Kabanata 11

7.1K 126 2
                                    

October 26, 2014

Araw ng day-off ko. Napagdesisyunan kong tawagan ang nagdala sa akin sa may hotel pero hindi niya iyon sinasagot so I texted him na magkita kami sa Starbucks sa mall.

Dumating ako ng sakto sa tinext ko pero hindi parin dumarating ang tinext ko. Alam kong may posibilidad na di siya dumating pero I try. Gusto ko lang sana magpasalamat sa tulong na ginawa niya sa akin.

And I found myself that I knew that person. Sa tingin ko siya si Zenon. Ang huling naalala ko ang mukha niya na sa tingin ko ay nakita ko kaya naman may posibilidad na siya ang lalaking nagsama sa akin sa hotel at tinulungan ako. But I'm not really sure if that is my imagination or it is real.

Umupo ako sa upuan kung saan agad niya akong makikita. I texted him what I am wearing para kung hindi niya na ako maalala ay makilala naman niya ako sa suot ko.

Habang nakaupo at iniinom ang Frappuccinong inorder ko ay nakita kong pumasok si Zenon sa loob na kung saan ako nadoroon.

"Siya ba kaya ang nagdala sa akin sa hotel?" Nakatitig ako sa kanya habang pumapasok and my hopes high up but suddenly I realized I was wrong.

Umupo siya sa isang upuan. Sa tingin ay di niya ako nakita.

Hindi na ulit kaming dalawa nag-usap pagkatapos ng gabing iyon. I try na kausapin siya but he always ignores me.

Gusto kong lumapit at kausapin siya pero natatakot akong magalit siya sa akin o balewalain ako.

Nakatingin ako sa upuan niya na tila may inaantay. Ewan ko kung sino ang inaantay niya but I think it was the airport girl. Ilang sandali pa ay bumukas muli ang pinto but I was too wrong hindi ang airport girl ang dumating it was Axel. Anong pag-uusapan nila?

Umupo si Axel sa upuan na katapat ni Zenon. Gusto ko sanang lumipat ng upuan pero pano? Baka mahalata nilang andun ako. Halos tatlong mesa ang layo ko sa kanila. Kahit anong gawin ko ay hindi ko sila maririnig kasabay pa ng musika na pinapatugtog sa Starbucks.

Nag-usap sila at nakita kong hindi maganda ang nagiging emosyon ni Zenon habang si Axel ay walang patawad sa pagngisi. Lalo tuloy akong nahihikayat para makinig sa pinag-uusapan nila. Ako ba ang pinag-uusapan nila o baka ang kasal? May mga ideyang pumapasok sa utak ko pero mga haka haka lang ang mga ito. Tiningnan ko ang aking wrist watch 10:47 na halos 10 minuto na silang nag-uusap.

May pumasok na naman sa loob ng shop at si Mr. Rival yun. Ano ba to? Ang liit naman ng mundo para sa ganitong sitwasyon nasa iisang shop lang kami ng pinuntahan. Nagulat ako ng dumiretso siya sa akin. Siya na kaya ang nagdala sa akin sa hotel? O baka naman mali ako? Nakangiti siyang bumungad sa akin. Ako talaga ang pakay niya.

Tumayo ako para salubungin siya. Hindi ko alam kung bakit ako tumayo.

"Hi, Miss. I'm sorry, I'm late." Nakangiti niyang bungad sa akin.

"Please take a seat." Umupo naman siya at sigurado akong siya nga ang nagdala sa akin.

"So Mr. Rival ikaw po ba ang nagdala sa akin sa hotel?" Agad kong tanong.

"Yeah. Ganun nga. Bakit may iba ka pa bang inaasahan?" Pagbibiro niya.

"Wala naman po, di ko lang po talaga inaasahang ikaw ang darating." Pagiging prangka ko.

Bakit siya pa? Bakit di nalang si Zenon?!

"Oh. Sorry." Halatang namang parang nadisappoint din siya sa narinig niya sa akin.

"Di niyo po kailangan magsorry. Iba lang talaga ang naging expectation. Sorry po talaga." Nahihiya kong saad rito.

"Matagal na tayong nagkikita pero hindi ko pa pala nahihingi ang pangalan mo." Ngayon ko lang din narealize na puro Miss lang ang tinatawag niya sa akin.

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now