? Like what? Stacey." May kung anong meron sa mga tingin niya na tila ako ang gusto niyang ibaliktad ngayon.

"Gaya nalang ng pagpunta mo dito. Ano ba talagang gusto mo?" Naiinis kong tanong sa kanya.

"I am always welcome here, Stacey." Kada banggit niya ng aking pangalan ko tila may kung anong bagay na nagpapakilabot sa akin.

"Huwag mong gagawin na lumapit sa akin. Kung welcome ka sa mga magulang ko pwes iba ako!"

"Ganyan ba talaga ang pagtrato ng isang katulad mo sa lalaking nakasama niya ng buong gabi...." Hinila ko siya papasok ng aking kwarto ng makita ko si Mom na papunta sa lugar namin.

"Stay here for this night." Wala na akong magagawa pa kudi dito ko na lamang siya patulugin pero may magagawa pa ako para sa aking sarili.

"Dahil gusto kong magbayad ng utang na loob mula sayo. Dito ka nalang matulog sa kwarto ko habang ako aalis nalang ako para hindi masira ang araw ko." Inilapag ko na ang mga gamit ko at lumabas ng kwarto.

Tumungo ako sa isang kwarto kung saan ang tanging nagtatanggal ng stress ko. This will be my relaxing day. Nakaayos parin ang mga dating mga napaint ko sa kwarto to.

Inaayos ko ang mga gagamitin ko para magpaint, brush, canvas at pintura.

Matagal na rin di ko nagagawa ang hilig ko. Sa paglipas na halos 3 taon ang tanging naipipinta ng aking mga kamay ang mga hinaing ko sa buhay. For past 3 years hindi ko man lang nagawa na ipagpinta ang mahal kong anak.

Ito ang ikatlong taon nang mawala siya sa akin and how dare I am to forget this important day of my life. Ngayon ko lang ito naalala dahil sa rami ng nangyari sa akin ngayon araw. Siguro ito na rin ang binigay niyang way para maalala ko siya at bigyan ng regalo.

"Baby, this is the only little thing that would your stupid Mama can do for you." Sinimulan ko ng idampi ang brush 

Kung nabubuhay siya hindi sana isang kathang isip lang ang nabubuhay sa mundong ito kundi totoong siya na hawak hawak ko.

"I'm still sorry kung di ko pa rin nagagawang higantihan ang mga taong gumawa sayo nito. I'm sorry baby." I feel sleepy so I get some sleep on my sofa.

"Hi?" Lumapit ako sa isang batang babae na kung saan hawak hawak niya ang painting na ginawa ko para sa munti kong anak.

"Mama?!" Nagulat ako ng bigla niya akong hagkan .

"Bata? Baka nagkakamali ka? I'm not your Mama." Mabilis na nagbago ang kanyang itsura.

Puting puti ang suot niyang damit, malumanay ang pagkabagsak ng kanyang magandang buhok, may makikislap na mga mata, magandang tangos ng ilong, at may malarosas na labi. Nababalot siya ng liwanag.

"Mama." Muli niyang sambit.

"Pero hindi nga ako...." Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay iniabot niya ang painting na ginawa ko para sa anak ko. Umupo ako upang maging kapantay ko siya.

"Mama, pwede niyo na po bang tanggalin ang mga galit sa puso niyo?" Sabi ng batang kaharap ko ngayon.

"Galit sa puso?" Tumango siya.

"Pagdating ko ba ulit sa buhay niyo pwede bang tanggalin mo na ang galit?" Naguluhan ako sa sinasabi niya.

Better than Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon