Kabanata 34

5.6K 96 1
                                    

Zenon's POV

Almost 3 weeks di ko na nakikita si Stacey. Gustong gusto ko na siyang makita but I'm too busy for the party. Lahat ng investor ay darating doon.

"Zenon!" Lumingon ako upang makita kung sino ang babaeng tumawag sa akin.

"Shin...." Mabilis niyang ikinapit ang sarili niya sa aking kamay.

Dalawang taon na kaming di nag-uusap at ngayon ko nalang ulit siya nakausap.

"Anong ginawa mo rito?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Because of the party." Ngumiti siya sa mga nakakasalubong namin na bumabati sa amin.

"Okay, where are your parents?" Napalingon ako upang hanapin sila.

"Nauna na. Sasabay ako sayo." Wala na akong nagawa kaya sinabay ko na siya pumasok sa venue.

Hindi pa ganun karami ang tao pagkarating namin.

"Good evening, Mr. Craig." Mr. Lavigne, one of the big investor.

"Good evening too, Mr. Lavigne." I also greeted.

"Is she your girlfriend?" Turo niya kay Shin na nakahawak parin sa akin.

"Yes, I am." Sagot ni Shin na hindi ko nalang tinutulan dahil ayaw ko pang humaba ang usapan at ayaw ko rin siyang mapahiya sa harap ng ibang tao.

"She's beautiful." Bati ni Mr. Lavigne.

"Thanks, Mr. Lavigne." Abot tengang pasasalamat ni Shin.

"Enjoy the night Mr. Lavigne, excuse us." Mabilis kong hinila si Shin papunta sa isang corner na walang katao katao.

"Huwag mong gagawin ulit yun bago ako magalit." Saway ko dahil hindi parin nawawala ang galit ko sa kanya pagkatapos ng ilang taon sa ginawa niya kay Aliyah.

"Pero Zenon naging girlfriend mo naman ako kaya anong ikinagagalit mo?" Hindi parin siya nagbabago.

"Noon yun Shin, stop your imagination." Inis kong pahayag.

Malaki rin ang kasalanan ko kung bakit ganito ngayon si Shin dahil pinaasa ko siya noon dapat di ako pumayag na gamitin siya para lang sa sarili kong kagustuhan. Ginamit ko siya para ipakita kay Aliyah noon na maayos na ang buhay ko at di na ako apektado sa mga nangyari pero mali ako dahil kada may lumalapit sa kanyang ibang lalaki ay pinapatay ako ng selos.

"Eh wala naman na si Aliyah at di na siya babalik kaya may pag-asa parin ako sayo, right?" Tila nagtaas ang dugo ko sa narinig ko sa kanya.

"No! Kahit na di na bumalik pa si Aliyah hindi na magiging tayo ulit Shin kaya tigilan mo na ako!" Tumalikod na ako sa kanya para lumayo pero hinawakan niya na naman ang kamay ko.

"Pero Zenon!" Pilit kong pinakalma ang aking sarili sa pangungulit niya.

"Tigilan mo na ako Shin! Kung hindi lalayuan na talaga kita! Kahit na maging kaibigan mo ay hindi ko na nanaisin pa!" Pagbabanta ko sa kanya.

"Okay, sorry. " Suko niya, hindi na muli siyang humawak sa akin pero nakabuntot naman siya.

"Zenon?" Nakita ko ang Dad ni Aliyah.

"Dad, good to see you here." Napatingin ako sa Mom ni Aliyah na nasa tabi ni Dad.

"Also you Mom." Ngiti ko.

"Where are your parents?" Halata naman na napansin nila si Shin na nasa likuran ko.

"Maya maya darating na rin po yun." Sagot ko.

Better than Revenge (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora